Chapter 1

388 13 0
                                    


"Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my! Finally!" Malakas ang tili ni Prin na sinalubong ako. Hawak ang malaking banner kung saan naka-imprinta ang pangalan ko. Iwinagayway pa niya ito animong watawat. "Oh my gosh! Ikaw iyan diba? Daffodil, right? Daffa? Is that really you?"

"Ano ba, Prin! OA na."natatawa kong sabi. Hila-hila ang maleta sa kabilang kamay ko.

"Pwede bang huwag mong sirain ang moment ko? Alam mo bang ilang oras akong naghintay dito ng mag-isa. Dumagdag pa ang napakahabang traffic kanina. Mabuti nga't sinundo pa kita."

"At mukhang napilitan ka pa ha?"

"Asan ba ang pasalubong ko? Napakatagal mong nawala tapos sama lang ng loob ang ibibigay mo sa akin?"

"Nasa bag. Pwede bang umuwi muna tayo. Nakakapagod ang byahe." Suhestiyon ko. Ang layo din naman kasi ng Spain mula sa Pilipinas.

Nag-rent ng masasakyan si Prin kaya't madali kaming nakarating sa matutuluyan namin.

"Sa taas ang room natin. Pinili ko iyong nasa left side. Iyo naman ang nasa right. Halos wala pang laman ang bahay kaya't ang plain tignan." Ininguso nya ang hagdan paakyat ng second floor. "Pero infairness, teh. Ang ganda ng nabili mo. Unting design lang then furniture, okay na."

Halos wala pang laman ang bahay. Natural lang iyon dahil kalilipat lang namin dito. Medyo may kalakihan ito at may apat na kuwarto sa taas. Hindi ko inaasahan na mas maganda pala ito sa personal.

"Mamaya na lang." Sagot ko. Napagkasunduan namin na maya-maya na lang mamili ng mga kinakailangan namin dito sa bahay. Tanghali naman na at mainit sa labas. Hindi pa ako tuluyang nakakapagpahinga mula sa mahabang byahe.

Nagtungo ako sa kusina at unang binuksan ang ref.

"Yelo?" Bumungad sa akin ang mga yelong naka-plastic pa.

"Surprise!"

"Ano to? New business? Ice for sale?"

"Obvious ba? Hindi pa ako nakakapag-grocery. Bakit ka nagtataka? Pareho lang tayong bagong lipat dito."

Dahil wala pang stock sa bahay, sa labas kami kumain.  Mabuti na lang at may malapit na convenient store sa subdivision namin.

"Hindi ka ba pinapakain doon? Ang baboy mo ah.  Ang dami niyan, kaya mo?" Reklamo niya sa dalawang siopao at hotdog sandwich na binili ko.

"Sabihin mo sa akin kung sino ang mabubusog sa tatlong pirasong donut at C2? Tell me." Puna ko sa kinakain niya.

Total nandito na din kami. Mas maigi siguro kung dito na din kami bumili ng mga food stock sa bahay.

"Kamusta ang lahat sa Spain?"

"Spain is still Spain. With or without me wala namang magbabago doon."
Isa-isa naming inilagay sa hood ng sasakyan ang mga pinamili namin.

"Sigurado ka na ba sa naging desisyon mo? I mean, ang ganda na ng buhay mo doon. Establish na ang career mo."

"Kakarating ko lang dito ay pinapaalis mo na ako agad."

"It's not like that, Daffa. I'm just wondering what caused you to fly here and left Spain. Hindi ba't naging successful ang last movie mo?"

"Masyadong magulo doon." Tanging sagot ko.

Maski ako ay kinukwestiyon ang naging desisyon ko. Tama ba ang pinili ko? Hindi ko naman alam ang magiging consequence ng mga pagpapasya ko.
 
 
 
 

"Seryoso? Valenciaga and Fendi?"

"Kung ayaw mo ibalik mo sa akin." inilayo nito ang bags na hawak. Akala mo naman ngayon lang nakahawak ng ganyan. Mas malaki pa nga diyan ang kinikita ng magulang niya.

Wanting Daffodil Where stories live. Discover now