C1

319 15 4
                                    


Maingat kong inilipat ang pahina ng librong aking binabasa. Binigay ito sa akin ng aking yumaong ina noong ika-sampung taong kaarawan ko kung kaya't iniiangatan ko itong mabuti. Kahit na paulit ulit ko nang nabasa ang aklat na ito ay hindi pa rin ako nagsasawang basahin ito. Sa oras kasi na sisimulan ko uling basahin ang libro ay mas nauunawaan ko lalo ang bawat pangungusap. It's feels like it never gets old.

Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko nang bigla kong naramdaman ang tawag ng kalikasan. Marahan akong tumayo sa kinauupuan ko at dumiretso sa dulong bahagi ng eroplano para gumamit ng rest room. Iyon nga lang, occupied pa ito kung kaya't nagdesisyon akong maghintay na lang sa bandang gilid.

Ipinagkrus ko ang aking mga braso habang hinihintay ang kung sino mang gumagamit noon. Pakiramdam ko ay kaunting kaunti na lang, sasabog na ang pantog ko. Asar.

Bumilang ako hanggang tatlumpu at sa kabutihang palad ay lumabas na ang kung sino mang lapastangan na napaka-tagal gumamit ng rest room. Hindi ko na tinignan ang kanyang mukha ,kahit na dapat ay ginawa ko iyon nang maresbakan ko pagkalabas ng rest room, dahil nagmamadali na talaga ako.

Matapos kong gawin ang dapat kong gawin ay agad akong bumalik sa aking kinauupuan. Pero bago pa man ako tuluyang maka-upo sa upuan ko ay may humigit sa aking braso.

Nilingon ko ang lalaking nakaupo at binigyan ng nagtatanong na tingin, "Bakit po?"

Agad niyang binitawan ang aking kamay at humingi ng despensa, "Sorry."

Tumango ako at dumiretso na sa aking upuan. Binalewala ko na lamang iyong ginawa nung lalaki at muling nagbasa.

Ilang oras na lang at malapit na akong makabalik sa Pilipinas. Ilang taon na rin akong naninirahan sa San Francisco at ngayon ko na lamang muling makikita ang hometown ko. Bukod pa doon ay mag-ta-transfer na rin ako ng school dahil sa mas gusto kong makatapos ng pag-aaral dito. Isa pa, wala naman na akong kasama sa mansyon kaya mas mabuting bumalik na lang ako dito. At least, makakasama ko pa si Manang Sina na itinuturing kong pangalawa kong ina.

"My bounty is as boundless as the sea,

My love as deep; the more I give to thee,

The more I have, for both are infinite."

I read that part mentally with a sigh. Still, I can't find the true meaning of that statement because I haven't experienced it firsthand.

****

Matapos ang napakahabang biyahe, sa wakas ay nakalapag na rin ang eroplanong aking sinasakyan. Nagmamadali kong kinuha ang mga bagahe ko dahil nais ko nang makauwi.

Kabisado ko pa rin naman kung ano ang address ng aming bahay kaya kahit mag-taxi ako ay okay lang.

Isang back pack at luggage bag lang ang dala dala ko. Puro chocolates at damit na pasalubong ko lang sa mga tao sa bahay ang laman nito. Mayroon din akong mga damit dito pero karamihan, puro mga pasalubong. Gusto ko kasing regaluhan ang mga taong naglilingkod pa rin sa amin kahit wala na si Mommy.

Suot ang black cap at black mask, malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at nagsimula nang maglakad. Sana naman ay makakuha ako agad ng taxi para makapagpahinga na ako. Nakakapagod din kasi kahit naka-upo ka lang sa eroplano. Ilang oras din yun at pakiramdam ko, binugbog ako ng maraming tao.

Lumabas na ako ng main gate ng airport at nag-abang ng taxi, nakatuon lang ang atensyon ko sa mga lumalampas na sasakyan sa aking harapan. Ngunit napabalikwas ako nang may marinig akong sumigaw.

"Ayun si Sir Hunter! Bilisan niyo!" Sobrang lakas ng boses nila at napakaraming yabag ng mga paa ang naririnig ko. Nagulat na lang ako ng napansin kong papalapit sila sa direksyon ko.

PlayboyWhere stories live. Discover now