Chapter 5

21 2 0
                                    

Chapter 5
___________

Pupungas pungas akong naligo dahil para sa akin ay kulang pa ang aking naitulog dahil maaga pa akong kinatok ni Tita para pag-ayusin dahil nga dadaanan daw kami nina Reiajn at mga ksamahan nito pra umakyat ng bundok.

Anong oras na din ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang pag-iisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ni Reijan sa text niya at kung ano ang ssabihin niya mamaya. 

Ilang minuto din akong nanatili sa loon ng paliguan dahil sa nalnod na naman ako sa isiping kung ano ang mangyayari mamaya. Kinakaban ako na hindi mawari sa isiping makikita at makakasama ko na naman siya mamaya at siguradong kakausapin niya ako dahil nga base sa tinext niya ay may sasabihin siya.

Pagtapos ng ilang minuto ay natapos na din ako sa pagligo at agad na ngbihis. Nagsuot lamang ko ng Denim Shorts na hindi naman ganun ka ikli, sakto lang ang haba para sa akin at saka Puting malaking Plain T-shirt. Iniipit ako ang nasa may gitnang bahaging laylayan ng T-shit ko sa Short ko at saka kumuha ng Jacket at itinali ito sa may beywang ko.

Sinuot ko na ang Saapatos ko na tamang tama para sa batuhan at putikan at panghuling sinuot ay ang sumbrero ko na kulay itim para hindi ako masyadong mainitan at maila mamaya habang paakyat. Hindi na ako nag-make up o naglagay man ng kahit kaunting kulorite sa mukha ddahil di na naman talaga ako mahilig doon, naglagay lang ako ng kaunting pabango dahil alam kung mag-aamoy araw naman kami mamaya. Cellphone at earphone ko lng ang dinala ko dahil di naman kami dun tatagal ng isang araw panigurado dahil medyo may kalapitan lang naman ang bundok sa amin ang aakyatin namin.

Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos at naabutan ko silang lahat doon. OO LAHAT!!! Kasama sina Reijan at mga kasamahan niya na may isa pa akong hindi agad nakilla,lima na sila, anun nadin sina Tita Elsie at Tito Ed- kaming tatlo lang ang sasama dahil may ibang lakad din sina Kuya at Tito Eddy.

Hindi pa nila ako napapansin at mga busy pa kakakwentohan kaya tumikhim ako para ipaalam ang presensiya ko. Agad naman silang tumingib sa kung nasan man ako ngayon. Napanguso ako sa pagkapapahiya. Natawa naman ang iba sa habang ako ay natuon ang tingin kay Reijan na nakatitig na din sakin.

"Hi Ellie," bati ng mga kasamahan ni Reijan kaya tumango naman ako habang nakangiti.

"Ellie si Tata nga pala isa din naming Pinsan," pagpapakilala ni Gedion nsa isa pa nilang kasamahan na hindi ko matukoy kung babae o lalaki kaya nginitian ko nalang din ito.

"Oh siya tara na dahil andito naman na si Ellie." Aya ni Tita sa lahat kaya nagtayuan naman ang ibang naka-upo at nagsipagpaalam kena Lolo at Lola.

Nagsimula na kaming maglakad lahat. Nang tignan ko ang bawat isa sa kanila ay mga simple lang din ang mga kasuotan nila na naayon para sa aming lakad. Nasa unahan sila habang ako ay nagpaiwan sa may likuran, nag-uusap sila at nagkakatawanan habang ako ay tahimik lang at nagtitingin sa dinadaanan namin.

"Uy Reijan, samahan mo naman dun si Ellie sa likuran," nanlaki ang mga mata ko at agad na kinabahan ng marinig ang sinabi ni Tita kay Reijan. Parang gusto kong kutusan si Tita dahil sa piang gagawa niya. Abnormal talaga.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang tmigil nga si Reijan at saka tumingin sa akin na animo'y hinihintay akong makalapit at pumantay sa kanya. Kaya medyo binilisan ko naman ang paglaad ko kahit na nangangatal ang mga tuhod ko.

Nang magpantay kami ay doon lamang siya nagpatuloy sa paglalakad, mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.. walang may naglalakas loob magsalita, marahlil ay hindi niya din alam ang sasabihin niya kagaya ko.

Para sa akin ay ayos lang na walang uasapan na mamagitan sa amin dahil di ko rin alam kung ano ang ikikilos lo at ang mahalaga sa akin ay nasa tabi ko lang siya at kasama kaya masaya na ako doon. Ang akala ko ay wala na nga talagang magsasalita sa pagitan namin hanggang sa makaakyat kami dahil malapit na kami sa bukana paakyat ng bundok.. pero nagkamali ako dahil bigla ko nalang marinig ang boses niya.

WYFWYLWhere stories live. Discover now