~
Adrienne's POV
"Code Blue, room 111! Code Blue, room 111!"
Dali dali akong tumakbo sa kwarto ni Maea. Bigla na lamang tumunog ang makinang nagsisilbing hingahan niya. Nanginginig ang kamay ko kung kaya't pinalitan na ako ni Marc at pinaupo sa bench. Doon hindi ko na pigilan ang nagraragasang luha na kanina pa gustong kumawala. Hindi ko kayang iisantabi ang emosyon ko mula sa trabaho kong ito, naturingan akong Doctor ni Maea ngunit hindi ko magawang isalba ang buhay niya ngayon. Dali dali akong tumayo't pumunta sa maliit na Chapel ng hospital na ito. Mariin kong inilagay ang dalawang palad ko sa mata at saka taimtim na nanalangin.
She has Chronic Myeloid Leukemia o CML. Nag-uumpisa ito sa cells sa loob ng bone marrow na responsable sa paggawa ng dugo. Kumakalat ito sa dugo, at pagkalipas ng panahon ay kumakalat na rin sa ibang bahagi ng katawan. Bata pa lang siya ay may CML na ngunit hindi iyon agarang nakita dahil wala namang lumabas na sintomas. Naalala ko pa noong unang check-up ko sa kaniya, kay liit niya pa noon at hindi mo aakalaing may sakit siya, sobrang sigla ni Maea, napakagandang bata. Nakakalungkot lang na sa hospital siya na ito lumaki. Hindi niya naranasang makihalubilo sa mga batang kasing edad niya. Tanging kami lamang kasi lang nakakalaro niya rito gawa ng pulos matatandang pasyente ang narito. Sa edad na 12 na-confine na siya at hanggang ngayong mag-18 na siya ay narito pa rin siya. For 6 fucking years ininda niya lahat ng sakit simula sa chemotherapy hanggang sa mga kung ano pang gamot ang isinasaksak sa kaniya.
-Flashback-
24 hours ago"Doc Adrienne, lahat naman siguro tayo ay may pangarap sa buhay, 'di ba?" inosenteng tanong ni Maea na siyang kinangiti ko. "Oo naman, ikaw ba ano bang pangarap mo once na makalabas ka na sa hospital na ito?" Akala ko ay isang masayang kwentuhan na naman ang magaganap sa amin ngayon. Unti-unting naglaho ang ngiti sa mata ko nang sulyapan ko ang mata niya, hindi ito gaya ng nakikita ko noon. May mali.
"Sa totoo lang doc, hindi ko alam kung anong pangarap ko, hindi ko makita 'yung sarili ko sa hinaharap. Hindi ko masilayan 'yung sarili ko na paunti-unting tinutupad ang mga pangarap tulad ng iba. Siguro nga hindi na ako gagaling. Siguro nga ilang taon, ilang buwan, ilang linggo o baka nga ilang araw na lang ang natitira kong oras sa mundong ito. Natatakot ako doc, ayaw ko pang iwan sila mama ngunit ayaw ko na rin silang makitang nahihirapan mapagamot lang ako. D-doc natatakot ako, hindi ko kakayanin na sa huling pagpikit ng mga mata ko ay mga magulang kong nagluluksa ang huli kong makikita." Lumuluha akong umiling nang umiling tsaka nagsalita
"H-h'wag ka ngang magsalita nang ganiyan Maea, gagaling ka! Pagagalingin kita! Gagawin ko lahat para bumalik ang dati mong sigla. May pangarap ka, ayaw mo lang alamin. H'wag kang mag-iisip ng ganiyan ha." Magsasalita pa sana siya ngunit mariin ko siyang hinalikan sa noo tsaka mariing niyakap. Pinunasan ko ang mga luha niya tsaka muling hinalikan sa noo."Matulog ka na, gabi na. Maaga kitang gigisingin bukas sabay nating panonoorin ang pag-angat ng araw." Ngumiti ako tsaka umalis.
Kinaumagahan tulad ng pangako ko kay Maea dinala ko siya sa tabi ng dalampasigan, hindi kalayuan sa hospital kung saan siya naka-confine. May kotse naman ako kaya hindi kami mahihirapang pumunta roon. Sabay naming pinanood ang pagsilip ni haring araw. Manghang mangha siya ngunit tulad kagabi, may kakaiba pa rin.
