A Surprise

3 1 0
                                    

I am here standing in front of the crowd, wondering what should I do.

*Previously*

University of Santo Tomas University

"Pass your papers, Please." The School Teacher uttered.

Agad na pinasa ng mga Estudyante ang kanilang sari-sariling papel at naghanda na para sa kanilang susunod na Subject.

Paglipas ng tatlong oras, natapos ang kanilang klase at agad na Umuwi ang mga Estudyante sa kani-kanilang tahanan.

"Napapagod na ako" Sabi ng Dalagang Sumakay sa Isang Jeep.

May gagawin pa pala kami bukas, May Test ulit. Naka-kapagod pero kailangan kong mag-tiyaga.

Siya ay si Nyssa Egan, Isang Estudyanteng Masipag, at Matiyaga Mag-aral. Siya'y isang Nursing Student na Nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang Sikat na Paaralan. Isang buwan na lamang ay maka-kamit niya na ang kanyang matamis na inaasam na pangarap, Ito ay ang Makapag-tapos.

"Sige Nyssa, Ba-baba na ako, Mauuna na ako ah? Ingat ka" Sambit ng isa niyang kaibigang dalaga na Nag-aaral din sa eskwelahan na iyon.

"Sige, Bye! Ingat ka din" Pama-maalam ni Nyssa sa kanyang Kaibigan.

Malayo-layo pa ba? Gusto ko nang Maka-uwi at matulog.

Pag-lipas ng kalahating oras ay nakauwi na siya at agad na pumasok sa kanilang tirahan.

"Mama! Nandito na po ako" sambit niya upang ipa-alam niya na siya'y naka-uwi na.

"Oh Anak, Nariyan ka na pala. Kumain ka na muna. Alam kong Napa-pagod ka galing Eskwela." Sabi ng kanyang Ina sa kanyang Nag-iisang Anak.

"Sige po Ma, Salamat."

Kumain ang dalaga ng hapunan at pagtapos nito ay agad siyang nagpaalam upang mag-pahinga na dahil may test pa sila kinabukasan.

Umakyat na ang dalaga sa kanyang silid at sinabi niya ito.

"Paano kaya kung Maka-punta ako sa ibang lugar at Maka-kita ng taong tunay na nakabi-bighani?"

Hindi ko alam pero sadyang kakaiba yun. Paulit-ulit  lamang ang mga bagay na nangyayari sa aking buhay.

"Di bale na. Matutulog na ako. "

Agad niyang pinikit ang kaniyang mata, at siya'y nakatulog ng mahimbing.

"Nnnn-yssa?"

Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata. Tiningnan niya ang muka ng gumigising sa kanya ngunit ito'y malabo. Namasdan niya na ang kulay ng mata ng lalaking naka-titig sa kanya ay kulay asul at ang buhok naman nito ay kulay dilaw.

Unti-unti niyang binuka ang kanyang bibig at tinanong ang tatlong salita na ito. "Bakit, Sino ka?" Ngunit noong mag-sasalita na ang binata, naging puti ang lahat.

Nakarinig siya ng tumi-tilaok na mga manok, at Narinig niya na "Anak Gising na, Alas-sais na ng Umaga." Minulat niya na ang kanyang mata, at napagtanto niya na ayun pala ay panaginip lamang.

"Sino kaya siya?  Malabo noong pinag-masdan ko ang kanyang muka ngunit nakita ko na siya ay may taglay na-kagwapuhan."

Agad na sumigaw ang kanyang Ina upang gisingin muli ang kanyang Unica-Ija. "Anak, bumangon ka na diyan at ako'y nagluto na ng almusal."

Sabi niya "Opo Ma, Pa-baba na po."

Naghilamos muna siya at pinagmasdan ang repleksyon ng muka niya sa Salamin.

Agad na naisip niyang muli ang bughaw na mga mata ng binata.

"Sino ba kasi siya? Bakit ganun siya kagwapo?" Pang-hihinayang ng dalaga dahil di niya man-lamang nalaman ang pangalan nito kahit panaginip lamang.

Siya'y bumaba na at kumain na ng almusal. Pag-tapos niyang kumain ng almusal ay agad siyang nagpunta sa kaniyang silid muli para pag-aralan ang mga tinakda sa kanila.

"Isang buwan na lamang, matatapos na rin ako dito sa napaka-habang paglalakbay na ito. Kaya natin to!"

Paglipas ng Ilang oras ay naghanda siya at pumasok ng eskwela. Ganito ang nangyayari sa kaniyang buhay araw-araw at  araw-araw niya rin napapanaginipan ang lalaking may asul na mga mata at dilaw na buhok. Lumipas ang isang buwan, Isang Araw na lamang ay Graduation na nila.

"Handa ka na ba anak?" Tanong ng kanyang Ina sa kanyang Anak.

Siya'y huminga ng malalim at sinabing "Ma, Hindi ko po alam, kinakabahan po ako bukas."

Agad na niyakap ng kaniyang ina ang kanyang nagiisang anak na si Nyssa. "Wag ka mag-alala anak. Nandito si Mama, Alam kong wala si Papa mo dahil suma-kabilang buhay na siya noong nagbubuntis ako sayo, Pero anak mahal na mahal kita."

Naluha ang kanyang anak na dalaga at sinabing "mahal na mahal din kita Mama."

Pag-lipas ng isang araw ay nakasuot na ng itim na Toga ang mga Estudyante at sila'y kinakabahan na may halong kasiyahan sa kanilang mga mata.

Tinawag ng Principal ang Dalagang si Nyssa Upang ipahayag ang kanyang talumpati sa bawat mga estudyante.

"Magadang araw sa inyong lahat mga kamag-aral, Alam kong napaka-importanteng araw nito para sa ating mga Estudyante. Akalain niyo yun, Paglipas ng napaka-habang panahon nakamit na din natin ang ating nina-nais. Ang maka-tuntong sa entablado at makasuot ng itim na toga kasama ang ating mga magulang. Ako, Isa lamang ang aking magulang, Nawala na ang aking ama. Hindi ko alam ang kaniyang itsura dahil wala sila maski isang litrato man-lamang. Ngunit Nagpapasalamat ako sa kanya dahil Heto ako, Nandito sa harapan ninyo. Walang tao akong higit na pasasalamatan kundi ang aking mga magulang. Ma at Pa, Wala ako dito kung wala kayo. Mahal na mahal ko kayo."

Natapos ang talumpati ng dalagang si Nyssa Ngunit may isang taong higit na napukaw ang kanyang atensyon.

Isang lalaking mayroong asul na mga mata at dilaw na buhok.
Nilapitan niya ito at agad Sinabi ng Binata.

"Anak, ako eto ang iyong ama. Binabati kita. Sobrang proud ako sayo. Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo, bantayan mo siya lagi ah"

Agad na naiyak ang dalaga ngunit sa isang kisap-mata niya, Ito'y biglang naglaho.

Ngayun siya ay nakatayo sa gitna ng maraming tao at nagtataka.

"Kaya pala, Siya pala ang aking ama."

         *The End*

A Surprise [One Short Story]Where stories live. Discover now