PAMAMAALAM

211 0 0
                                    

(FLASHBACK)

"Ma! Nakapasa ako sa Statistics!"

"Talaga baby?"

"Hinde na ako baby ma. Gusto ko lang maging proud ka saken at si Papa."

"Kahit na may bulbol ka pa baby padin kita! Saka proud naman kame sayo."

"Ma, patuloy padin ba si Papa sa pagpprotekta sa mga masasamang tao?"

"Nikko... ginagawa lang ito ng papa mo para sa iyo."

"Pero ma. Mali yun."

"Ikaw talagang bata ka. Halika nga dito what do you want? Roundtrip sa Egypt? Gift ko na sayo sa pagpasa sa exam mo."

"Ma naman masyado mo akong inispoil. But not Egypt. Iceland nalang ma. Hehehe."

"Okay baby!"

"Thanks ma! You are the best! I love you."

Isa akong ina. Nangako ako na gagawin kong lahat para sa anak ko. Hinde ko siya pinadapuan sa lamok. Pero ngayon na wala na siya lintik lang ang walang ganti.

———————————-

Isang putok.

Dalawang babaeng nakatali sa upuan.

Isang matandang babang may hawak ng baril.

Tunog ng sigaw.

"AAAAAAAAAAAH! Tangina araaaaay!" Sigaw ni Jela habang duguan ang kanang binti dahil sa tama ng baril.

BANG!

"AAAAAAAAAAAAAA!" Ikalawang putok kaliwang braso naman ang tinamaan nito.

"Wag ka magalala hinde ka pa mamamatay jan. Pahihirapan pa kita gaya ng ginawa mo sa anak ko!" Galit na sigaw ng isang magulang na naghihinagpis dahil sa pagkawala ng anak nito.

"Tama na po! Pakawalan niyo na po kame." Pagmamakaawa ko.

"Isa ka pang babae ka! Akala mo hinde ko alam na kasabwat ka netong pokpok na to."

"Ano pong ibig niyo sabihin?"

—————————-
(Flashback)

"Jela. Itigil mo na ito."

"Wag kang mangingialam Chloe."

"Sandali lang. Baka mahuli ka. Hayaan mong tulungan kita." Sabay abot ng isang telepono

"Ano to?"

"Isang telepono. Baka matrace nila ang pinanggagalingan ng mga mensahe mo. Itapon mo na ang lumang telepono na ginamit mo."

Nagkatinginan nalang kame ni Jela. Simula noon ay tinutulungan ko na siyang palihim sa mga ginagawa niya.

(Flashback)

Krrriiinnnggg. Kriiinnngggg.

"May mga taong paprating umalis ka na Jela."

"Okay."

(Back to first flashback)

"Salamat"

Isang kaluskos ang narinig namen sa likod ng puno. Hinde na namen ito inisip umalis na lamang kame ni Jela pagkatapos namen magusap.

—————————

"Tama. Pinasundan ko kayo. Dahil kahinahinala ang pagkilos niyo."

Natahimik lamang kame ni Jela.

"Ben. Hayaan muna naten sila dito parating na ang tito mo. Ayaw kong madumihan ang mga kamay ko sa manyayare. Pagtapos nilang maligpit ipapabaon naten sila sa lupa."

SANDALAN (NOT YOUR ORDINARY STORY)Where stories live. Discover now