XXX

25 46 18
                                    

Paisley Haven's POV

Hindi mo sasabi kung kailan ka mamatay. Hindi mo rin masasabi kung hanggang kailan ka mabubuhay. May mga tao na sinasabing, mas madali ang buhay kapag wala na sila sa mundo. Hindi nila alam na mas mahirap kung aalis sila.

"Paisley, I swear I'll kill you after this! You bitch!" gigil na sigaw ni Harriet.

Tumawa ako. Itinukod ko ang kamao ko sa lupa saka tumayo. Pinulot ko ang baril kong nabitawan ko kanina.

"Gaga. Alam mo namang sabay-sabay tayong nagsuot ng bulletproof kanina!"

Nilingon ko ang katawan ng lalaking bumaril sa akin. Sa galit nni Harreit ay napatay niya 'to.

"Puntahan ko lang sila Madison!" ani ko.

Habang tumatakbo ako ay 'di ko maiwasan maisip ang nangyari kanina. Akala ko ay hahayaan niya lang ako mamatay doon kanina.

"Madison, do you here me?"  Inantay ko siyang sumagot habang inaayos ko ang suot kong coat. Pawisan na ako at nakakaramdam na rin nang gutom.

"Oo, boss! Anong nangyari?! Pucha, puntahan ba kita? 'Di ako makatakas dito sa babaeng 'to," reklamo niya.

"No, ayos lang ako. Walang tama o ano. Mag-iingat kayo."

"T-Teka boss. S-Si Reylan, wala na," humina ang boses niya.

"Ano?!" sigaw ko.

"Mamaya ko na paliwanag, boss. Papalapit na sila."

Kumuyom ang kamao ko. Wala akong balita sa kabilang grupo dahil grupo ni Harriet ang kasama ko. Wala na akong sinayang na oras. Agad akong tumakbo saka sinabit ang lubid sa isang puno at umakyat. Agad kong nakita ang isang lalaking palingon-lingon sa paligid.

Kinuha ko ang bag na iniwan ko noon sa taas ng puno. Nilabas ko ang pana saka siya inasinta. Maya-maya lang ay unti-unti na siyang bumagsak sa lupa. Ganun ang ginawa ko sa bawat kalaban na nakikita ko.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang sampung minuto na lang ang mayroon kami para magkita-kita. Maingat akong bumaba sa puno saka tumakbo sa direksyon kung saan ko pinarada ang motor ko. Muli kong tinignan daan kung saan ako galing. Paniguradong sa ibang daan ang tinahak ni Harriet. Pinaharurot ko ang motor ko papuntang boundery.

Marami na akong napatumba at alam kong ganun din sila. Pero sa totoo lang hindi ko inaasahan na ganun karami ang grupo nila. Sa tingin ko ay mas marami pa sila sa amin. At mukhang hindi pa yon ang pinaka myembro ng grupo nila. Wala pa ang lider nila.

Malayo pa lang ako sa boundery ngunit sa isang tingin ko lang, kanina pa sila nagsisimula. Halos hindi ko masikmura ang mga katawan na nadadaanan ko. Agad na nakuha nang pansin ko ang isang batang babae na nagtatago sa isang puno.

"Anong ginagawa ng bata rito?" bulong ko.

Sinigurado ko munang walang tao bago ako tumawid papunta sa kanya.

"Bakit ka nandito? Sinong kasama mo? Anong ginagawa mo rito?" sunod sunod na tanong ko.

Hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakatingin sa mata ko. Kumunot ang noo ko ng bigla siyang ngumiti.

"Bitch!" Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong sinunggaban. Natumba ako  sa sahig kasama siya at mas lalong nagpagulat sa akin ay ang pagsaksak niya sa tagiliran ko.

"Ah! Fuck!"

Walang habas ko siyang sinipa palayo sa akin. Napangiwi ako sa sakit habang hawak-hawak ang kutsilyo sa tagiliran ko. Muli siyang tumayo kaya naging alerto ako. Tinutok ko sa kanya ang baril ko dahilan nang pagkahinto niya.

Hevel (Season One)Where stories live. Discover now