CHAPTER TWELVE

337 6 0
                                    

Shane's Point of View

Napamulat ako at unti-unting ginalaw ang aking ulo. Hindi ko pa rin magalaw ang kamay ko at nagdududa akong namamaga ito dahil sa pagkaka-over use ko ng Bloodlust.

"Baby! Thank Goddess Hilda!" Sabi ni Daddy at lumapit sa akin sabay dikit ng kanyang malaking kamay sa noo ko. "As I thought. Hay nako, Shane." Sabi ni Papa.

"I said don't overused your magic!" Sigaw ni Dad at galit na tinignan ako. Simple akong umirap at huminga ng maluwag. Tinignan ko si Dad at ngumiti ng pilit kahit masakit talaga.

"S-sorry D-daddy." Bulong ko habang nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko sabay tingin sa akin na nag-aalala.

"Shane, don't do that again. Alam kong malakas ka pero don't do it again. Ayaw kong sumunod ka sa mama mong natutulog pa rin. I don't want you to be like that." Sabi ni Daddy habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha.

Natigilan ako at parang naguilty kahit na wala namang masama doon. Pero ito ang pangalawa kong nakita siyang umiyak. Una syempre nong lasing siya at doon siya sa kwartong tinutuluyan ni Mommy natulog habang kinakausap siya.

It pained my heart remembering those scene. Na makita siyang lasing tapos umiyak kapag siya lang isa. It was my first by the way, na nakita ko si Daddy na umiyak.

"P-pasensya na Dad. Pangako h-hindi ko na uulitin." Bulong ko. Tumango siya at pinahiran ang kanyang luha at hinawakan ang namamanhid kog kamay.

Napa-igik ako sa sakit at sinamaan si Papa. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad na binitawan ang kamay ko sabay tikhim.

"Where's Evangeline?" Tanong ko kay Papa. Sumeryoso ang kanyang mukha at mukhang ayaw pa ngang sumagot. Naramdaman niya siguro ang mga mata kong sinusunog siya kaya napalunok siya sabay tikhim ulit.

"She keeps on begging na parusahan ko siya. Since nagalit rin ako, I did say na papaluin siya ng 60 kapalo ng kahoy."

What the?

Sinubukan kong bumangon ngunit hindi ako hinayaan ni Papa. "Stay still Shane!" Pagalit na sigaw ni Papa sa akin sabay pakalma.

"D-dad! Si Evangeline!" Galit na sigaw ko ngunit lumabas lang iyon bilang bulong. Tumango siya at agad na pinatawag ang kanyang Shadow Guards para sabihing pakawalan si Evangeline.

"Send Evangeline to her room then let Eclipsa Eroseles to handle her." Sabi ni Daddy habang malamig na nakatingin sa kanila. Tumango ang dalawa at nawala na para bang bula.

Nakakagulat talaga minsan ang Shadow Guards.
(ー_ー゛)

"Happy now?" Tanong ni Daddy. Tumango ako at napabuntong hininga. Sana naman at hindi siya napuruhan, dahil papatayin ko talaga sila kapag napuruhan siya.

"Why do you care about that maid?" Tanong ni Dad sa akin habang nakataas ang kanyang kilay. Mukha siyang bakla, gwapong bakla.

"She's my personal maid of course I would care. Tsaka Daddy, you already appointed her as my sword and shield." Pagpapaalala ko sa kanya.

Napatango-tango siya at kinuha ang bag ko sabay pinalabas si Damon. Agad namang lumabas si Damon at lumipad papalapit sa akin ng kinuha siya ni Dad at agad na pwersahang niyakap.

"Bawal pa, Damon. May sakit pa si Shane." Sabi ni Daddy habang niyakap si Damon. Bakit ganito na lang ka-kalma si Daddy pagdating sa mga dragon?

"Why are you always calm Dad? I mean it's a dragon, a phantom. Bakit Hindi ka natatakot?" Tanong ko sa kanya.

"Well, I owned one since I was a kid." Sabi ni Dad. Tinignan ko siya at tumango—pagpapapatid ko na ituloy niya ang kwento niya.

"Sadly, it killed and slayed a village which results for today's violation." Sabi ni Daddy at nilaro-laro si Damon na nagpapacute.

"Eh saan na ngayon yung Dragon?"

"Patay na. Ako mismo pumatay." Sabi ni Daddy sa malamig na boses. Ngunit halata pa rin doon ang lungkot at pagkamiss sa dragon na inaalagaan niya.

"Speaking of your magic, Hindi pa alam ni Shaun na may ganon kang klaseng Magic?" Tanong ni Daddy. Tumango ako at naalala ang mukha ni Kuya.

Natawa ako ng malakas. Kase naman mukha siyang Ewan na para bang tinamaan ng kidlat dahil sa pagkashock niya.

Kwenento ko kay Dad ang nangyari kahapon—teka, kahapon?

"Teka dad, isang araw lang ba akong natulog?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya at tinignan ako. "Isang linggo kang tulog, Shane."

Kita sa mukha ko ang pagkagulat kaya tumawa si Daddy at hinaplos ang aking buhok. "Bakit hindi ka pa umuwi Dad?"

"What are you talking about? Kakauwi ka lang kanina. Tsaka I can't leave my princess here all alone. Although binibisita ka ng mga iba pang Prinsesa, I still feel that you need me. So I left our castle and went to look after you." Sabi niya.

"Awe Daddy, you're so sweet." Sabi ko sa kanya at tinitease siya. Kung sana makikita to ni Mommy, baka tumatawa na siya.

Maybe I wouldn't be cold like this.

"Kailan kaya gigising si Mommy, Dad no?" Bigla kong tanong na nagpatigil kay Daddy. Natahimik kaming dalawa at walang nagsalita sa amin ni kahit anong boses ayaw lumabas.

I cursed myself, I basically turned this atmosphere into an awkward situation!

"Don't worry baby, Daddy will find a way. At nararamdaman kong malapit na siyang babalik. Just stay strong and unharmed, babalik ang Mommy niyo." May ngiti sa labi na sabi ni Dad.

Why does he always smile even though it's hurting him? Bakit nakakangiti pa siya kahit masakit na?

I stared at my Dad. He sure loves Mommy.

"Sige na baby, babalik ako bukas. I still need to go at your Lolas Mansion. Kailangan kong ipaalam na gising ka na." Sabi ni Daddy at hinalikan ang aking noo sabay nilapag si Damon sa tabi ko.

"Mag-ingat ka Daddy." Sabi ko sa kanya at ningitian siya. Napatigil siya sandali ngunit lumaki ang kanyang ngiti sa kanyang labi at tumango sabay umalis sa kwarto ko.

Napabuntong hininga ako at inisip na lang si Daddy. He's the one who's hurting the most. Siya ang mas nasasaktan keysa sa amin.

His love for Mom didn't change, didn't decreased, he remained faithful and Loyal to Mom kahit natutulog ito. My Dad is the kind of guy who'll stay even though it keeps on hurting him.

Napangiti ako ng malungkot. How can I help Daddy? Sa ganitong sitwasyon ko, kailangan ko pang hintayin na maging okay ako.

I can't stand being so helpless, weak and useless. Ayoko ng ganito.

"Wait for us Mommy, ipaghihigante talaga kita, lalo't alam ko na ang lahat simula pa ng pinaka-una." Bulong ko sabay ngiti ng lagim.

This is not a comeback, it's a war.

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang