Chapter #6

42 9 1
                                    

“ Abnormal ka! Hahahahaha! ” malakas na pang- aasar ng matabang batang lalaki sa batang si Galatea, tahimik lamang si Galatea na nakaupo sa ginawang upuan ng kanyang ama malapit sa palayan nila.

Hindi nya pinapansin ang matabang lalaking inaasar sya.

“ Hoy batang lola! Hahaha! Bakit puti buhok mo? Lola ka na? Ang bata bata mo pa lola ka na? Hahahaha! ” mas lalong pang- aasar pa nito.

Nanatiling nakayuko si Galatea kahit na nangingilid na ang luha sa mga mata nya, pilit nyang hindi pinapansin ang bata.

Hanggang sa naramdaman na lang nya ang malakas na pagtulak nito sa mga balikat nya kaya naman patalikod syang bumagsak mula sa kinauupuan nya, tumama ang likod nito sa maputik na palayan, dahil doon ay nadumihan sya.

Hindi na niya napigilan ang pag- agos ng luha nang malaglag sya, hindi man ganoon kataas ang pinagbagsakan nya ngunit nasaktan pa rin sya at mas lalo pang nasasaktan sa pangbubuska ng mga batang kasing edad nya sa kanya.

“ Hahahaha! Ayan! Hindi na puti ang buhok mo lola! Kinulayan ko na ng kulay putik! Hahahaha! ” tawa at pang- aasar pa rin nito sa kanya.

“ Hoy! Anong ginagawa mo sa anak ko batang mataba?! ” mula sa malayo ay narinig ni Galatea ang sigaw ng kanyang ama kaya hindi na napigilang ilabas ang boses nya at humagulgol na sa pag- iyak.

Tumakbo naman na ang batang nambu-bully kay Galatea nang lumapit na si Lando sa pwesto kung saan nakaupo pa rin sa putikan ang kanyang anak.

“ Dada! Huhuhu! Madumi na ako! H- hindi na maganda yung buhok ko! ” pag- iyak nito sa ama nang buhatin sya nito at ikandong sa nakaupo kung saan sya nakaupo kanina.

“ Tahan na anak, anong ginawa sayo ng batang mataba na iyon hah? Gusto mo awayin natin sya? Hindi dapat sinasaktan ang unang prinsesa ko, tandaan mo 'yan! ” sambit ni Lando sa anak, mad lalo namang umiyak si Galatea.

“ H- hindi naman ako prinsesa dada, inaaway nila ako palagi kahit ng mga klasmeyt ko. H- hindi daw ako maganda katulad nila. K- kasi daw yung buhok nila kulay itim pa, yung sa akin daw puti na. Pang lola na d-daw ang buhok ko k- kaya... k-kaya panget daw ako. ” sumbong nito sa ama habang patuloy na humihikbi't umiiyak.

Hinele naman ito ni Lando, pilit na pinapatahan. “ Hindi yan totoo anak, huwag kang maniniwala sa sinasabi nila. Dapat sa sasabihin ko lang at sa sasabihin ng nana mo ikaw maniniwala ah? Hindi ka panget anak, espesyal ka lang. Ang mga espesyal magaganda, katulad mo! Maganda ka anak, maganda. Isa ka ngang diyosa hindi 'ba? Iyon ang tawag sa iyo ni Aling Mami. ' Diyosang Galatea! ' hindi 'ba't bagay na bagay? ” nakangiting pang- aalo pa nito sa anak.

Napatigil naman sa paghagulgol si Galatea at hihikbi na lamang ang maririnig sa kanya.

“ P-pero dada, abnormal ba ako? Sabi kanina nung bata a- abnormal daw ako? ” pumipiyok na namang sabi nito.

“ T- tapos... tapos tinulak nya pa ako. ” ngumangawang dagdag na naman ng bata.

Hindi naman magkanda- ugaga ang kanyang amang si Lando sa pagpapatahan dito.

Gagalaw- galaw ang mga hita nito kung saan nakakandong ang anak na si Galatea.

Marahan nitong pinunasan ang pawis at mga luhang nagkalat sa mukha nito saka nito iniipit ang kulay puting buhok ng anak sa gilid ng tainga nito.

