Chapter 16

243 27 0
                                    

Sanya feel it. Agad na nagmulat siya ng mga mata ilang sandali pagkaalis ni Azzam sa kwarto niya. Iisa lang ang presensya na nararamdaman niya mula ng magparamdam iyun sa pinapasukan niyang unibersidad. Tila ba bukod kay Azzam ay nakabantay din ito sa kanya.

Bumangon siya sa kanyang kinahihigaan kama. Anak siya ni Aquilles Halpert na may dugong bughaw at isang prinsesa.

Isang impit na daing ang kumawala sa bampira na nasukol niya ng isandig niya ito sa katawan ng puno tanging ang liwanag lamang ng buwan ang panglaw sa gitna ng gabing iyun.

Nakadiin ang siko niya sa leegan ng bampira.

"Sino ka?"malamig at mahinang tono na usal niya.

Hindi niya gugustuhin na magising ang kanyang mga magulang kapag naramdaman ng mga ito ang nangyayari.

Napaigik ang bampira ng mas diinan niya ang braso sa leegan nito.

Isang babae ang bampira ng masinagan sila ng buwan at muli iyun natakpan ng ulap kaya dumilim muli.

"Sino ka?"ulit niya sa tonong may kaakibat ng babala.

"Hindi ako kaaway...n-nandito lang ako para balaan ka,"hirap nitong pagsagot sa kanya.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Balaan? Wala akong kaaway,"saad niya.

"Hindi..nagkakamali ka,"agad nito sagot.

"Kung ganun kung sino man yan na may galit sa akin hindi ako natatakot sa kanya,"mariin niyang sabi.

"Huwag kang makapante...kumikilos na siya,"anito.

"Sabihin mo sino?"

Mariin na umiling ang babaeng bampira. 

"Sabihin mo,sino?"mariin niyang singhal rito.

Nagpumilit na kumawala ang babaeng bampira sa kanya.

Kung sa inaakala nito na hahayaan niya ito makawala sa kanya nagkakamali ito.

Ngunit mukhang pinaghandaan nito ang gagawin. May kung anong abo na sinaboy sa kanya ang babaeng bampira dahilan upang mapuwin siya at mapaatras. Iyun ang kinuhang pagkakataon ng babaeng bampira upang makawala sa kanya.

"Nagsimula na siya..."sabi nito at mabilis na nawala sa paningin niya na hindi pa rin maayos ang lagay dahil sa pagkakapuwin niya.

Mabilis na tinungo niya ang basement nila kung saan naroroon ang labatory niya. Agad na nilagay niya sa isang transparent na maliit ng lagayan ang bagay na sinaboy sa kanya ng babaeng bampira at agad na sinuri niya iyun sa pamamagitan ng microscope.

Natigilan siya ng ilang sandali pa na pag-oobserba ay nakumpirma niyang ang abo na iyun ay mula sa abo na sinunog na katawang ng isang tao.

Agad na pumasok sa isipan niya ang matagal ng pinoproblema ng kanyang ama. Ang paghahabol nito sa may salarin ng pagpatay sa mga nabibiktima nito na sinusunog ang katawan pagkatapos nitong pagsawaan ang dugo mula sa tao.

Hindi siya maaari magkamali sa iniisip niya. May kinalaman ang babaeng bampira iyun sa kasong matagal ng hinahabol ng kanyang ama.

"Anak?"

Agad na napalingon siya sa pagtawag ng kanyang ama.

"Ama,"tugon niya.

Agad na napadako ang tingin nito na nasa harapan niya.

"Malalim na ang gabi. Bakit hindi ka pa natutulog? Naramdaman kita kaya pinuntahan kita rito,"kuryuso saad ng ama.

"Pasensya na,ama..."

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Where stories live. Discover now