Chapter 29

1.5K 60 57
                                    

NO PERSPECTIVE

"SAAN KO 'TO ILALAGAY?" TANONG ng isang lalaki na may dala-dala na dalawang duffle bag.

Lumingon sa kaniya ang isa pang lalaki na nagyoyosi sa may bintana. Tiningnan niya ang hawak-hawak ng lalaki bago marahan na tumango.

"What's inside?"

"Fentanyl," sagot ng lalaki na may dala ng duffle bags.

"You checked it?" paninigurado niya.

Tumango naman ang lalaki bago nilagay ang isang bag sa sahig at binuksan ang isa pang bag. May kinuha siyang isang pakete na may laman na kulay puti na droga.

"Great." Ngumisi ang lalaki tsaka tumuro sa isang gilid ng warehouse kung saan medyo madilim. "Just put it there, Charles."

Tumango naman ang lalaki na ang pangalan ay Charles bago naglakad papunta sa pinakagilid ng warehouse kung saan niya nilagay ang dalawang itim na duffle bags. Binalik ng isang lalaki na naka-leather black na jacket ang kaniyang tingin sa labas ng warehouse kung saan makikita lahat ng kagagawan nila.

Three trucks.

One was filled with fentanyl—a dangerous drug that may lead to your death if abused—and two trucks of shabu.

Nakatitig lang ang lalaki doon nang may narinig siyang biglang nagtatawanan sa entrance ng warehouse. Napatingin siya doon ngunit hindi siya nagulat nang makita ang dalawang babae na pumasok.

"Kuya!" bati ng isa sa kanila.

The man nodded in acknowledgment before returning his gaze outside. Nakapamulsa siyang nakatitig sa tatlong trucks na naka-park sa hardin ng lote. Iniwan ito sa kaniya ng kaniyang ama bago ito pumanaw. Ngayon na siya na ang may-ari, gagawin niya ang lahat para tuluyan nang matanggal ang kaniyang pangalan sa warehouse at lote na ito.

Matagal na niya itong hinintay. Ngayon na wala nang haharang sa kaniya at ng kapatid niya, pwede na siyang umalis.

Twenty-three years is enough.

Bumalik siya sa sariling huwisyo nang may biglang humawak sa balikat niya, dahilan para lumingon siya sa likod ng kaniyang balikat.

Nakita niya ang isang babae na may mahabang buhok. Naka-itim siya na t-shirt at jeans tsaka naka-boots. May malawak na ngiti sa mga labi niya habang nakatingin siya sa mga mata ng binata. Napahinga nang maluwag ang lalaki nang makita na kapatid lang pala niya 'yon.

"This is it," nakangisi na sabi ng babae. "After this, we can finally do everything the legal way."

Hindi palangiti ang lalaki ngunit napangiti siya sa sinabi ng kapatid niya. Finally, after thirteen years, makakahinga na siya nang maluwag.

Hindi na niya kailangan mag-alala araw-araw kung nanganganib na ba ang buhay niya. Natutunan niyang tanggapin na hindi siya tatagal dito sa mundo dahil kung hindi pulis ang papatay sa kaniya, organisasyon naman ng ama nila ang tatapos sa kaniya.

Kaya naman ang saya niya na nakahanap siya ng paraan para makatakas sa trabaho na matagal na niyang ginagawa.

He never liked it, anyway.

Every trigger he pulled, every punch he threw, every drug he swallowed didn't mean he got used to it. If anything, it just weighed him down.

Tuwing gabi, binabalikan siya ng konsensiya dahil sa kaniyang mga ginawa. Ayaw niyang maging marahas pero wala siyang choice kung 'di sumunod sa mga utos sa kaniya.

Isa lang naman ang hiling niya. Ito ay ang maging malaya na sa nakaraan.

He wanted to start anew.

He wanted to start a new life with her.

Ace The Wager (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now