"Maea, may problema ba? Nahihirapan ka ba? Magsabi ka sa akin ha." Mali palang tinanong ko pa siya. "Matagal naman na akong may problema doc, lahat naman siguro tayo. Matagal na rin akong nahihirapan sa sakit kong ito," mapakla siyang humalakhak tsaka pinagpatuloy ang nais niyang sabihin.
"Minsan nga mas gugustuhin ko na lang magpahinga na, sobrang sakit na doc, hindi ko na kaya pero sa tuwing naiisip ko ang mga pinaghirapan nila mama para lang mabuhay ako, umaatras buntot ko." Tumingin siya sa akin, ayun na naman ang mata niyang nakakabahala. "Alam mo doc? Nakakatakot din palang magtiwala nang sobra sa sarili 'no? Nakakasira rin pala 'yon ng buhay. Masyado akong nagtiwala sa sarili ko noon na kakayanin ko lahat, sa sobrang pagtitiwala ko sa sarili ko, nakalimutan ko na siyang mahalin, nakalimutan ko ng alagaan ang sarili ko na naging dahilan kung bakit ako nasa ganitong kalagayan ngayon. Alam ko namang lahat ng nangyayari ngayon ay may rason, pero Doc bakit naman ganito, anong rason Niya? What if mas minahal at inalagaan ko 'yung sarili ko noon? What if may mga kaibigan ako noon? What if ayos ang lahat noon? What if hindi namatay si ate? What if hindi ako nagpabaya? What if hinati ko 'yung tiwala ko sa ibang tao? Kila mama? Siguro normal lang akong nabubuhay ngayon. Siguro hindi naghihirap sila mama sa pagtatrabaho ngayon kung noon pa lang nakinig na ako sa kanila. Mag-18 na pala ako Doc, 'no? Grabe anim na taon. Mag-aanim na taon na akong nagdidiwang ng kaarawan ko rito, siguro kung wala kayo sa tabi ko Doc wala pang isang taon, nasa kaharian niya na ako 'no? Hahahaha." Pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha na nakatingin na muli sa dagat.
"Ang ganda ng dagat, Maea 'no? Ang simple lang ng alon, nakakagaan ng loob." Iniba ko ang topic, umaasang makikisabay siya ngunit nagkamali na naman ako. "Oo nga, doc kaso walang silbi 'yung ganda kung hindi ko na masisilayan pa hahahaha. Biro lang po." Nabigla man ay nakuha ko pa ring tumawa, pilit nga lang. Napansin iyon ni Maea kaya sinimangutan niya ako, "Doc naman eh, pilit naman iyang tawa mo, h'wag ka na lang tumawa kung ganoon," nagtatampo kuno niyang saad.
"Maea may naisip ako, don't call me Doc for now, kahit ngayong araw lang."
"Sige, Adrienne," humahalakhak niyang saad. Pinagkunutan ko siya ng noo sabay kiniliti ng todo sa tagiliran, sa leeg at sa binti niya. Tumigil ako saglit "Call me ate, Day-off ko ngayon kaya ako muna ang ate mo." Hindi ko na siya hinintay na sumagot sa halip ay pinagpatuloy ko ang pangingiliti sa kaniya. Nang makaramdam ng pagod ay tumigil na kami. "Maea kalimutan muna natin ang sakit mo ha, sa ngayon isipin mo na lang na nandito tayo upang magbakasyon, lisanin ang mundong hindi patas. Wala tayong ibang gagawin kun'di magsaya lang ha. Tanggalin mo muna ang mga pulos negatibo sa isipan mo. Kailangan mo rin ng pahinga sa malupit na tadhana." Ngiti na lang ang isinukli niya tsaka ko tinulak ang wheelchair at sabay naming nilibot ang dalampasigan na iyon.
Magdamag naming nilibot ang lugar na iyon. Masaya akong muli kong nasilayan ang tunay na mga ngiti ni Maea. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang siya naisipan dalhin sa lugar na ito, sa loob ng anim na taon ngayon lang ulit niya nasilayan ang ganito kagandang tanawin.
to be continue.......
YOU ARE READING
Because of You(2-Shots Story)
Short StoryMay tiwala ka ba sa iyong sarili? Sa iyong kapwa? Sa magulang mo? Sa Diyos? Sapat na ba ang tiwalang iyon upang mahulma ang pagkatao mo? O ito pa mismo ang sisira sa iyo?