#TPISILKabanata3

1.1K 15 0
                                    

KATE

Bitter mode on ulit.

Kitang-kita ko ang sweetness sa pagitan ng bestfriend ko at sa lalaking mahal ko.

"Ito pa wifey ko." sabi ni Billy sabay kiss kay Louise.

"Ito rin ang para sa 'yo." tugon naman ng bestfriend ko sabay kiss sa lalaking mahal ko.

Sa harap ko pa talaga. Pero sana all. Pwedeng halikan ang lalaking gusto niya.

Parang gusto ko tuloy mang-agaw ng boyfriend.

Pero syempre joke lang yun.

Pero teka lang, nasaan na nga ba si James? Akala ko ba ay tutulungan niya akong mag-move on.

It's been a week nang maging official ang fake relationship naming dalawa. Pero wala man lang siya ginagawa? Ano bang silbi nito kung hindi naman siya nakiki-cooperate? Tapos hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang panghahalik niya sa 'kin. May pa-sealed pa siyang nalalaman.

Hay! Tanga na nga ako sa pag-ibig tapos nagpatanga rin ako kay James. Nakakainis!

"I need to go hubby ko. Kailangan kong puntahan si Papa. Nag-promise ako sa kanya na sasamahan ko siyang mag-lunch." sabi ni Louise kay Billy.

"Okay wifey ko." - Billy

At nagpaalam na sa amin si Louise hanggang sa kaming dalawa na lang ng mahal ko ang nandito. Wala rito ang iba pa naming friends. Si Twinsis, kasama si Fredison. Si James, ewan ko. Si Aldren, busy sa cooking class niya. Si Princess, ewan ko rin.

Feeling ko ang awkward ng atmosphere lalo na't alam na niyang mahal ko siya.

"Kumusta na ang puso mo ngayon Kate? Ako pa rin ba ang laman?" tanong niya sa 'kin.

Napapikit naman ako dahil dun. Ayokong ipahalata sa kanyang nasasaktan pa rin ako. "Okay naman. Pero hindi pa ako fully na nakaka-move on sa 'yo." sagot ko sa kanya.

"I'm really sorry kung nasaktan kita. You're a nice person Kate. I'm sure na may darating din para sa 'yo. Kung ikaw lang ang una kong nakilala ay baka ikaw na ang minahal ko. Pero siya talaga ang mahal ko, Kate." - Billy

"I know. Pero wag kang mag-alala. Makaka-move on din ako sa'yo balang araw."

Billy hugged me. "I'm sorry Kate." sabi niya and he kissed my forehead.

Ngayon, paano ako makaka-move on sa kanya kung ganito siya ka-sweet sa mga kaibigan niya?

📌

(Now Playing: Bom by BOL4)

Nakakainis din talaga si Kupido. Pinana niya ako pero sa maling tao pa ako nahulog.

Sana pinana niya rin si Billy para mahalin din niya ako. Pero wala eh. Pinana niya ang mahal ko para ma-in love sa iba.

Habang naglalakad ako sa corridor ay nakita ko si James.

Hindi siya nag-iisa dahil may kasama siyang ibang babae. Grabe rin makahawak ang babae kay James. Mga galawang ahas. Tapos ito namang lalaking 'to ay hinayaan niya lang na hawak-hawakan siya ng babaeng yun. Well what do you expect from a playboy.

Nakaramdam naman ako ng inis dahil dun.

Agad ko silang nilapitan at nilayo ko si James mula sa pagkakawak ng babae sa kanya.

"Kate?" gulat niyang sabi. Hindi niya siguro ineexpect na makikita ko siya.

"Baby, kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" sabi ko na mas ikinagulat pa niya.

"James, who's she. New fling mo ba?" tanong ng babae kay James.

"Nope, I'm his girlfriend." Ako na ang sumagot at tinarayan ko siya.

"Imposible. It's that true James?" sabi ng babae at halatang masama ang tingin niya sa 'kin.

"She's right Justine, girlfriend ko talaga siya. Hindi siya basta-basta fling lang." sagot niya.

Buti naman at sumakay siya. Ngiting tagumpay naman ako.

"Well, I didn't expect that. By the way, tomorrow na magsisimula ang photoshoot so be ready and..." Tumingin naman sa 'kin yung babae. "...don't bring anyone. It's a private photoshoot." dagdag pa niya.

"Okay." tugon lang ni James.

Nang makaalis na ang babae ay agad naman akong bumitaw sa kanya.

"What are you doing?" tanong niya sa 'kin.

"Nakakainis ka!" ang naging tugon ko.

"Ha? What did I do wrong?" nagtatakang sabi niya.

"I thought you will helping me to move on with him. Pero anong ginagawa mo? You are just flirting with other woman. Mas lalo lang akong na-fa-fall sa kanya." I said to him.

"I'm sorry Kate. Nagiging busy lang ako these past few days dahil sa mga photoshoots." dahilan niya.

"Kung ganun. Let's stop this fake relationship. Mukhang wala namang hahantungan 'to." sabi ko sa kanya.

"NO!" bigla siyang napasigaw.

"Bakit hindi? Give me a valid reason kung bakit kailangan natin 'tong ituloy?"

"Kate, I know you need me." - James

"Ha? How come na kailangan kita kung ikaw naman ang nagsimula nito in the first place."

"Kung gusto mo talagang maka-move on sa kanya, I am just here to help you." - James

"Pero lagi ka namang wa..."

Pinigilan niya ako sa pagsasalita.

"Sshhh! Relax Kate. You don't have to worry about that because simula ngayon ay gagawin na talaga natin yung deal. I promise. At saka hindi ka na pwedeng mag-back out since we already sealed the deal." - James

Yeah, that kiss.

"Siguraduhin mo lang talagang tutupad ka sa pangako mo." seryosong sabi ko sa kanya.

"Of course... baby." tugon niya na may ngiting asar.

Ako naman ay namula dahil dun.

Bakit ko pa kasi tinawag siyang 'baby' kanina? Nakakainis kasi yung babae kanina. Ang sarap niyang sampalin nang magkabilaan.

Pero teka, bakit ba ako nagkakaganito? Pakialam ko ba kung may kasama siyang iba.

Bahala siya kung makipaglandian siya sa iba as long as tumutupad siya sa usapan.

📌

A/N: Reminder, this is only a short story. Mga less than ten chapters lang 'to.

The Playboy Is Secretly In LoveWhere stories live. Discover now