Chapter 1

55 6 2
                                    

Chapter 1

"Melli! Bumangon ka na d'yan!"

Napabalikwas ako ng bangon ng sumigaw si mama. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 6am palang, ang aga-aga pa, pinabangon na agad ako. Eto talaga si mama e, advance!

"Melli! Ano na- "

"Eto na po!" Tumayo na ako sa pagkaka-upo at inayos ang higaan ko.

Humarap ako sa salamin at walang pinag-iba. Ang ganda ko pa rin. OMG selp! Ikaw ba talaga yan? Ganda ng buhok mo a! Buhol-buhol.

Hindi na ako nag-suklay. Nakakatamad. Dumeretso na agad ako palabas ng kwarto. Pagbaba ko sa hagdanan, bigla nalang sumigaw si mama.

"Melli! Ano ba 'yang buhok mo?! Mukha kang aswang! Ka-babae mong tao, ang tamad-tamad mong mag-suklay! Ikaw lang ang nakita ko na pati pagsu-suklay kinatatamaran. Halos lahat ng nakikita ko na teenager, lagi may dalang suklay."

"Hayy mama.. Nagra-rap ka nanaman. Dati ka bang rapper ma?" Pilosopo kong sagot.

"Aba'y sasagot ka pa talaga?! Ikaw talagang bata ka. Kumain kana doon, pagtapos ay maligo kana."

Pumunta ako sa kusina at sinimulan nang kumain. Pagtapos nito ay pumunta ulit ako sa kwarto ko para maligo na.

Bababa na sana ako pero biglang may sumagi sa isip ko kung anong araw ngayon. Tinignan ko ang date sa cellphone ko at laking gulat na March 16!

OMG! Bakit ko ba nakalimutan na birthday n'ya ngayon?! Wala pa naman akong regalo! Kakainis talaga! Teka-teka-teka, 7am pa lang! Wala pang bukas na Mall ngayon! 9 or 10am pa ang bukas non Bwiset!

Bumaba na ako, dahil wala naman ako maisip kung saan ako makakabili ng pang-regalo. Sumulyap naman ako sa sala at nanonood si Mama ng balita.

"Ma, alis na po ako." paalam ko pero hindi nya ako tinignan at nagsalita lang. "O' sige. Mag- iingat ka."

---

Papasok na sana ako pero bigla akong hinarang ng guard.

"Manong guard, hindi mo ba ako papapasukin?" nagagandahan siguro 'to sa'kin.

"Paano kita papapasukin, Melli? Wala kang ID." sabi niya. Eto talaga si manong guard, dahilan pa. Nagagandahan ka lang e.

"Manong guard, may ID ho ako. Eto o- OMG!" tinigan ko ang sarili ko at wala nga akong suot na ID. Hindi ko maalala kung nasaan kasi 'yon kaya pumasok na lang ako. "E, manong guard, papasukin mo na ako. Nawawala kasi ID ko e." pakiusap ko.

"Hay' nako, Melli. Hindi mo ako madadaan d'yan. Tumabi ka muna at marami pa ang pumapasok." umalis na ako sa gate at tumabi sa gilid. Daheck! Nasaan na kaya 'yon? Binuksan ko ang bag at hinanap kung nandito ba, pero wala. Shet! Malas talaga.

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang bigla akong tawagin ni Alya, lumapit s'ya sakin.

"Bakla! Ginagawa mo d'yan? Trip mo tumambay?"

"Nawawala kasi 'yung ID ko, yawa talaga." sagot ko.

Bigla s'yang may inabot sa'kin. ID ko! "Ba't na sa'yo 'to?"

"Tanga, naiwan mo 'yan sa bahay." bigla n'ya akong binatukan.

Ay. Pumunta pala ako kina Alya, dahil gagawa kami ng project. Bale, by partner, ganon. Of course, sino pa ba kapartner ko? Lagi naman kapag project na by partner, best friend pipiliin natin.

"Tara na. Male-late pa tayo e."

Hinila n'ya ako hanggang sa may mabangga akong babae.

"OMYGHOD! What did you do?!" natapunan kasi ng juice 'yung damit n'ya.

Lumapit ako, kumuha ng tissue sa bag at binigay sa kanya. "Sorry, hindi kase kita nakita. Sorry talaga"

"Sorry?? Look what you did! Tinapunan mo lang naman ako ng juice, saan ako kukuha ng pamalit nito ngayon?!"

