CHAPTER 01

19 2 0
                                    

KIA'S POV

"Anak gising na maaga pa tayong aalis" katok na naman ni Mama ang gumigising sa akin sa araw araw kala mo laging galit kung kumatok eh.

"Hmm babangon na po" nag unat unat muna ako dahil ang sarap na naman ng tulog ko at isang magandang umaga na naman. Magbabakasyon nga pala kami dahil sembreak namin at ngayon araw na iyon.

"ASTREA KIA ELEZEAR, paghindi ka pa bumangon jan iiwan ka na namin!" mabilis akong napatayo dahil hudyat na galit na si Mama at baka masira pa ang pintuan ko.

"hays thank you Lord sa panibagong araw at buhay" masayang sabi ko na nakatingin sa itaas na nakasanayan ko ng gawin sa umaga dahil turo ito ng magulang ko na laging magpasalamat sa isa pang araw na binigay sa atin dahil hindi lahat nabibiyayaan ng ganito.

"Goodmorning parents, kuya, at sa isang napakakulit na baby boy ko, aga natin ah excited na excited naman kayo" sabi ko na lang sa kanila dahil kita naman sa mga ngiti nila na abot hanggang tenga.

"Halika na at kumain kana dito pagkatapos nito ay mag ayos ka na ng sarili mo at ng mga gamit na iyong dadalhin dahil isang linggo tayo doon."

"what isang linggo dun? Ma hindi ba pwedeng 3 days na lang tsaka diet po ako baka lumaki tiyan ko niyan, mauna na po muna ako maligo." nakasimangot na sabi ko.

Pumasok na ako sa cr at mabilis na naligo dahil nakalimutan ko pala na ayusin ang mga gamit ko na dadalhin ngayon. Pagkalabas ko ay ginawa ko ng aking skincare routine at nagpatuyo na ng buhok dahil feel ko na magkulot ng buhok para naman maganda sa picture.

Pagkatapos ng mga kaartehan ko sa katawan ay mabilis akong nagtungo sa aking kwarto at kinuha ang maliit ko na maleta na kasya na para sa isang linggo kong damit. Nagdala lang ako ng apat na swimsuit na basic at printed na design. Kasama na dito ang tshirt, dress, shorts at syempre di mawawala ang aking mga underwears at sandals.

Pagkalipas ng mga ilang minuto ay natapos ko na rin igayak ang aking mga dadalhin at kita ko na rin na gayak na ang aking kapamilya dahil sa sobrang excited nila. Nilabas ko ang aking maleta at bag na may laman ng makeups, iba't-ibang gamit at film camera ko dahil maganda raw yung pupuntahan namin.

Iniintay ko na lang na palamigin yung sasakyan at yung isa pa naming kamag anak dahil nandun daw yung card na kailangan para makapasok sa resort na iyon dahil mga pangsosyal talaga yun.

Kaya lang naman kami napapunta roon dahil sa connection ng Lolo Renato ko na kilala at kaibigan niya dahil magkasama daw sila sa navy noong opisyal pa siya. Iba nga talaga pag magaling ka makisalumuha at nagiging kaibigan mo ang mga ito, nakakapunta ka sa mga lugar na magaganda at sosyal na mayroon sila.

"Anak nagtanggal na ba kayo ng plug ng appliances sa mga kwarto niyo baka magkasunog niyan wala pa naman tayo" ay naku nakalimutan ko pala yung saksak ng electric fan ko. "Ma ako pala may nalimutan, wait lang po." dali dali akong tumakbo sa aking kwarto at tinanggal lahat ng nakasaksak at bago ako lumabas ay napahinto ako sa aking salamin.

Tiningnan ko ang aking sarili na nakasuot ng tank top na itim, naka demin short, suot ang aking puting birkenstock, kulot na buhok at naglagay lang ako ng necklace at bracelet para di naman masyadong boring.

Pagkalabas ko ay nasa saksakyan na sila kaya sumunod na rin ako at kita ko na nasa likod na namin yung sasakyan nila Lolo. "Pa ano pala pangalan nung resort na pupuntahan natin?" nagtatakang tanong ko dahil hindi naman ako na inform kung saan ba talaga. "Verandy Beach Resort and Hotel sa laiya batangas, anak" sosyal ng pangalan kaya hinayaan ko na lang at nakatulog na rin ako dahil mahaba pa raw ang byahe.

Nagising ako dahil sa alog ng makulit kong kapatid dahil langoy na langoy na siya at alas syete narin kami ng umaga nakarating. Paglabas namin ay na tanaw ko na ang dagat at ang puting buhangin na napaka ganda. Tanaw ko na rin ang mga taong suot suot ang kanilang swimming trunks at swimsuit na nagpapakita ng magagandang hulma na kanilang mga katawan.

Nang makapasok kami ay dumiretso na agad kami ni Anjelo bunso kong kapatid, sa mga buhangin dahil sa sobrang ganda nito at nagsimulang maglaro noon. Nang ako ay makatayo ay may muntik na tumama na frisbee sa muka ko kaya napaupo ako at buti na lang ay naiwasan ko ito. "Ano ba hindi mo ba nakikita na may tao dito!" galit na sabi ko bago ko itungo ang aking ulo dahil pinapagpagan ko ang aking damit.

Pagtungo ko ay nagulat na lang din ako sa isang gwapong nilalang na nagpanatili sa akin.

The Sunset That We Shared Where stories live. Discover now