CHAPTER 1

3.1K 91 0
                                    


Papunta na ako sa dining room para makakain. Beside from that, ay may sasabihin daw sina Mommy at Daddy sa'kin.

Pagkarating ko doon ay agad nila akong napansin kaya umupo na ako para kumain. Nasa harapan ko sina Mommy at Daddy. Naghihiwa ako ng steak sa plato ko ng biglang magsalita si Daddy.

"Syraine Selvia," mukhang alam ko na ang pahiwatig ng salitang yan. Huminto muna ako sa paghiwa ng steak at tumingin sa kan'ya.

"po?"

"Pack your things.You need to move to another school."

You can sense the authority on his voice.

Kaka-transfer ko lang sa bagong school ko ah. Mag tra-transfer na naman ako?

"But Dad--" I stopped when he suddenly interrupted.

"No more buts Syraine, just do what i am saying."

Mawatoridad niyang sabi sakin. Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Wala naman akong magagawa lahat na lang gusto niya dapat masunod.

Bata pa lang ako gan'yan na sila, noon nga na-iingit ako sa mga batang malayang naglalaro sa labas samantalang ako nakaliblib lang sa bahay. Mag-isa. Noong nag High School na ako may trip kami n'on papuntang Baguio pero 'di ako pinasama nila sobrang nalungkot ako sa mga oras na 'yun.

I remembered having bodyguards wherever I go outside. Constrictive, yes. I felt like I'm a prisoner, ginagawa daw nila ito sa'kin para protektahan ako.

Palagi ko na lang sila iniintindi sa mga bagay bagay pero 'di ko maiwasang magtampo sa kanila minsan.

Pinagpatuloy ko na lang ang paghiwa ko sa steak at kumain na.

"Pack your things this night dahil ipapahatid kita sa pagtitirhan mo bukas."

Nakakunot noo naman akong tumingin kay Daddy. Pwede namang dito lang ako titira ah.

"Ha?"

"Just go with the flow."

I only nodded then continue eating. I already knew that he won't change his plan anymore. I know daddy. Once he made a decision, hindi na mababago 'yon.

"Sweety, 'wag mong mamasamain ang lahat ng ito, we're doing this for your own good hmm."

Nabaling namn ang tingin ko kay mommy na nag-alalang nakatingin sa'kin. Uminom muna ako ng tubig na nasa right side ko at nag half smile sa kan'ya.

"I-im full, pasok na ako sa kwarto ko."

Tumayo na ako at lumakad na para pumunta sa kwarto ko. Pagkarating ko d'on ay pabagsak kung hiniga ang sarili ko sa kama. So, ibig sabihin 'di ko na makakasama sila? Maging malayo ako sa kanila?

Napaisip ako bigla bakit ba palagi nila ako palaging pinoprotektahan? Kapag tinatanong ko naman sa kanila ang mga bagay na 'yan.

'malalaman mo rin pero hindi pa ngayon'

'yan ang palagi nilang sinasagot.

Bumangon ako at nag halfbath na. Kailangan kong paghandaan ang pagpasok sa bagong school ko at sa bagong titirhan ko.

Pagkatapos kong mag halfbath ay inimpake ko na ang mga gamit ko. I swear this must really very tiring. New adjustment na naman.

Napasok ko ang mga gamit ko sa maleta. Syempre 'di ko dinala lahat kasi babalik pa naman din ako dito. Nasa mga tatlong maleta lahat ang dadalhin ko bukas. Napaupo ako sa kama,  napagod ako doon ah.

Maya maya pa ay dinalaw na ako ng antok kaya napag-isipan kong matulog na. Napatingin namn ako sa orasan, 9:58 na pala almost 10 na. Humiga na ako sa kama at pinatay na ang ilaw at pumikit na.


I'm A Maid Of The Fucking 8 Badboys [COMPLETED]Where stories live. Discover now