Coffee?

12 4 0
                                    

"Giiiirl! Ilang ulit na lang tayong nagpapabalik-balik rito. Nakakasawa na ha," simangot na sabi ng kaibigan ni Misha sa kanya.

Imbes na mainis ay napangiti pa siya. Napatingin siya sa may counter at lalo pang napangiti nang masilayan niya ang hinahanap.

She sighed at the sight of the man behind every coffee being served at the shop. Nadiskubre niya lang ang shop nang minsan siyang maglakadlakad galing opisina.

Napuna ni Janet na hindi na siya rito nakatuon. Sinundan nito ang tinitingnan niya.

"Hmm, kaya pala kahit day off mo ay nandito ka. May sinasaytus ka palang babae ka!" ngisi nito.

Umirap siya rito. "Masisisi mo ba ako? Ang gwapo eh," kilig na sambit niya.

"Perfect nga! Lapitan mo kaya at ayain mong makipag date," suhestiyon niyo.

"Ayoko. Tsaka, crush ko lang naman," aniya.

"Diyan nagsisimula ang lahat, sis. Baka mamaya niyan maunahan ka pa ng iba. Sige ka,"

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga!" aya at tumayo na. Pero hindi naalis sa kanyang isip ang sabi ng kaibigan.

"Wait lang! Magbabayad pa ako," sabi nito.

Pagod na pagod siya sa trabaho ng hapon na iyon kaya naisipan niyang magkape muna para magbawas ng stress. Nagpunta siya sa Amo El Cafe. Ang shop na kanyang pinupuntahan lagi. Isang buwan din siyang di nakatambay doon dahil sa bruhang boss niya. Ang dami daming pinagawa kaya super busy siya sa opisina.

Pagpasok niya sa loob ay agad siyang sinalubong ng lalaki at hinalikan sa pisngi. Huh? Anyare?

"Ano-" naputol ang sinasabi niya ng higitin siya nito para yakapin.

"Can you just play along?" pagsusumamong bulong nito sa kanyang tainga. Napatango siya nang wala sa oras. Ang bango naman kasi. "By the way my name is Marco Ruiz, and you are?"

"Mi-Misha Fernandez," nauutal na sagot niya.

Pinakawalan siya nito and he pulled her infront of a woman.

"She's my girlfriend that I'm talking about Sandra. I'm serious this time. Misha don't like about you coming here."

Napatingin sa kanya ang babae, napaatras siya sa lamig ng titig nito. Ngumiti ang babae pero halatang pilit. Pagkatapos ay umalis na rin agad.

Inalalayan naman siya ng lalaki upang makaupo. Umalis muna sandali ito at nang bumalik ay dala na nito ang favorite niyang kape. Latte Macchiato.

"I'm sorry. Wala na kasi akong ibang choice kanina. At nang makita kitang papasok. I took the chance,"

She took a sip of her coffee. Nawiwindang pa kasi siya sa nangyari.

Napatingin siya kay Marco. "Bakit naman ako? Ang daming babae rito oh, ako pa ang nakita mo. Di man lang ako nakapaghanda. Ni wala nga akong lipstick. Oemgi!" pabaklang sambit niya.

Ngumiti naman ito sa kanyang sinabi. "Kahit maraming babae, ikaw lang ang napansin ko," napaubo siya. Napainom tuloy siya ng kape sa tinuran nito.

"At kahit wala kang lipstick. Maganda ka pa rin,"

Nasamid siya sa sinabi nito. At inihit tuloy siya ng ubo. Kikiligin na sana siya pero mamatay yata muna siya sa pagkahol. Maygudnes!

Dalidali naman itong kumuha ng tubig. Nilagok niya agad. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Huwag ka namang bumabanat ng ganyan, nakakamatay eh," sa kilig! dagdag ng utak niya.

He gave a bark of laughter. Ang gandang sight! Mas maganda pa sa mga lugar sa Pilipinas.

Kabwisit! Hindi pa man pero kinikilig na siya.

"Ba't ganyan ka bumanat, crush mo ba ako?" di nakatiis na sambit niya. Pakapalan na to!

He leaned over at halos gadangkal na lang ang pagitan ng mukha nila. He smiled once again. Kanina pa yan! 

"Yes. And you have a crush on me, too," siguradong sambit nito.

She blushed. "Wala ah," Kumunot ang noo niya. "Paano mo nalaman?"

"Your friend told me last time,"

Bwisit na babaeng yon! Nilaglag pa talaga siya. Pero wala ng atrasan. Nagkaaminan na rin. Itotodo na niya.

Tumango siya. "So, pwede bang manligaw?" diretsahang tanong niya.

Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha. "Aren't I your boyfriend yet?"

Huh? Di agad tumimo sa kanyang isip ang sinabi nito. Ay shet! Kiligmats!

She smiled widely. "Yes you are,"

"Paano mo naman ako naging crush, di ka naman pumapansin noon," di naniniwalang tanong niya.

"Basta malalaman mo rin kung paano." anito and he gave her a peck on the cheek.

Amo El CafeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum