Chapter 4

21 6 0
                                    

Natigil lang kami sa pag uusap nang dumating na ang pagkain.

"Thankyou"

"Thankyou"

Talagang nagsabay pa kami ni Quiel. Nagkatinginan kami at sa huli ay natawa. Umalis na ang waitress at sinimulan na naming kumain.

Kumagat na muna ako sa manok at tsaka sumubo ng kanin.

Ansarap!

Hindi ganito ang pagkain namin sa C3 dahil halos puro gulay lang. Kapag sinuswerte ay may karne din. Maganda din palang pumasok ako sa eskwelahan na ito dahil lahat ay libre.

Nang makalahati ko na ang kanin at ulam ay uminom na muna ako sa juice ko. Ansarap nito. It's a orange juice. Isang beses lang ata ako nakatikim nito.

Siguro nung 7th birthday kopa. Naalala ko na parang may lalaking nagbigay saakin non. Pero hindi kona matandaan kung sino

Napalingon naman ako sa kabilang lamesa kung saan kumakain yung F4. Unang pumukaw ng atensyon ko ay ang anak ng presidente. Zeus

Kalunos lunos ang ginagawa niya. Nagsasayang siya ng pagkain! Palibhasa'y nagagawa ang lahat nagsasayang na. Hindi ba niya alam kung gaano naghihirap ang mga nasa C3 para lang makakain. Tapos siya ay gaganiyanin niya lang.

Nakita kong tinutusok tusok niya ng tinidor ang karne. Ang ibang kanin naman ay nagkalat na sa lapag. Napakuyom ang kamao ko nang dahil sa ginagawa niya.

Bigla naman akong dinala ng mga paa ko sa direksyon nila. Nang makalapit ako ay napalingon silang apat saakin.

"Hey, chicks" Sambit ni Ken. The certified playboy. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin. Muling bumalik ang tingin ko kaya Zeus. The playboy slash badboy

"Hoy ikaw!" Pagturo kopa sakaniya.

"Ako?" Natatawang turo niya sa sarili.

Aba wala talagang modo

"Oo ikaw" Masungit na sagot ko.

"What about me?"

"Nagsasayang ka ng pagkain! Hindi mo alam kung paano naghihirap ang mga taga C3 para makakain lang!"

"So? I. Don't. Care" Matigas na aniya nito.

Nagulat naman siya ng sampalin ko siya.

"Woahh smooth yon pare!" Sambit ni Trace. Habang tinatapik pa ang balikat ni Zeus.

Tumayo naman siya. He's tall. Lumapit siya ng lumapit hanggang sa paatras naman ako ng paatras. Napapansin kong marami na rin ang mga taong nanonood saamin.

"Don't you dare to hit my face again!" May diin pero mahinang aniya niya sa mukha ko mismo.

"I don't care about you! Kahit anak kapa ng presidente"

Bigla namang tumama ang likod ko sa isang lamesa. Hindi naman iyon ganon kalakas kaya hindi masakit.

But the thing is, wala na akong maaatrasan.

Inilapit niya naman ang bibig sa bandang tenga ko.

"I will be your worst nightmare"

Sambit niya at umalis na sa harapan ko. Sinundan naman siya ng mga kaibigan niya palabas ng cafeteria.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Quiel.

Bigla bigla naman siyang sumusulpot

"I know. Tomorrow that won't be all right, or Maybe later." Meaningful na sambit ni Quiel at umalis na.

What does he mean?

Pumunta ako sa table namin at inubos ang juice na inorder. Kalahati nalang naman iyon kaya mabilis ko nang naubos.

Kita kong pinag titinginan parin ako ng iba pang estudyante.

Lumabas na ako ng cafe at balak kong silipin ang locker ko. Kanina kasi ay isa isa nang binigay ang mga locker key namin. Habang nag lalakad sa corridor ay napansin kong nag bubulungan ang mga tao.

What's up with them?

Sumakay na ako ng elevator at nang makita ako ng mga estudyanteng naka sakay don ay bigla bigla silang lumabas na para bang ayaw nalang lumapit sakin.

"12 floor please"

Ilang minuto lang ang hinantay ko at nakarating na agad ako sa taas. Pagkalabas na pagkalabas palang ay napansin kong nilalayuan talaga nila ako.

Hindi naman ako mabaho ha

Hindi naman gaano kalayo ang locker section namin dito. Naglakad na ako papunta doon. Siguro ay tatlong room ang layo nito sa room namin.

Ang kada locker dito ay may pangalan namin na nakaukit sa itaas. Sinusi kona ang locker ko at isang itim papel ang bumungad saakin. May nakaukit dito na bungo at sa taas non ay may nakalagay na F4. Para bang sinulat gamit ang dugo.

Dinampot ko ito at pinagmasdan.

Para saan ito?

Sinilip ko ang likuran. May nakasulat dito.

"I will be your worst nightmare"

Wait. Parang narinig ko na itong line na to ha.

Saan nga ba yon?

Ah! Alam kona. Biglang uminit ang ulo ko nang maalala kung sino ang nagsabi nito. Zeus! You're an asshole!

Tama. Sakaniya galing to. Bitbit ko ito hanggang makarating sa room. Nakita kong pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng mga tao. Pansin ko ding nilalayuan nila ako.

Pinagmasdan kong muli ang papel. Pa tayo ito na pa rectangle.

Dahil ba dito?

Nang makapasok sa room ay nakatingin din sila sa papel na hawak ko.

"The black card!"

Sigaw nung isa.

"Patay siya!"

Sambit pa nang kung sino.

Pagkaupo ay tinanong ko si Quiel.

"Quiel. Ano bang meron sa black card na ito?" Tanong ko sakaniya.

Naka earphone pala

Tinanggal ko ang isang earphone sa tenga niya. Napukaw naman nito ang atensyon niya.

"Yes?" Tanong niya. Napatingin naman siya sa black card na hawak ko.

"B-bakit mo hawak yan?" Nauutal na tanong niya saakin. Mariin ko pang itinaas ang black card.

"Ito? Nakita ko sa loob ng locker ko" Sagot ko sakaniya.

"Para san nga ba to? Bakit parang napukaw nito ang atensyon ng lahat" Dagdag kopa.

"That's from F4. If you are given that your life will definitely be ruined!"

Ruined? Why?

"Naalala ko pa nga. Ang last na nabigyan niyan ay nag drop sa school na ito. She was bullied and that was her worst nightmare"

I smirked. "Really? Then i will play his game"

"Well. Goodluck nalang sayo"

NEW TECH (ONGOING)Where stories live. Discover now