Chapter 23

28 3 9
                                    

Zoe's Pov

This is the first time na nakita ko ang ganyang side ni Cj. Kahit na sabihin mong sobrang kulit pero infairness bagay sakanya. Matapos kong sundan ng tingin ang paglabas ng grupo nila Janley. Agad kong hinanap si Sha sa library narinig ko ang sinabi niyang pupunta siya rito pero wala naman akong makitang Sha.

Lumabas na akong library habang naglalakad ako sa dulo hallway napansin kong may tao na nakasandal sa pader hindi kita ang spot na yon  kaya naman tinig nan ko kung sino iyon at nakita ko si Cj nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay niya at sinisipa ang hangin. Sumandal rin ako sa pader hindi kalayuan sakanya at magcross arm.

"Can i join you?"

Napahinto siya sa pagsipa sa hangin at lumingon saakin saglit na may curious look.

"Join in what?"

"Soccer in the air? Haha-hehe not funny right?" Napakamot nalang ako sa batok kasi kahit ako nacornihan sa sinabi ko.

"It's fine, hmm" kahit na may kalayuan ako rinig ko ang lalim ng paghinga niya. "Do you want to hear a story? Don't talk just listen" nakatingin lang ako sa sahig at siya naman ay iniangat ang paningin sa taas at napangiti.

"I was busy playing with team then there's the transferee girl, a beautiful girl" napalingon ako sa kanya at nakangiti siya habang nagkwekwento pero ang mata niya "it seems like she's looking for something, kaya naman hindi na ako nagdalawang isip para lapitan siya at hindi nga ako nagkamali nawawala siya, the way she smiled at me and that smile stucked in my mind the whole day. Akala ko never akong maiinlove because i know how much it hurts dahil galing ako sa broken family"

Unti-unting naglalaho ang mga ngiti niya pero pilit niyang ibinabalik. Patuloy parin siya sa pagsipa sa hangin.

"So, ginawa ko lahat para makuha siya niligawan ko siya half a year, the day nung nanalo sa quiz bee doon niya ako sinagot habang nag sspeech siya" si Mika nga siguro iyon. Nakangiti man siya pero ang mga mata niya sukong suko na at pagod niya. "tumagal kami we're almost perfect na akala mo'y walang makapaghihiwalay pero in this world nothing si guaranteed. Nagkaroon sila ng alitan ng Girlfriend ni Janley and that time Blue was the King of GLP" ngumisi siya.

"Blue has been hospitalized that day and one of his subordinates binully nila si Mika, championship noon ng basketball kaya hindi ko alam ang nangyayari. Hindi sinasabi ni Mika saakin ang mga nangyayari sakanya dahil finals na nga. Nalaman ko lang noong nagpakatamay siya halos mabaliw ako noon gustong-gusto kong patayin ang mga gumawa noon sakanya at sumunod sakanya." Kumuyom ang kamao niya. Hanggang ngayon dama niya ang sakit, dahan dahang tumulo ang luha niya agad niyang pinunasan iyon para hindi ko makita umarte nalang akong may tiningnan sa kabilang side.

"Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan ang babaeng gumawa sakanya noon, sinubukan kong kausapin si Janley pero wala, wala akong napala. Then 2 year ago until today the pain, hindi mawala wala parang mas lalong bumibigat. Pilit kong tinatago pero tangina ang sakit"

Dama ang ko sakit na dinadamdam niya yung hindi mo naipaglaban ang taong mahal mo. Yung akala niyo walang problema pero ang isa merong nag eendure ng pain palihim para hindi maapektuhan ang isa dahil may problema din siya. That's why im afraid of commitment. Napaupo siya at isinuksok ang muka niya da tuhod niya.

Im Inlove with my Mortal EnemyWhere stories live. Discover now