Sa kandungan Mo Ina
Siyam na buwan
Ako ay iyong inalagaan
Sa iyong sinapupunan
Hindi mo ako pinabayaanSa kandungan mo ina
Ako ay nasanay na
Sa iyong mga yakap at halik
Ako ay parating nasasabikKayo ang naging dahilan
Kaya ang magandang mundo ay aking nasilayan
Ako ay inyong ginagabayan
Kapag kayo ay aking kailanganSa tuwing ako ay nasusugatan
Ako ay ginagamot niyo ng agaran
At sa tuwing umiiyak ako
Mga yakap mo lang ang nagpapatigil sa mga luha koHindi ko makakalimutan
Nung minsan ako ay nasugatan
Kaunti na lang ang kulang
Upang ang isang daliri ko ay maputol na ng tuluyanAng sugat na aking natamo
Ay dahil sa aming laro
Kape lang ang katapat
Kaya ako ay tumigil na sa pag-iyakMga masasayang alaala na kasama ka ina
Hindi ko yun makakalimutan basta-basta
Maraming salamat sa iyo
Lalo na sa pagmamahal na ipinaramdam ninyo😘Hannah😘
01/13/2021