Crazy 7

16 0 0
                                    

Kevin's P.O.V.

Pagkapasok ko dito sa academy, halos lahat sila nakatingin sa akin.

"My Prince bakit kasama mo ang chaka na si Ashley? Mas bagay tayo."

Yuck. Mas mabuti na lang ang taong grasa kaysa clown na nga taong bundok pa.

Kung ano-ano na lang ang sinsabi nila tungkol kay Ashley.

Hinahanap ko si Ashley.

Nagulat ako dahil pinagtutulungan siya ng 3 babae. Pinapahirapan nila ang love of my life!

"Tigilan niyo ang girlfriend ko."

Malutong ang pagkakasabi ko.

Napatingin sila sa akin. Nagulat ang tatlong babae.

"Siya ang nauna prince namin!"

Sagot ng tatlong babae sa akin.

"Unang-una, Kevin ang pangalan ko at hindi prince. Pangalawa, anong prince niyo? Iisa lang ang prinsesa ko at si Dollarine lang iyon."

Nagulat si Ashley noong tinawag ko siyang Dollarine. Parang familiar sa akin yung name eh.

"Pagbabayaran mo ito Kevin!!"

"Ow. How much?"

"AAARGHH!!"

Lumayas na yung tatlo.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon. At hindi mo dapat ako tinawag na Dollarine. Magiging special ka kasi eh."

"Huh? Lakasan mo!"

May sinabi siya sa bandang dulo. Hindi ko naintindihan ang hina kasi.

"Wala! Ewan ko sayo! Salamat pala"

Tumakbo na siya paalis.

"Mahal kita Ashley. Sana alam mo yun."

Biglang may sumakit sa katawan ko.

Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na sa classroom namin.

Ayaw ko na ngang pumasok bigla eh. Ang sama na ng pakiramdam ko.

Pumunta ako sa clinic para makapag-pahinga dahil parang pagod na pagod at parang nanghihina ako.

Inaantok na ako ng...

"Ayaw na ayaw ko talaga sayo Kevin. Isinusumpa kita. Mamatay ka na sana."

Kilala ko ang boses na iyon.

Si Ashley ang nagsalita.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

At dahil dito nakatulog ako.

************************************

Sana po nagustuhan niyo.

Sorry po dahil parang boring siya.

4th Grading Dept. Test na po kaso kaya aral aral din pag may time.

Comment and Vote please??

Thank you po

Piglet_Infinite

♥♥♥♥♥♥♥

Inlove with the Crazy GirlWhere stories live. Discover now