Chapter 3:

3 3 0
                                    

°•Yvette's POV•°

Natapos ang araw na yon na kagaya ng normal na araw sa bahay.

Ngayon na ang araw ng galaan sa wakas. Di ko muna makikita pagmumukha ng nuno. Thank you thank you.

"Nak yung mga gamit mo ayos na?" Tanong ni mama sakin habang nakapamewang. Parang tututol pa ata sya.

"Opo ma, ok na lahat pero saglit tignan ko po muna ulit kwarto ko baka may naiwan pa ako", pagkasaad ko non umakyat uli ako sa kwarto kong napaka gulo.

Di na kase ako nakapaghanda ng mga dadalhin ko kahapon. Tinulungan ko muna si mama sa gawaing bahay nung mga nakaraang araw. Para naman lang bumawi sa pag payag nya.

Ayon nga yung hinahanap ko pala wala naman ng naiwan. Ako lang naman iniwan joke. Napagdesisyunan ko ng bumaba ng maayos ko na ang kwarto ko. Kinalkal ko kase bawat sulok kanina non.

"Tara na sabay ka na sakin pa labas", aya sakin ni Tito Michael sya na din nagdala ng ibang bagahe ko. Niyakap ko muna si mama at yung kapatid ko ng matapos kong gawin yon nginitian ko sila. Ngumiti din sakin yung kapatid ko.

"Ingat ka ate baka maging isda ka", pang aasar nya sakin aalis na lang akot lahat may pang aasar pa din. Sinimangutan ko lang sya pero binatukan sya ni mama.

Lumabas na ko ng bahay namin. Pag lingon ko sa labas ang layo na ni Tito.

"Titoooo!", sigaw ko habang tumatakbo lumingon naman sya sabay tawa. Sa kanya siguro nagmana yung kapatid ko.

"Ang tagal mo kase kaya nauna na ko, o sya tara na ayon na yung mga kaibigan mo oh", saad nya sabay turo sa mga kaibigan ko ng maabutan ko sya. Para akong hingal na aso. Ikaw na mag imagine. Wag kang tumawa baka akalain ng mama mo may jowa ka kahit wala.

Kumaway ako pabalik sa mga kaibigan ko. Pinakyuhan naman nila ako pabalik mga to walang sweetness sa katawan.

Lumapit na ako agad sa kanila nasa kabilang kanto lang pala sila nag aantay.

"Namiss ka namin", saad ni shokoy akmang lalapit sakin pero lumayo ako onti.

"Di ko kayo namiss", saad ko sa kanila napa weh na lang sila at sabay sabay nagtaas ng kilay.

"Akala ko ba namimiss mo na kami sabi mo pa nga kay tita", reklamo ni Natalie. Naka angat pa din kilay nila. Angry birds floating eyebrows tawag dyan.

"K fine namiss ko kayo", saad ko sabay yakap sa kanila niyakap naman nila ako pabalik.

"Ayan na pala si Marc", saad ni Andrei sabay lingon sa likod ko, Andrei sa umaga Andrea sa gabi.

"Hi", masiglang saad ng kapre sa likod ko chos.

"Zup", sabay sabay na saad ni Natalie,Shokoy,at Andrea. Ngiting ngiti sila. Montanga.

"Snobber ka nanaman feeling cute", pagpaparinig sakin ng kapre di naman ako natamaan sobra lang.

"Che!", asik ko sabay pasok sa bus. At ayon nga yung gamit ko na nakay Tito. Napatayo ako balak ko pa sanang kunin yung mga gamit ko. Kinuha na pala nya. Oo kilala nyo na.

"Oh ayan na señorita", magalang na saad nya kaso sarcastic, nilagay nya sa taas na lalagyan yung ibang gamit nya at gamit ko. Pagkatapos non umupo sya sa tabi ko.

Pustahan mang iinis lang to.

"Pupunta na tayong cebu kaya wag ka ng sumimangot dyan mukha kang malungkot na kabute", oh di ba galing nya mang comfort with pang aasar pa din.

Di ko na lang sya kinibo. Diamond kaya kapalit ng oras ko.

Maya maya pa ay pinaandar na ng driver yung bus. Medyo tanga kami sa part na bus ang kinuha namin. Eh lima lang naman kami.

Nagisip isip na lang ako habang tinitignan mga dinadaanan namin. Baka mamaya kase kidnapin kami ni kuya. Tapos sya pala pinaka boss ng mafia. Tama na nga masyado ng malawak imagination ko.

Minsan nagkakantahan sila sa loob habang ako ito tulala. Nagiisip ng gagaiwn ko don pag punta naming cebu. Nagbayad naman na sila ng entrance fee. Kaya dire diretso na ang punta namin sa loob ng resort.

Umidlip muna ako saglit habang nasa byahe.

Pag gising ko may jacket na naka lagay sakin. Tinanggal ko yung jacket tapos tinupi ko.

"Tol, Gate", saad ni Marc kaya tumingin kami sa tinuturo nya. Gate daw.

"Anong sinasabi mo?", takang tanong ko sa kanya napa face palm na lang sya.

"Toll Gate kase akin na mga ambag nyo paabot na lang natin kay kuya", saad ni Marc

"Ahh Toll, Gate", sabay sabay na sad naming apat sinamaan naman kami ng tingin ni Marc.

"Kaninong jacket to?", tanong ko sabay taas nung kulay blue na jacket na naka kumot sakin kanina.

"Akin yan", saad ni Marc habang kinukuha mga ambag namin sa toll, gate kuno. Inabot ko naman sa kanya yung jacket pagkabigay nya nung bayad kay kuyang driver.

"Sayo muna yan", saad nya at nilagay yung jacket sakin. Tumili yung mga bakla.

"Ases, dito pa talaga nagharutan, sakit nyo sa mata", reklamo ni shokoy tumango tango naman yung dalawa bilang pag agree nila sa leader nila.

"Edi tanggalin mo mata mo", pambabara ni Marc sa kanya sinimangutan na lang sya ng tatlo.

Nagtuloy tuloy ang asaran nila. Tawa din sila ng tawa minsan.

"Yvette, di ka pa ba magpapaligaw ulit?", tanong sakin ni Natalie. Nilingon ko naman sya. Binalik ko ulit ikot ng leeg ko sa may bintana.

"Hi ate", saad nung bata na kaharap ko sa binta biglang lumitaw mukha. Ang creepy.

"Ayy kabayo!", sigaw ko ng makita ko sya. Bumaba naman yung bata. Tawa ng tawa ang mga tropa kong parang di ko ata tropa.

"Yung tanong ko sagutin mo na", pagalit na saad ni Natalie pero tumatawa pa yan deep in side.

"Ayoko pa, alam mo naman yung nangyari dati di ba. Kaya pass kung meron mang mag susubok", sagot ko habang sa harap na nakatingin.

"Oy, Yvette, tingin ka ulit sa bintana dali, ganda nung tanawin", utos sakin ni Andrea kuno. Kinuha ko yung isang cup tas binato ko sa kanya. Pagkatapos non. Natulog na lang ulit ako.

Yung bata jusmeo. Gabi pa naman nakakawala ho ng buhay legit.

To be continued...





One Summer Night [Completed]Where stories live. Discover now