“ Anak, wag kang maniniwala sa kanila maliwanag? Espesyal ka, maganda ka at syempre mahal na mahal ka ni dada. ” malambing na paliwanag ng butihing ama sa kanyang batang anak, saka nito idinampi ang malambot na labi nito sa pawisang noo ng anak.

Hihikbi- hikbi na lang naman ang batang Galatea saka ito mahigpit na yumakap sa ama. “ D-dada, gusto ko din pong maging itim ang aking buhok, palagi nila akong tinatawag na lola. Ayaw ko 'non Dada, ayaw ko 'non. ” maiiyak na namang sambit ng batang Galatea sa ama, napabuntong hininga naman ang kanyang dada.

“ Anak, hindi magiging itim ang buhok mo at kung magiging itim man... hindi pa pwede iyon sa iyo dahil bata ka pa. Hayaan mo, isumbong kay dada lahat ng mang- aaway sa prinsesa ko ah? Aawayin natin sila! Hmm? Kaya wag na umiyak ang diyosa ko, mahal ka namin ni Nana mo. ” malambing na pagpapaitindi ng ama sa kanyang anak habang nakataas ang kamao nito sa hangin.

Bahagya namang natawa ang kanyang anak sa pagtaas ng kamao ng kanyang dada. Tumango- tango ito.

“ Opo dada! Isusumbong ko sila sa inyo kapag inaway nila ulit ako! ” malakas na sigaw at ulit ni Galatea sa sinabi kanina ng kanyang amang si Lando, napatawa- tawa naman ang kanyang ama saka muling tumango at hinalikan siya sa noo.

“ Lando! Galatea! Kakain na tayo! Halika na kayo! ” sigaw na tawag naman bigla ni Hermosa, ang tumatayong ina ni Galatea.

Lumingon naman ang dalawa sa pinanggalingan ng boses saka sumigaw si Lando.

“ Nariyan na mahal! ” sigaw pabalik ng asawa ni Hermosa.

Matapos 'non ay hindi na tumugon si Hermosa kaya lumingon si Lando sa anak para buhatin ito.

“ Tara na anak ha? Kakain na tayo ng pananghalian sabi ni Nana mo. ” sambit ng ama sa anak nyang Galatea.

“ Opo! Tara na! ” masigla nang sabi ni Galatea saka nagsimulang maglakad si Lando.

“ Papa! Papa! Buhat mo den ako! ” nagsusumigaw na sambit naman ni Thalassa, ang bunsong prinsesa ng mag- asawa.

Nananakbo itong papunta kay Galatea at Lando habang nakataas ang dalawang braso sa ere.

“ Papa! Buhat mo ko! Palagi nalang si Gal ang binubuhat mo eh ang laki na nya! Samantalang ako 6 pa lang! ” reklamo ni Thalassa habang masamang nakatingin sa ate nyang si Galatea. Hinawi- hawi pa nito ang kulay itim na buhok dahil sumasagi ito sa kanyang mga mata dahil sa mga takas na buhok nito mula sa pagkakatirintas ng ina.

Pinaswitan naman ni Lando ang anak na si Thalassa, dahil sa hindi nito pagtawag na ate sa kay Galatea.

“ Thalassa anak, tawagin mong ate ang ate mo. Masama ang hindi sya tawaging ate anak. ” pagsambit ng kanilang ama na si Lando.

Umirap naman sa kawalan ang anim na taong si Thalassa bago.muling sinamaan ng tingin si Galatea na hindi makaimik at nakasandal lang sa balikat ng kanyang amang si Lando.

“ Eh papa hindi ko naman sya totoong ate, bakit ko sya tatawagin ate? ” mataray pang sambit ni Thalassa habang mataray na nakatingin kay Galatea.

Gumuhit naman ang sakit sa mga mata at mukha ni Galatea sa narinig, nagsimula na namang mangilid ang luha nito sa namumugto pang mga mata.

' A- alam ko naman Thalassa na hindi ako tunay na anak ni Dada pero sana huwag mo nang paulit- ulitin kasi masakit... '

Sambit ni Galatea sa isip nito ngunit hindi na isinatinig, nawalan naman ng imik si Lando dahil sa narinig.











****

Thank you ate happysnowfeet sa multimedia!!!

Disney Series #5: Beauty Of The NeedleWhere stories live. Discover now