7

5 2 0
                                    

Ng may dumating namang taxi ay sumakay na kami kaagad. Nasa likod kaming dalawa at nasa unahan nilagay ni morana ang tiles.

"Sa Vladì Rieka ho" sambit naming dalawa at hindi na kami nagulat.

Napatingin sa amin ang driver at halatang nakakunot noong nakatingin sa amin.

"Kaano-ano niyo ho ang mga Charcè? Sa pagkakaalam ko ho ay pribadong lugar iyon at mga Charcè at kamag anak ang pwedeng pumasok roon e" napatingin si morana sa kanya at tumingin sa akin.

"Ah manong ako ho s-si Knite Charcè eto naman po ay g-- kababata ko ho" muntik nako ron ah.

Gulat na napatingin sa akin si manong driver at parang may inaalala habang ang tingin ay nasa akin pa rin.

"Ah! Pasenya na po, hindi ko nalaman medyo mahina po kasi ako sa mga mukha kaya di ko maalala po, pasensya ho talaga" medyo nainis naman ako sa pananalita niya. Sasabat na sana ako ng magsalita ang kasama ko.

"Pabayaan niyo na ho, wag na ho kayong magsorry dahil hindi naman ho iyong tinuring na kasalanan ni knite ho." Sambit niya at ngumiti. Napatingin naman sa kanya si manong at ngumiti na lang din.

Morana's POV

Ng matapos ang usapan ay napatingin muna ako kay knife bago tumingin sa bintana.

Ganyan talaga si knife. Kung sa unang kilala mo sa kanya ay parang isa lang syang estudyante. Na parang may normal na buhay, pero sa likod niya ay siya ang Bunso ng isang kilalang apilyedong Charcè, isa sa mga mayayamang tao sa lugar rito. Minsan lang siya nakikita sa mga events o kapag may celebration kaya hindi siya masyado kilala rito, palagi syang nakabuntot sa akin na inakala pa ng mga kapatid niya noon na may relasyon kami. Hindi siya kagaya ng mga kamag anak niya na ginagamit ang pangalan para makuha ang gusto,  ang mga kapatid naman niya, si King Vlad Charcè at ang isa pa nyang kapatid na si Khoze Heim Charcè at itong kaibigan kong si Knite Zios Charcè. Ang panghuli ay ang ama nyang masungit na halatang namana ni kuya king na si Reek Edlamor Charcè, kagaya lang rin siya kay kuya king pero mas suplado nga lang si kuya king kesa kay Reek, ayaw din nyang tinatawag syang lolo, daddy, father o ano mang endearment at reek lang daw pwede na.

Natigil ang pagiisip ko ng huminto ang taxi at napatingin naman ako sa labas ng narito na kami. Nagbayad at nagpasalamat naman kami bago bumaba.

Napatingin ako ke knife ng makita syang di mapakali, nagtaka naman ako.

"Oh bat parang butete ka kung makagalaw riyan tsharsey?" Pang aasar ko sakanya at inis niya naman akong tinignan. Pfft, naiinis kasi siya pag apilyedo niya ang tinatawag ko sa kanya.

"W-wala!..tayo na nga!" Inirapan pa niya ako bago siya unang pumasok sa malaking gate.

'Mapapagkamalan ko talaga itong lalakeng ito na bakla sa kakairap niya'

Napailing na lang ako sa naisip at sumunod na rin. Ng pinapasok kaming dalawa ng guard ay naglakad na naman kami. Unang bungad ng pagbukas ng gate ay isang hardin na puno ng bulaklak na kulay asul, merong pa straight line na halaman sa center at sa kaliwa kami dumaan.

"Ang laki laki rito sarap ipabagyo" sambit ko at mahinang natawa ang katabi ko. Napatingin ako sa kanya ng patago.

'Mukha syang baliw, nagsasalita ng mahina mag isa. Tsk tsk mental na to'

"Hoy anong pinagbubulong mo riyan?" Sabi ko at bahagya pa syang nagulat. Problema neto?

"Ah hehe w-wala, tayo na baka h-hinihintay na tayo ni kuya" at nauna na syang naglakad, sinundan ko na lang siya.

Knite's POV

Kinakabahan akong naglakad sa gate ni kuya at kumatok

Narinig kong bumukas ang pinto sa loob kaya medyo umatras ako sa gate.

Morana (ON_GOING)On viuen les histories. Descobreix ara