Ang arte naman ng gagang 'to. Dahil wala naman akong magawa, kinuha ko na lang 'yung extra shirt ko sa bag. Binigay ko 'to sakanya.

"Gamitin mo na lang 'to. 'Wag ka mag-alala, malinis 'yan" baka kase kung ano pa sabihin, maupakan ko pa 'to.

"God! Alright, Thank you." Na parang napilitan lang mag-thank you. Umalis na ito at hinila ko na si Alya para pumasok.

Kaso bago pa kami pumasok, nagtuturo na pala si Mrs. Martinez

"Ms. Alyente and Ms. Linsi, you two are late."

"Sorry, ma'am. Hindi na po mauulit" ako nalang ang sumagot.

"Okay, go to your seats."

Agad na umupo kami sa mga upuan namin at sinubukang makinig sa lesson. Hindi ako makapag-focus kaya tumingin ako sa labas ng bintana, pero sandali lang dahil ayokong mapagalitan na naman.

....

Lumipas ang ilang oras at natapos na din ang tatlong subject. Nasa may likod ako ng school ngayon, marami kasi puno dito, kaya dito ako tumatambay. Sobrang tahimik ng kapaligiran dito. Minsan dito na rin ako gumagawa ng assignments ko para wala na ako po-problemahin. Si Alya naman kasama lagi boyfriend nya. Bebe time daw. Ew.

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang may mahagip ang mata ko sa di-kalayuan. Isang tingin palang, kilala ko na kung sino ito.

Gwapo. Maputi. Singkit masyado ang mga mata. Matangkad. Hindi ganoon matitipuno ang mga braso pero hindi rin naman ganon kapayat. Messy hair.

Si Dwayne Liam Sicson. Ultimate crush ko nung elementary, hanggang ngayon naman, pero may secret sya na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Alam nyo kung ano? Of course, hindi diba.
Sabihin ko? Loh. Asa ka naman.

Our eyes met. Wao. English yarn, bHie? Lumapit sya papalapit at tumabi sakin.

"Mag isa ka lang?" sabi nya habang nakatingin sa kung saan.

"Of course. Obvious ba? May nakikita ka ba na hindi ko nakikita?"

"Pilosopo ka na nyan? Anyways, yung narinig mo kahapon, kalimutan mo nalang yon. Wag mo rin ipagkalat, madaldal ka pa naman."

Aba. Ayos din to a? Angas.

"Alam ko naman, kahit madaldal ako, marunong naman ako rumespeto ng secret."

"Mabuti naman. Ayokong magkagulo e."

"Oo na. Ay, pwede ba magtanong?" nacu-curious kasi ako kung bakit ayaw nya pa sabihin sa iba.

"Nagtatanong ka na nga e." masungit nyang sabi. umirap pa ang bakla.

"Kase.. Bakit kailangan mo pa ilihim? Siguro naman maiintindihan ka ng parents mo." umayos pa ako ng upo, nangangawit na kase ako. Skl, ganon.

"It's not easy. Hindi naman nila kaagad matatanggap yon. Basta ayoko muna magkagulo dahil lang don."

"I understand naman, pero kung itatago mo pa yan at patatagalin mo, mas magkakagulo talaga. Desisyon mo naman yan, ikaw na ang bahala kung kelan mo sasabihin."

"Hindi ka ba.. Hindi ka ba nandidiri sakin? Kase.. Kase hindi ako straight? na- na bakla ako, na maaari rin akong magkagusto sa lalaki?" may pag-aalangang tanong nya.

"Ano ka ba. Bat naman ako mandidiri dahil lang hindi ka straight? Dwayne, hindi mo naman kasalanan na ganyan ka. Support lang kita, I'm just here lang kung kailangan mo ng tulong."

Tinignan nya ako at tumitig sya ng bahagya sakin.

"Thank you, Melli. Basta i- keep mo lang yang secret ko. I mean, secret natin. Maaasahan ba kita?"

"Of course! Ako pa ba? Magaling ako sa pagtago ng secrets."

"Okay. I'll trust you. Fist bump?" sabay pakita ng kamao nya.

"Fist bump."

At nag-fist bump kaming dalawa, kasabay non ang pag ring ng bell, at agad kaming tumakbo sa mga klase namin.

HSHSHSHSHS.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once In A Lifetime [On-hold]Where stories live. Discover now