Chapter 13 - The Boss

208 21 10
                                    

Chapter 13 - The Boss

 

CELINE'S POV

"Ewan ko sayo" tinalikuran ko na siya at umalis na, bitbit ko na yung mga gamit niya.

"Kaw naman di ka mabiro pero grabeh ka kasi maka titig kanina" pinagsasabi neto? ako, nakatitig sa kanya? pano niya nalaman? nag fefeeling naman tong lalaking toh.

"Aba oo malamang titingnan kita, pinipicturan ka kaya na parang modelo, alangan naman ipikit ko lang mata ko" sarkastiko kong sabi.

"Sabagay, ang ganda kaya ng view...sino ba naman ang makakaresist ng kagwapuhan ko" Tss. wala na bang ibang alam gawin to? Wagas kung makapag yabang. Ampanget naman ng ugali.

"Ang hangin talaga" sabay titig sa kanya ng inis at inirapan.

"Alam ko namang mahilig kang magsinunggaling at mag deny, kaya hahayaan nalang kita" nakakainis ang tono niya ha! ako sinunggaling talaga! gusto nyang gwapo talaga siya. Napaka absurd talaga ng lalaking to. Ginagalit talaga ako.

"Hoy!" tinuro ko ang pagmumukha niya "FYI, kung gwapo ka man wala akong pakialam dun dahil ang sama naman ng ugali mo! At wag mo akong ipareha dun sa mga babae mong nagkakandarapa sa'yo dahil hinding-hindi kita magugustuhan. Ni katiting nga ng pagmumukha mo wala akong nakitang kagwapuhan" sinungaling!  "kahit saan mang anggulo tingnan!" inis na inis kong sabi sa kanya.

Lumayo naman siya ng konti saken "Ikaw may sabi niyan, baka kainin mo lang sa huli" hindi yun mangyayari!

*kring kring kring*

Oo nga pala, nasa saken pa pala tong cellphone niya. If I know, babae na naman ang tumatawag. Tsk.

Binigay ko na agad sa mokong ang cp niya at sinagot niya ito.

"Hello"

Tiningnan ko lang siya habang nakikipag-usap dun sa babae nya. Pero bat nag-iba ang expresyon sa mukha niya? Nakakunot ang noo niya at yung kilay niya malapit nang dumikit sa isat-isa.

"O sige sige, pupunta nako dyan" 

Nakita ko na lang si Kion na nagmamadaling tinakbo ang building at lumabas. Ako naman tumakbo na rin habang bitbit yung gamit niya. Anong problema? Hinahabol ko pa rin yung lalaking yun hanggang nakalabas na rin ako. Pero sa malas ko... nakatakbo na yung sasakyan niya.

Aba't pinaghintay ako ng mokong para lang iwan ng ganun ganun... Kung alam ko lang ganito ang mangyayari e di sana iniwan ko na yun! Grr!! Nakakinis! Bigla ba naman ako kalimutan. Paano ako ngayon? Paano tong mga gamit na to? Pag minamalas ka nga naman.

KION'S POV

Nagmadali akong umalis ng building pagkatanggap ko ng tawag. Galing ito sa kasamahan, nalaman na daw nila kung sino ang traydor.

He's A Badass IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon