SIMULA

5 0 0
                                    


FORESTER

Hating gabi at maingat akong nagtungo sa kagubatan nang mag-isa dala dala ang aking lampara at talaarawan. Madalas akong ginagambala ng aking isipan sa ganitong mga oras. Kaya madalas akong nagtutungo dito upang magsulat sa aking bibliograpiya bilang tanda ng aking mga naging karanasan sa buhay na ito.

Sa pagtingala ko sa langit ay muli ko na namang nasaksihan ang liwanag ng bilugang buwan. Ito ang parating naggagabay sa akin patungo sa punong madalas kong pinupuntahan. Doon ko madalas pinapanatag ang aking sarili. At sa punong iyun ako madalas napapangiti habang inaalala ang memorya sa mga nagdaan.

Sa buhay ng bawat tao ay lahat ay may limitasyon. Ngunit ang buhay lamang ang makapagbibigay limitasyon sa tao para sa kanyang misyon. Walang makapagsasabi sa araw ng kanilang pagpanaw at hindi lahat ng pagpanaw ay nabibigyang linaw. Ngunit minsan mas mabuti pang isipin na sanay hindi nalang nagsimula ang lahat upang hindi ito magwakas sa walang landas.

Huminto ako sa harap ng malaking puno. Iniangat ko ang lamparang hawak at inilawan ang nakamarkang RF dito. Nandito na ako. Lumabas ang ngiti sa aking labi at nagtungo sa ugat ng puno upang umupo.

Ipinuwesto ko ang lampara sa aking gilid at inilagay ang talaarawan sa aking kandungan. Marahan ko itong hinaplos haplos at tila dinaramdam ang tekstura nito.

Sinunod ng aking daliri ang linya ng burda na aking ginawa upang makabuo sa katagang "Forester." gawa ang talaarawan ko sa pinakamatibay na kuwero ng bayan. Nais ko kasing hindi ito madaling masira bagamat puso't isipan ko itong isinulat para mabasa sa kung sino man sa hinaharap.

Umangat ang tingin ko sa mga ulap at doo'y hinayaan ang mga luhang kumawala sa aking mata. Malalim akong napahugot ng hininga bago ilaan ang atensyon sa aking talaarawan at ito'y buksan. Kinuha ko ang aking bolpen sa bulsa ng aking saya at nagsimulang isulat ang petsa ng aking muling pag-aalala.

Mayo 03, 1989

Sa pagbukas ko sa aking mga mata, nawa'y bubuhayin ako ng kakaibang pag-asa.

Walang tinig na magdidikta sa mga gawi kong anilay hindi kanasa nasa.

Gusto kong sumigaw at isipin na ang lahat ng ito ay mga pangyayaring nabasa ko sa mga nobela.

Ngunit kahit saang sulok ako magpunta, alam kong pinupuno ako ng mga ala-ala.

Hindi ko kinaya ang kanyang pagkawala.

Kaya ngayon, puso't isip ko'y parating ginagambala.

Ilan taon narin akong nakatingala, sa mga bituin sa ulap na parati akong namamayapa.

Maraming sulat na ang inalay ko para sa kanya.

Pero kahit anong gawin ko'y hindi ko na maibabalik ang kanyang presensya.

Ang tanging hiling ko lamang sa buhay na ito ay muli siyang makasama.

Bagkus alam ko'y hindi ko ito matatamasa.

Sa aking muling pagsisimula, nawa'y hindi na ito magwakas sa ganitong mga pag-alala.

Dahil sa puntong ito, wawakasan ko na ang aking mga pagluluha.

Hanggang sa muli nating pagkikita,

Aking sinta.

--May 10, 2021--
14:58
UNEDITED

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE, FORESTERWhere stories live. Discover now