SAGLIT | PART 2

164 8 0
                                    

Hindi pa rin nila inaalis ang yakap ngunit kailangan na nilang bitawan ang isa't-isa dahil ang dapat nakaraan na lamang ay manatili na lamang sa nakaraan.

Reeva: Huli na 'to.

Orville: Ano na namang huli na 'to?

Reeva: Masaya ako pero kailangan ko ng itigil lahat ng kahibangan na 'to haha. Hanggang sa susunod na lang ulit. Hindi ka naman mawawala sa tabi ko 'diba?

Orville: Honey, 'di kita—

Sunod-sunod ang tunong ng doorbell.

Reeva: Bubuksan ko muna 'yung pinto.

Nag-aalangan man pero binuksan pa din niya ang pintuan.

"Kailangan kita, Orville pero mas kailangan kong bumalik sa realidad para sa mga taong 'di ako ako iniwan at sinukuan." Malakas ang kabog ng dibdib ni Reeva kung papipiliin siya, pipiliin pa rin niya kung anong tama at kung anong ikabubuti niya at ng nakakarami.

Jai: Ay grabe, Reeva ha! Antagal mo naman akala ko kung ano na nangyayare sa loob.

Reeva: Naku pasensya ka na, may naalala na naman kasi ako.

Jai: Ah ganun ba?

Reeva: Tuloy ka.

Jai: Bakit mo nga pala ako pinapunta

Reeva: Ano kasi—

Jai: Umiyak ka na naman ba??

Reeva: H-huh? Hindi.

Jai: Halatang halata na itatanggi mo pa ba? Ayan oh pugtong pugto na naman mga mata mo.

Reeva: Buti nga pala nakapunta ka. Pasensya na talaga sa abala ha.

Jai: Matitiis ba naman kita atsaka para malaman mo na totoong one call away mo lang ako.

Reeva: Thank you ha.

Jai: Wala 'yun, kumain kana ba? May dala ako ditong ulam. Tamang tama kasi nagluto ako ng paborito mo.

Napangiti siya dahil naalala niya ang sinabi sa kanya ni Orville. Heto na naman siya namimiss ang kanyang presensya pero wala naman sigurong mali dun.

Jai: So kumusta kana?

Paano niya sasabihing okay lang kung 'di naman siya okay 'diba? Mas pinili niyang maging totoo at aminin ang nararamdaman.

Reeva: Hindi ko alam basta alam ko lang masakit, alam ko lang nandito pa rin at hindi ko siya kayang bitawan.

Jai: Alam namin 'yun kaya sige umiyak ka lang. Alam mo namang nandito lang ako palagi.

Reeva: Salamat talaga ha, ikaw kumusta?

Jai: Ito happy pa rin kami ni ano, alam mo na. Masaya pa rin kami at looking forward na kaming magka-baby.

Reeva: Talaga?? That's great! Mabuti at napapayag mo siya.

Jai: Naku sa haba-habang paliwanagan mabuti at nalinawan din siya.

Reeva: Alam ko namang magiging responsible pet owner din kayo.

Jai: Oo naman, katulad mo. Oo nga pala, nasan si Unica? Kanina pa akong walang naririnig na asong tumatahol ha.

Reeva: Huh?

Jai: Anong huh ka diyan?

Reeva: Hindi ba matagal ko na siyang pinaalagaan kay Zandra.

Jai: Oo pero kinuha mo na siya last month. Chinismis pa nga sa akin 'yun ni Zandra eh kasi akala niya hindi mo na kukuhain si Unica sa kanya.

Reeva: Talaga?

Retrieving The Imaginary Window [BOOK 2]Where stories live. Discover now