Jock 5

3.2K 19 0
                                    

Nakatitig lang sakin si Amy habang nasa restroom kami matapos kaming umalis sa party na nangyayari sa backyard ng Bella Sorority House. Kasalukuyan kong pinupunasan ang basa kong mukha ng paper towel matapos akong maghugas. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Bakit ka nakatitig dyan? It's so creepy!" sabi ko sa kanya.

"Hindi mo ba kilala ang lalakeng kahalikan mo kani-kanina lang?" tanong niya at nagkibit-balikat lang ako.

"He's Axid, siya yong lalakeng nakilala ko sa frat party na pinuntahan natin last week." napaaray na lang ako nang bigla niya kong binatukan. "What the?! Ano bang problema mo?!!" angal ko.

"Problema ko?! Pinagsasabihan mo ko about sa football players na hindi sila nagseseryoso tapos ngayon boyfriend mo ngayon ang isa sa kanila! Yong pinaka-popular pa sa lahat ang nakilala mo sa frat party! Naku naman Lavinia, wala ka ba talagang alam kung sino siya?!"

"Siya nga si Axid! Exaggerated naman masyado yang reaction mo."

"Siya si Axid Stone! Ang King of Campus, star quarterback ng Raven Knights football team! Magaling siyang maglaro at ang daming nagre-recruit sa kanya para mag-pro pero nag-decide siyang tatapusin niya muna ang college. Lahat nag-eexpect na makapasok sila sa finals at mag-champion ulit. Do you know what that means?"

"He's... A really good player?" pinagpapalo niya ko at lumayo naman ako sa kanya.

"Siya ang lalakeng gustong makuha ng lahat ng babae rito. Smart, rich, super hot lalung-lalo na pag naglalaro siya. Medyo may magpakainitin ang kanyang ulo, at tuwing maiinis siya pag may game, sinisigawan niya ang mga teammates niya pati na ang coach minsan pero nateturn-on pa rin ang mga malalandi. Tapos ngayon, naghalikan kayo sa harap ng lahat at kung hindi pa kayo pinigilan, baka tuloyan na kayong nag-sex sa harap namin. You guys were into each other na nagpausok sa tenga ni Brianna."

"Sandali, girlfriend niya ba ang babaeng yon?"

"Hindi noh! Reyna siya ng fake news, pinagkakalat niya lang na girlfriend siya ni Axid kasi baliw siya at napakadesperada. Magkababata kasi sila kaya ganon."

"Hmm... Yon din ang sinabi sakin ni Axid eh. Tsaka bakit mo ba sakin sinasabi sakin toh?"

"How many times did you and him have sex?"

"Is that even relevant?" pinandilatan niya ko ng mata. "I don't know, a lot of times na?"

"As in?! So you guys are together? I mean wala kasing tumatagal na babae sa kanya. You know he gets drunk, fuck some girl and move on. Pero ikaw Lavinia, he's definitely crazy about you."

"Alam mo wala akong pakialam at wala ding kami okay? Ineenjoy lang namin ang time namin together but we don't have a label yet."

"Anong walang label? Ayaw mo bang maging boyfriend ang isang Axid Stone?"

"Nope! Tsaka sa mga sinabi mo, mas mabuting itigil na lang namin toh, kung anuman ang namamagitan sa aming dalawa." akma na kong lalabas pero pinigilan niya ko.

"Nababaliw ka na ba? Bakit?! Bagay nga kayo eh!"

"Popular siya, mayaman at pinagkakagulohan Amy. Pag naging close ako sa kanya, for sure, gulo yon! Nag-start na nga kay Brianna, sino pang susunod?"

"Mag-isip ka nga! Be rational for once Lavi! Opportunity na toh para magkaroon ka ng normal na lovelife at pag tinapos mo toh? Sigurado ka bang papayag at pakakawalan ka ni Axid? I doubt it!"

"Hay! Bahala na! Basta huwag mong sasabihin ang mga napag-usapan natin." tumango lang naman siya at lumabas na kami sa restroom. Bago pa man kami makapabalik sa backyard, bigla na lang sumalubong samin si Axid. Ngumiti sakin si Amy at agad na nagpaalam patakbo pabalik sa party. "What?" nagtataka kong sabi sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yon tapos ay hinila niya ko papunta sa 2nd floor ng bahay. Dinala niya ko sa isang bakanteng kuwarto, isang queen size bed na may takip na white sheet, study table at bathroom lang ang naroon pero mayroon ding balcony na katapat ng isang malaking oak tree.

The Jock of My Lust Where stories live. Discover now