Irritated

98 13 2
                                    

Rein's POV

'Ugh! Bwiset na lalaking yun! Asarin ba naman ako dahil sa height ko? Hindi ko naman kasalanan na pandak ako ah'

"Hoy! Ano ba kasing nangyari at parang inis na inis ka dun sa lalaking yun?"tanong ng kaibigan kong si Angela. Wala akong nagawa kung hindi ang ikuwento sa kaniya lahat.

By the way ako nga pala si Rein Bueno, 17 yrs old.

Flashback

Naglalakad-lakad ako dito sa Xavier University dahil hinahanap ko yung bugok kong pinsan na si Francis.

Habang naglalakad ako, hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. Napahilot ako sa ilong ko dahil ang tigas yung tumama sa ilong ko.

"Aray naman"saad ko. Hihingi na sana ako ng tawad kaso narinig ko yung height.

"Sorry, It's just your height so I didn't notice you"boses lalaki.

'Tang-ina! Bwiset'tong lalaking 'to ah'

Tuminngala ako sa kaniya dahil matangkad siya. Not gonna lie, gwapo siya at maganda pangangatawan. Idagdag na din natin yung perfect jawline niya, makakapal na pilik-mata at kilay, mapupulang labi at magaganda niyang mga maya na kulay itim. Ganda din ng pormahan, halatang mayaman. Tas yung buhok niya medyo magulo.

'Gwapona sana kaso ang pangit ng ugali'

"Anong sabi mo? Hindi porket maliit ako, pwede mo na akong asarin"saad ko sa kaniya pero ang gago tiningnan lang ako na parang sobrang liit ko sa mga mata niya. Nagkasalubong ang aming mga mata.

"Bwiset amputcha! Gwapo ka na sana ang kaso ang pangit ng ugali mo" sambit ko sa kaniya pero amputa lang eh...ngumisi lang ang gago.

"So? I'm handsome?"tanong niya sa akin.

'Anak ng palaka'

"Tanga ka ba? Hindi ka gwapo, gago ka. Naiintindihan mo? GA-GO KA!" pagalit kong sabi sa kaniya bago ako naglakad palayo sa bwiset na lalaking iyon.

End of flashback

"Hahahahaha! Tang-ina! Hahahaha" tawang-tawa na sabi ni Kim kaya pari si Francis na pinsan kong ugok napatawa.

'Putcha! Anong nakakatawa dun?'

"Hoy! Anong nakakatawa dun hah?" naiinis kong tanong sa kanila.

"Hahaha! Paano naman kasi...hindi naman siya nagsisinungaling" natatawang sambit ni Angela.

"Puta! San ba kayo kampi hah?" tanong ko sa kanila.

"Ehem! Maliit ka naman talaga, Rein! Pfft!"saad ni Francis.

"Isa ka 'ring tang tang-ina ka"sabi ko sa kaniya bago ako tumayo at umalis.

"HOY! NAGBIBIRO LANG KAMI"sigaw nilang dalawa pero hindi ko sila pinakinggan. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa garden. Umupo ako sa isang bench na nasa silong ng  puno. Tumingala ako at pumikit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Inside of her dream

Nakahiga ako sa isang kama at hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.

"No! Please, stop! I'm begging"Rinig kong sabi ng isang lalaki. Tatayo na sana ako ngunit hindi ako makatayo. Ini-angat ko ang aking mga kamay ngunit laming gulat ko na kamay ng bata ang aking mga kamay.

"At bakit naman kami titigil?"tanong ng isang lalaki.

"P-please! W-wag niyong sasaktan ang kapatid ko. A-ano nalang ang saktan niyo"saad ng isang batang lalaki. Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita ko ang isang lalaki na bitbit ako.

The Long Lost Vampire Princess✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt