Chapter 06

6.6K 160 31
                                    

Chapter 06

"So... who's him?" tanong ni Kiro sa gitna ng paglalakad naming dalawa.

"Si Tyron, best friend ko." sagot ko na siyang tinanguan nya lang.

Nang marating namin ang building ko, huminto ako saglit para harapin siya. Sumulyap siya sa wristwatch niya.

"I'll wait you beside the gate 2, after class." saad niya, hindi pa rin inaalis ang mata sa relo.

Gate 2 ang pinakamalapit na meeting place namin. Kung sa Gate 1 kasi, malapit nga sa akin pero malayo naman sa kaniya.

"Anong oras tapos ng last class mo today?" tanong ko dahil baka ay mauna sila or baka naman ay mauna kami. Ayoko naman na maghintay sa labas at ayoko rin naman siyang pag hintayin.

Napalingon siya sa akin at mukhang ngayon lang rin niya na-realize na iba't-iba ang oras namin.

"Five in the afternoon, how about you?" There's hope in his voice.

"Same! Hintayin mo ako doon mamaya if ever na ikaw ang mauna." sabi ko habang dahan-dahang umaatras.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Yeah. Good luck. Take care." Aniya.

He started to walk away. Babalik yata siya sa bahay ng tita niya mamaya kaya sasabay siya sa akin pauwi.

Umayos ako ng tayo at tumalikod na para maglakad papasok ng gusali. Pero natigil at napaatras ako ng bahagya dahil sumalubong sa akin si Riva.

Binigyan niya agad ako ng mapang-asar na ngiti. "Boyfriend mo Vargas?"

"Huh? Hindi, 'no. Kaibigan ko lang 'yon." sagot ko.

"Weh? May pa 'wait after class' friend lang?" pang-aakusa niya.

Natawa ako.

"Bukod sa pagiging self-proclaimed judger mo chismosa ka rin ano?" sabi ko na ikinatawa lang niya. Mukhang natural na sa kanya 'yung nasasabihan ng mga ganitong salita dahil mukhang hindi siya na-offend.

Proud pa siyang tumango! Humawak ako sa braso niya para igilid siya. "Hindi ko nga boyfriend 'yon kaya tumabi ka." Hindi pa rin niya ako pinapadaan kahit na nag-iiba na ako ng direksyon.

She narrowed her eyes on my face, probably examining my reaction. "Sure ka?" She asked again.

"Oo nga! Palibhasa 'yong mga kaibigan mong lalaki hindi sweet sayo, e." madiing usal ko para isampal sa kanya ang katotohanan. Tumawa ako nang makitang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Ang sama-sama mo Vargas!" sigaw nya.

"At sa tingin mo ikaw hindi?!" Bulyaw ko pabalik. Tinawanan niya lang ako at mabilis na yumapos sa braso ko habang nilalakad na ang hagdan kasama ko, may kaduda-dudang ngiti.

"So friends kayo ng lalaking iyon?" Tumango ako dahil alam ko naman na si Kiro ang tinutukoy niya. "Tutal naman friends kayo ni Celeres, pakilala mo ako." She giggled.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ako kailanman nagkamali. Sinabi ko na nga ba at may ibang meaning ang ngiti niya.

I blew out an air before answering her. Ito na naman tayo, e. Ako ang ginagawa nilang tulay sa pakikipaglandian nila!

"Sige,"

Pumayag pa rin naman ako sa huli. Napatili agad siya sa kilig.

Umayos siya para ikalma ang sarili.

"Kaso mukhang may babaeng type na 'yon! Gabi-gabi kong nakikita 'yong mga tweets niya! Mukhang broken na hindi mo maintindihan!" She moved her lips forward.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Where stories live. Discover now