Simula

66 3 1
                                    

"Grabe, ang laki pala ng bahay nila Lola Mich." Sambit ko dahil sa pagka-mangha.

"Tao pooo!!! Lola Micchh!!!" Sigaw ko habang naka-hawak sa gate.

"Taooo pooooo!!" Mahabang sigaw ko ulit. Wala talagang lumalabas na tao. Ang init init dito Psh.

"Ay hija, bakit ba ikaw ay sigaw ng sigaw dyan??"
Napa-lingon ako sa likod nang may nag-salitang matanda.

"Ah eh... Ano..." Tsk.

"Walang tao dyan hija. Matagal nang walang tao dyan." Napa-tanga ako dahil sa sinabi nya sa'kin.

"A-ano ho??"

"Wala nang naka-tira dyan hija." Ulit nya.

Kaya pala walang sumasagot.

"Ahm la, kilala nyo ho ba yung mga Chan?"

"Kilalang kilala." Sambit nya.
Eh???

"RITAAA!!!" Napa-lingon ako, tinawag pangalan ko e.

Tumakbo-lakad ginawa nya papunta sa gawi namin ng matanda.

"Si Lola Mich!" Tawag ko.

"Kanina pa kita hinihintay." Hingal na sabi ni lola Mich.

"Pasensya na la, di nyo naman po sinabi yung adress nyo. Ang sabi nyo lang ho, malaking bahay dito sa Shan's Subdivision. Di nyo po sinabi na may kapatid pala iyang bahay nyo hahaha"

"Pasensya narin hahaha, pumasok muna tayo sa Mansion, mainit na dito." Aniya. Init na init na nga ako e.

Lumakad na kami papuntang Mansion.

Kwinento ko sa kanya kung anong nangyari kanina. Tawang-tawa ang lola nyo. Sinabi rin nya sakin na katulong raw nila yung matanda. Si aling Maria.

"Lolo Mich, bakit nyo po ako pinapunta rito?" Tanong ko. Nandito kami ngayon sa Office room nya.

"Saglit lang apo ha, Mariaaa!" Tawag ni Lola Mich sa isang kasambahay nya.

"Bakit po miss Mich?"

"Ipag-handa mo si Rita ng maka-kain" utos nya kay Aling Maria.

"Sige ho" tsaka sya umalis.

"Mamaya nalang natin pag-usapan ang ipinunta mo rito hija, kumain muna tayo alam kung gutom kana. Ang layo ng byinahe mo" sabi nya. Pumunta na kami sa dinning area nila.

Halos mapa-nganga ako dahil sa gulat. Ang haba, i mean sobrang haba ng lamesa nila! Halos lahat ng tao sa barangay namin kasya na dyan. Grabe!

Umupo na ako sa lamesa nila.
Nilapag na ni Aling Maria ang pagkain.

"Kumain ka nang marami apo" sabi sa'kin ni Lola Mich.

Nag-simula na rin akong kumain, andaming pagkain!!  
"Sige po,"

Habang sumusubo ako, parang ang daming naka-titig sakin. Pag-harap ko meron nga. Mag-kamukhang bata, pero iyong isa babae, lalaki naman yung isa. Kambal siguro. Nginitian ko na lang sila at bumalik na sa pagkain.

"Hey, b*tch what's you--" na-tigil yung lalake sa pag sa salita, dahil kay lola Mich.

"Gabriel! Wag na wag mo syang matatawag na b*tch! Malilintikan ka sakin!" Sabi ng matanda, Lola Mich.

"Grandma, I'm just asking her name!" Iritadong banggit nya.

Ang aga aga init ng ulo.

"Rita, pag-pasensyahan mo na yang apo kong si Gabriel." Sabi sa'kin ni lola Mich.

"Okay lang po hehe"

"Sya nga pala, ito si Gabriella" turo ni lola sa babae, "ito naman si Gabriel" turo naman ni lola sa lalake.

"Hello! Ako si Rita Iriñgan" inabot ko ang kamay ko sa kanila pero yung babae lang yung tumanggap.

"I'm Gabriella Chan" walang buhay na sabi nya.

Binitiwan ko agad, gutom pa'ko e.



***

Pagkatapos kung kumain, pumunta ulit kami sa office room ni lola Mich.

"So... Rita, kaya kita pina-punta rito dahil dito" sabi nya sabay abot ng envelope.

May naka-sulat na wedding??

"Lola, ano to?"

"Ipinag-kasundo kita sa aking apo, actually kaming dalawa ng lolo mo ang nag-plano nito." Sambit nya, rude.

Huh???

"P-pero di po ako papayag!" Mahinang sabi ko.

"Apo, kailangan mong pumayag!" Aniya.

Biglang bumukas yung pinto. Tumambad samin ni lola na lalaki!

Naka-short lang sya walang damit pang itaas.

Walang abs??

Napanganga ako. Inferness ang hot ha!

Napa-balik ako sa wisyo nang tinawag ako ni lola.

"Po?"

"Sya pala si Ken... Ken Chan. Sya ang mapapangasawa mo." Etong si lola talaga ang rude.

Hindi parin ako papayag. Kahit ganyan katawan nya noh! Ano ako easy to get!

"Tss." Walang emosyong sabi ni Ken kuno.

Kinalampag nya ang pinto pasara.

"Halaa!" Nasabi ko.

"Pasensyahan mona, na-istorbo siguro. Ayaw kasi non gini-gising kapag tulog."

"Ah eh, okay lang po hehe." Sabi ko "pero lola Mich, ayaw ko parin pong pumayag" matigas ko paring sabi.

"Baka sakaling pumayag ka kung mababasa mo ang liham na pina-bibigay sayo ng lolo mo" sabi nya at may dinukot sa aparador.

Binagay nya iyon sa akin.
"Basahin mo ang liham ng iyong lolo sayo" aniya.

Binuklat ko yun.

Dear Rita,

Ngayon na nababasa mo na ito siguro ay patay na ako. Pero tandaan mong lahat ng ginawa ko para sayo. Mahal na mahal kita. And pumayag ka nang pakasalan si Ken, ang apo ng aking kaibigan. Mare-realize mo rin kung bakit kita kinukulit na mag-pakasal kay Ken, apo. Muli mong balikan ang nakaraan. Mahal kita <3

-Your lolo.

Dahil sa liham na yon napa-luha na naman ako, miss na miss kona si lolo. Parang gusto ko nang sumunod sa kanya, mame-meet ko na rin yung tatay ko. char.

Ayaw ko parin, pero para kay lolo gagawin ko.

"Ano apo?"

"P-payag napo ako para kay l-lolo." Mahinang sabi ko.

"Good. Payag din naman ang aking apo dito." Naka-ngiti nang sabi nya.




--------------------------------------
Yan na muna, ambilis pumayag HAHAHA.

Hope you like it!
Good morning y'll<3

Your PromiseWhere stories live. Discover now