Aral ng kwentong "Haring Araw at Haring Hangin"

33 1 0
                                    

Summary:

    Madalas nag-aaway si Haring Araw at Haring Hangin kung sino sa kanilang dalawa ang mas malakas. Isang araw mayabang na sinabi ni Haring Hangin na mas malakas siya kay Haring Araw. Kaya naman nagkaroon sila ng kompetisyon na kung sino sa kanilang dalawa ang makapagpapaalis ng polo ng binatang dadating, siya ang pinakamalakas. Nauna si Haring Hangin dahil ayaw niyang mahuli. Ginamit niya ang buong lakas niya sa pag-ihip, ngunit  sinara ng binata ang lahat ng butones ng polo niya at ito ay nanginginig sa lamig. Sumunod si Haring Araw sa kanya, naisip ni Hangin na kung siya nga ay hindi napaalis ang polo ng binata paano pa kaya si Araw. Maya-maya pinalitaw ni Araw ang kanyang sinag at unti-unting pinainit ito. Punong-puno ng pawis ang  binata at napagdesisyonan na tanggalin ang lahat ng butones ng polo niya at hubarin ito. Nanalo si Haring Araw. Simula noon hindi na muling nagyabang si Haring Hangin.


Aral ng kuwento:

                  " Ang kayabangan ay dapat iwasan, mas mabuting tayo'y magpakumbaba na lamang."


               "  Pag-isipan muna ng mabuti at makailang beses bago gumawa ng desisyon upang hindi magsisi."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short Tales [ english and tagalog ]Where stories live. Discover now