[TFSAM; 09] Knights and 4S

1.1K 88 7
                                    


SECOND's POV


Maingay. Magulo. Madugo. At mga daing ng paghihirap ang bumabalot sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Napangisi na lang ako nang mahuli ni First ang parating na arrow sa kanya. Binato niya sa'kin ang arrow na may nakadikit na papel.

"Prepare to die."

Pft. Gusto kong tumawa. Pero hindi ko ginawa. Nabaling na lang ang atensyon ko sa ground floor nang may lalaking bumagsak doon mula sa third floor. Duguan na ito.

"First, anong ginamit mo?" rinig kong tanong ni Third.

"UPS." I see. Sabi na nga ba at kagagawan ni First.

At dahil sinabi niyang UPS (upgraded poisonous shuriken), walang kahit na anong antidote ang makakakontra sa lason na nasa shuriken niya. At sa kahit na maliit na sugat na dulot ng shuriken na ginamit ni First, makakapatay na ito sa loob lamang ng sampung segundo.

She wants her weapon to be upgraded. At dahil hindi naman gumagamit ng ibang weapon si First, 'yong poison na lang na ginagamit niya sa weapon ang pina-upgrade niya.

She really wants to kill kahit na sino ang humadlang sa mga plano niya. Sa'min ding apat, si First ang pinakamarami nang napapatay.

Muli kong binalingan ang ground floor na binagsakan ng lalaki kanina. Nililinis na ito at inalis na rin doon ang lalaki.

Hindi na bago rito sa Arena ang may namamatay. Kaya naman halos wala na lang silang pakialam. Balik sa panonood ng mga naglalaban sa Closed Cage. And when I say closed cage? As in isang malaking kulungan.

Doon kayo maglalaban. Simple lang ang rule, for 30 minutes it's either hahayaan mong mamatay ka sa loob o lalaban ka hanggang sa manalo ka. You can't escape dahil naka-lock ang cage.

Maraming klase ng labanan dito sa arena. At isa na nga doon ang Closed Cage. Another one is Long Range. Ito ay para sa mga gumagamit ng guns. At ang isa't isa naman ang target.

Truth or Death. Kapag pinili mo ang truth, papipiliin ka lang sa isusuko mo ang rank mo at ang sarili mo—magpapakilala ka kung sino ka. Kapag death naman, you'll die to save someone you love na pwedeng mamatay.

Death or Alive. When I say Death or Alive, ikaw ang magde-decide kung papatayin mo ang kalaban mo o kung bubuhayin mo pa.

Another one is Chess To Death. Sa chess to death naman, palaging leader at co-leader ng grupo ang lalaban. Chess to death means maglalaro lang kayo ng chess.

But not the ordinary chess. Isang square table ang ginagamit bilang chess board. At isang maling galaw mo lang pwede kang mamatay. Dahil everytime na magkamali ka, may lalabas na weapon sa ilalim na tatama sayo. Swerte mo kung maiiwasan mo.

And last, Stealing Rank. Sa stealing rank kami madalas na napapasabak. Dahil na rin sa main rule dito sa UB, bawal tumanggi ang rank 1 sa kahit na sinong hahamon.

Sa labang ito, kung sino ang gusto mong agawan ng pwesto ay kailangan mong hamunin at kailangan mong ipanalo ang laban.

Kung nasa rank ka at natalo ka ng aagawan mo ng rank, mawawala sayo ang rank mo. May tatlong chance ka lang para manatali sa Underworld. Kapag naubos mo ang tatlong chances mo sa stealing rank, you need to leave the underworld. At mapapasama sa blocklist na iha-hunt ng ibang gang.

"First, can we play for a while?" Binalingan ko si Third. Kasama niya si Fourth na nakatayo sa harapan ni First. Tumango lang si First na ikinatuwa ng dalawa.

Tumalon ang dalawa mula rito sa third floor. Napangisi na lang ako nang maayos pa rin silang nag-landing sa harapan ng dalawang bagong dating. I wonder who they are.

The Four Sisters and Me (Girls Love)Where stories live. Discover now