Chapter 7

43 8 0
                                    

Dumating ang araw ng club launching, at sa kasamaang palad, kailangan naming magpunta sa quadrangle kung saan kami iiihaw.

"Jusko! Nakalimutan ko yung payong sa bahay!!"

"Oy sino may pamaypay jan?"

"Ako wala!"

"Meron ako pero gagamitin ko."

" Uy share tayo sa payong."

" Kaninong folder to? wala? akin nalang ah!"

Nagkakagulo na mga kaklase ko ngayon.

Samantalang ako, pinusod lang ang buhok at nagdala ng lumang folder. Nakalimutan ko din kasing magdala ng payong kaya magdudusa talaga ako sa init.

"Hoy bro pasilong mamaya!" Lapit ni Jerry kay Neil na may hawak ng payong.

Buti pa siya handa sa pagbibilad mamaya. Naalala ko talaga na may nilagay akong payong sa bag ko eh. Malaki hinala ko na dinukot ni Boni yun sa bag ko. Naalala ko nung isang araw pinapagalitan siya ni Mama kasi naiwala niya yung payong niya.

Agad na itinago yun ni Neil sa likod niya. "Di pwede. Samin to ni Bb!"

Nanlalaki ang matang napatingin ako sakanya. Nakanguso siya at parang batang aagawan ng payong.

Cute...

Agad akong umiwas nang makitang lilingon na siya sakin.

Bahagya akong tumalikod at napasapo sa dibdib ko.

Kumalma ka please. Kumalma ka.

Ang sabi mo, didistansya ka na sakanya. Hindi mo sinabing mas maaapektuhan ka sa mga sweet acts niya--- as a friend.

Nakakaasar. Wala talaga akong desiplina.

"Pumila na kayo!!" Sigaw ng president namin kaya pumila na kami.

"Tabi tayo!" As usual, sumulpot nanaman si Neil sa tabi ko at kumapit nanaman sa tshirt ko.

Buti nalang talaga at pinag PE uniform kami. Hindi ko maimagine na nakauniform kami habang nakabilad sa araw. Baka maubos na lahat ng sebo ko sa katawan. May kakapalan pa naman uniform namin.

Nung bumaba kami papuntang quadrangle sa harap ng simbahan ay madami ng estudyante

Napasimangot agad ako dahil ang nga senior high at upper junior high ay nakabilad sa quadrangle habang ang elementary department at mga grade 7 ay nasa old building at nakasilong.

"Excuse me! Excuse me!!"

Hinayaan ko nalang si Neil na hilahin ako hanggang sa makarating kami sa harap ng pila.

"Aray!" Napadaing ako dahil may naniko sa dibdib ko. Medyo napalakas kaya naiwan ang sakit sa dibdib ko.

"Dahan dahan naman oh!" Bakas sa boses at muka ni Neil ang inis nung hinarap niya yung nakasiko sakin pero agad ding lumambot at napalitan ng pag aalala nung bumaling siya sakin.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya na ikinatango ko nalang kahit na medyo masakit pa ang dibdib ko dahil malakas ang pagkakasiko.

"T-teka!!" Nagulat nalang ako dahil hinigit niya ako palapit sakanya at inakbayan.

Yumuko siya at ngumiti bago binuksan ang payong niya "Para makasilong ka."

Napayuko nalang ako at tumango.

Ramdam na ramdam ko ang kapit niya sa balikat ko. At hindi din ako mapakali dahil sa lapit namin. Halos isiksik na niya ako sa tagiliran niya.

Alam kong nag iinit na ang balat ko sa araw pero mas nag init pa ang pisngi ko dahil sa sitwasyon namin ngayon.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now