Scarlet Butterfly #5

33 0 0
                                    

Paglipas ng ilang oras sa eskwelahan, dumating din ang oras para sa uwian namin. Buti naman gising na si Kristoff nun para sabayan akong umuwi, gusto ko na din kasi magtampo kasi parang hindi sya responsible na BF para saakin. Pero bakit kailangan may tampo pako eh dapat galit talaga ako sa kanya kasi isa syang Vigillante... Hayyyyyy, ako talaga ang best-pretender ever.

"Kamusta tulog mo Bebe?" tanong ko

"Ok lang, kahit papaano nakabawi ako ng pahinga. Nanaginip pati ako kanina" sabi nya

"Nagawa mo pa yun sa school aaa, parang imposible naman kasi. Tungkol saan naman?" tanong ko muli

"Ang weird eh, may papatay daw saakin na taong pula ang buhok gamit ang baril. Tapos nung binaril ako sa panaginip ko nun nakita kita nun malapit ka sa dalampasigan at nakatingin sa kalayuan."

"Ang weird noh?" sabi nya pa

"Medyo lang. Bat naman may papatay sayo? Tapos ako nakatingin lang sa karagatan? Tssssss... parang ewan naman ako nun." sabi ko

May papatay kay Kristoff na pula ang buhok, pwede sanang ako yun eh. Eh may baril... hindi ako gumagamit ng deadly weapons kasi ako palang mismo, deadly na. Hindi nya naman siguro nakikita yung hinaharap nya nuh?

Biglang naging seryoso yung usapan namin nung biglang may sinabe sya tungkol sa nangyari kahapon sa kanya.

"Lovely, wag kang maingay aaa... secret lang ito kasi medyo personal lang" sabi nya ng pabulong habang naandito kami sa bus.

"Ano yon?"

"May grupo ng mga kabataang nagtangkang bugbugin ako kahapon. Dun sa may malapet sa kanto sa inyo" Shet, yun na nga siguro yung mga bataan ni Hugo

"Hala?!"

"Sssshhhhhhh... wag ka maingay" sabi nya saakin.

"May nagawa ba silang masama sayo bebe?"

"Buti nga wala eh, hindi ko alam dun sa mga yun kung bakit ako pa napagtripan nila. Hindi naman ako naglaban eh, diniskartehan ko lang yung pagtakas sa kanila at yun nga, nakadating ako kina... kina Mama at papa sa Novaliches."

Now I know, diskarte huh? Magaling nga talaga tong boyfriend kong Vigillante. Palpak talaga yung mga bataan ni Hugo nung oras na iyon.

"Buti naman ok ka ngayon :) "

"Ou naman Lovely, masaya na din kasi nandito ka sa tabi ko, kapiling ko =). I love you <3" sabi ni Kristoff.

Tanginang Kristoff na to, napipilitan tuloy ako.

"I love you too! :) <3"

Tanginang pag-ibig na to.

Sabay nagholding pa kami dito sa bus. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na isandal ang ulo ko sa balikat nya :) yung height namin kasi tamang tama lang :3. Natahimik din kami nung mga sandaling iyon at hindi ko na din namalayan na ako naman ang naka-idlip sa tabi nya.

"Biglaang tinamaan ng antok aaa, ang cute talaga ni Lovely =)"

narinig ko pa iyon at sinandal nadin ni Kristoff ang ulo nya saken habang nakahawak naman sya sa bewang ko nun. Yung fats ko hawak nya xD. Buti hindi to nangingiliti :)

Teka?! Bakit ko nga pala nasabi ang lahat ng iyon?!

Mas dapat ko pading pahalagahan na isa akong Bandidos at wala dapat akong relasyon sa isa namang Vigillante na gaya nya. Kung hindi ko lang sya misyon wala sana kaming malalim na koneksyon.

Paglipas ng Apat na oras.

Patungo na ako sa HQ namen at pinatawag ko lahat ng tauhan ni Hugo, yung mga dapat na bubugbog kay Kristoff. Present ka lahat ng tauhan ko nun, naandon na si Hugo Strange, ZingcoSais at Kunai.

"Kayong mga hangal kayo, BAKIT NYO HINAYAANG MAKAWALA SI TRASHTALK KING?! HAAA??!" sabay sinampal ko ang isa sa kanila

"Madam ganito po kasi ya--" hindi na sya natapos magsalita pa nung inangat ko ang manggas ng damit nya

"Wag kanang magpaliwanag pa kasi mga tatanga tanga kayo!!" sabay sinikmuraan ko sya

"Madam... ayoko namang kumontra sa eksena aaa, baka pwede naman nating marinig ang panig nya?" sabi ni ZingcoSais

"Tama si Zingco" pagtugon pa ni Kunai.

Si Hugo naman nakayuko lang at mukang ayaw na pinapagalitan ko ang mga bataan nya. Yung iba pang kasama netong mga thug na to nanginginig na din ang tuhod sa takot.

"Ang swerte nyo kasi may puso tong mga kasama ko... Magsalita kana dali!!"

Natatakot pang magbuka ng bibig yung sinikmuraan ko

"Ang nangyari po kasi nun... Hinarang namin sya sa daan nya at binantaan namin agad sya. Sinabe namin na kilala namin sya bilang si Trashtalk King. Itinatanggi nya pa yung tunay nyang katauhan at pagtapos nun minura nya kami sabay tumakbo sya. Nakakahiya man sabihin Madam, ang bilis nyang tumakas at alam nya kung paano kami mahihirapan sa kanya, nung duon na kami sa mataaong lugar, nahirapan kami kasi limitado ang galaw namen kasi may mga parak. Tapos nung makita namin sya, kakasakay nya lang ng bus nun. Sayang lang na hindi namin alam kung saan sya pupunta nun at yun. Mission failed kami =("

Muka namang ayos ang pagpapaliwanag nya, pero dahil nga palpak sila. Hindi ako magiging masaya ng hindi sila nasasaktan kaya isa-isa ko silang pinagsusuntok sa muka nila.

"Magpahinga na muna kayo. Magbago muna tayo ng target, Hugo yung minamataan mo sa HRM sya muna ang pag-iinitan natin.

"Si 'Takatak Boss'?" sabi ni Hugo

"Sya nga..." sabi ko

.

.

.

.

.

My Trashtalk Love (NAGBABALIK 2017!)Where stories live. Discover now