CHAPTER 16

3.7K 98 14
                                    


"What are you doing here Vianca?" Wait, kilala ko ang boses na yun. Lumingon ako sa aking likuran at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Top?" Nakakunot ang noo ng binata habang masama ang tingin nito kay Barbie.

"I said what are you doing here Vianca?" Galit na inulit nito ang kanyang tanong. Napanganga na lang din si Barbie sa inasta ng binata. Parang nagtataka ito kung bakit ako kinakausap ni Top.

"Obvious ba? Kumakain." Papilosopong sagot ko dito.

"Diba dapat nasa bahay ka ngayon?" Tanong nito habang masama pa rin ang timpla nito.

"Wala ba akong karapatan kumain at mag-enjoy?" Ganito pa rin ako sumagot dito.

"Tara na. Sa bahay tayo mag-usap." Hinawakan ako nito sa braso upang hilahin paalis.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako. Umuwi ka mag-isa mo. Uuwi ako kung kailan ko gusto." Nagtitinginan na ang mga tao sa amin. Ngunit mas nanaig sa mga ito ang kilig sa nakikita kaysa ang awa sa akin na hinihila ako nito sa braso.

"Wag mo akong sagarin Vianca. Kaya kong gumawa ng eksena dito kung magmamatigas ka pa." Babala nito sa akin sabay hila sa akin patayo. Sa lakas nito ay wala na akong nagawa.

"Vianca?" Tawag naman ni Barbie sa akin. Mukhang nag-aalala ito pero may halong kilig ang itsura ni Barbie.

Nagtiim bagang naman si Top ng marinig ang boses ni Barbie. Halatang inis na inis ito sa binabae kong kaibigan. Wala itong ideya na isang sirena si Barbs. Binitiwan nito ang pagkakahawak sa aking braso at hinarap si Barbie. Nagulat ako ng kinolar nito si Barbie.

"Don't you ever dare talk to my woman again. Understand?" Mariin na sabi nito kay Barbie. Pinawisan naman ng malagkit ang huli dahil sa kaba. Paano ba naman nanlilisik ang mga mata ni Top habang binabalaan si Barbie.

Agad na binitiwan ito ni Top sabay hila muli sa akin palabas ng mall. Tumingin na lang ako kay Barbie na humihingi ng pasensya dito. Nakaunawa naman ito sa akin.

Mahigpit pa rin akong hawak-hawak ni Top sa braso habang papunta sa kinaroroonan ng kanyang kotse.

"Ano ba Top?! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako sa ginagawa mo." Bulyaw ko dito ng makarating kami sa parking area.

"Pumasok ka sa loob." Tulak nito sa akin papasok sa kanyang kotse. Hindi pa rin naaalis ang masamang timpla nito kanina.

"Aray! Masyado kang mapanakit haliparot na unggoy ka!" Nang-iinis kong saad dito. Pumasok na rin ito sa kotse pero hindi naman nito pinaandar. Huminga ito ng malalim habang nakapikit. Parang nagpipigil lang ito ng galit. Kalaunan ay nagsalita rin ito.

"Who give you the permission to talk to other guy?! Tell me!!" Sigaw nito sa akin. Grabe talaga ang temper ng isang ito. Ang hirap tantsahin.

"I don't need permission. I can talk to any guy I want." Mariin kong sabi dito. Hindi yata nagustuhan nito ang sagot ko kaya hinawakan ako nito sa braso ng mahigpit.

"Why? Nabibitin ka ba sa akin kaya naghahanap ka pa ng iba?" Tanong nito habang parang kakainin ako ng buo sa galit. Saan naman kaya nito nakuha ang ideya nito na bitin ako sa kanya? Like duh?! Ako bitin sa kanya?!

"Ano ba Top bitiwan mo nga ako! Wala kaming ginagawang masama ng tao." Sagot ko naman dito. He is now being unreasonable. Ako pa ngayon ang naghahanap ng iba?

"Wala o wala pa? Baka pag hindi pa ako dumating doon ay kung anong milagro na ang gagawin niyo ng kumag na yun!" He hitted me below the belt with his words.

"Slap!" Sampal ko dito.

"Hindi ako ganoon at alam kong alam mo yan. Sayo ko lang ibinigay ang sarili ko." Inis kong bulyaw dito.

Babysitting My Bipolar Billionaire Señorito - (On-Going)Where stories live. Discover now