𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗

9 1 0
                                    

Kasalukuyan lang akong naglalakad mag-isa papuntang canteen, ng bigla akong hinatak ng Campus Crush kuno dito sa school.

"Aray Kallix, ano ba bitawan mo nga ako ano bang kailangan mo sa'kin ha? hangin." naiinis kong sabi sa campus crush daw dito sa school namin e mukha namang tuko.

"Sumunod kana lang Zaika, kung ayaw mong halikan kita." usal niya pa. Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Aba'y ang kapal mo naman din eh 'no? Hakdog ka inaano ba kita? wala naman akong kasalanan ah." sabi ko pa at hinila ang kamay ko.

Nang bigla niya akong itulak sa may pader. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at aakmang hahalikan na ako. At dumating si Baklang Zian, kaya napalayo ang mukha ni Kallix sa'kin.

"Hoy Kallix! walang hiya ka!" sabi niya at nilapitan si Kallix tyaka sinuntok. Kaya tumakbo ako dun sa likoran niya.

"Baks 'wag mo ng patulan 'yang mukhang tukong 'yan." sabi ko sakanya at humawak sa braso niya.

Grabe di ko din inaasahan na matapang din pala yung baklang yun. At infairness gwapo din talaga 'tong baklang 'to sayang talaga ba't ba siya naging bakla?

At umalis na din si Kallix. Ako lang nakaka-alam na bakla itong si Ziany hshs. Isang taon na din kaming magkaibigan at isang taon din niyang nilihim sa mga tao ang pagiging bakla niya.

"Baks, grabe napahanga mo ko ah." sabi ko sakanya.

"Syempre naman Sis, ipagtatangol kita noe" sabi niya pa.

Napangiti naman ako tapos niyakap siya. Niyakap din niya ako pabalik, pero andaming tao nakatingin kaya kumalas ako kaaagad baka isipin nila magjowa kami. Di ko alam pero pansin ko kay Zian para siyang kinikilig kasi namumula tenga niya.

At syempre ako din no, Kung hindi lang talaga bakla 'tong si Zian my Labs, siguro kami na kaso wala eh huli na wala ng pag-asa.

"Uy Sis, ayos ka lang?" tanong niya sakin ng may mga taong tumatakbo patungo samin. Hindi namin alam ba't sila nagkagulo dahil wala silang pake sa dinadaanan nila kaya ayon nabangga nila si Zian, at ito nakadikit kami sa pader at nauntog ulo ko kaya napapikit nalang ako. Minulat ko mata ko at nagulat ako dahil halos mahalikan na niya ako sa sobrang lapit ng mukha namin.

Marami pa ding taong tumatakbo kaya hindi pa naalis si Zian sa harapan ko. At mas lalong nagkalapit mga labi namin. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon at lalo siyang gumwapo na para bang naging lalaki siya ng biglaan. Nakakulong ako sa dalawang braso niya na malapit sa ulo ko.

At sa wakas wala ng tao, aakma ko na sana siyang itulak para mailayo mukha niya sakin ng bigla niyang kinuha isang kamay ko at inilagay sa tumitibok niyang puso.

"Zaika alam kong may kasalanan ako sayo dahil nagsinungaling ako. Nagsinungaling ako at sinabing bakla ako. Nagawa ko lang naman yun dahil gusto kita Zaika. Gustong gusto kita noon pa. Unang araw palang kitang nakita nahulog na agad ako, sa kagandahang asal mo at napaka ganda mong mukha." Sabi niyang nakatitig sa mga mata ko.

"Alam kong marami nagkakagusto sayo kaya naisipan kong magpanggap na maging bakla para mapalapit sayo. At napapansin kong wala ng umaaligid sayo na dahilan ng pagkaroon ko ng pag-asa sayo. Kaya Zai sorry dahil ngayon ko lang sinabi, sana hindi ngayon magtatapos ang ating pagkakaibigan." sabi pa niyang nalulungkot.

"Sorry Zian pero ngayon na magtatapos pagkakaibigan natin." Sabi ko sakanya kaya agad siyang nagulat at lalong nalungkot at napayuko siya.

Kinuha ko din isa niyang kamay at inilagay din sa puso kong puno ng kaba kaya napatingin siya sa'kin.

"Dahil gusto din kita Zian, gustong gusto. Akala ko nga bakla ka talaga eh, akala ko wala ng pag asa na maging lalaki ka ulit." dugtong ko pa.

"Woahhh!! Talaga Zai? Yes!! May pag asa pa ako. Thank You Zaika, Mahal kita" sobrang sayang usal niya.

"Oo naman Zian, Mahal din kita" tugon ko din sakanya.

Tumitig siya sa'kin at hinawakan niya ang mukha ko, hinawi niya buhok ko. At unti-unti niyang inilapit mukha niya sa mukha ko. Hala Mama hahalikan na niya ako. Kaya napapikit nalang ako at napahawak sa damit niya.

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. At ilang segundo natigil na kami at bigla siyang nagsalita.

"Binibining Zaika Xavier, Maaari ba kitang ligawan?" tanong niya.

"Kailangan pa ba yang itanong Zian? Syempre pwede ikaw pa ba" tugon ko sakanya at niyakap at hinalikan ako sa noo.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 20, 2021 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

I'm Fallin' In Love With My Bbf (Baklang Bestfriend)Onde histórias criam vida. Descubra agora