Chapter 34

5.9K 99 2
                                    


Nakatitig lamang sa akin si Samuel noong hinatid namin sila sa Airport, hindi rin kami nag-usap nang makauwi kami sa tinutuluyan namin. 


Nakabalik na kami sa hotel, inaayos namin ni Yusra ang mga gamit namin upang magtungo sa hotel na pagtitirhan namin pansamantala. Ang hospital na ang bahala sa gastos doon kaya wala kaming problema.


"Ang tahimik!" Sigaw ko nasa sala na kami at handa nang lumabas para makarating na sa pupuntaha namin.


"Kaya nga e." Dagdag nito. "Halika na para makapagpahinga na tayo. Tomorrow is another day." Ginaya niya pa ang batang nasa commercial.


"Yes, ma'am." Sumaludo ako sa kaniya saka hinila ang bagahe naming dalawa.


Kailangan niya pa kasi icheck ang lahat bago kami umalis, mahirap na baka may nasira kami roon tapos masisi pa sa mga trabahador e di kaltas sa sweldo nila 'yon. Mas okay ng bayaran namin at least nakatulong pa kami.


Nauna akong nagising kay Yusra, kaya naligo muna ako bago bumaba upang magluto.


Nagpi-prito ako ng itlog nang biglang pumasok si Yusra.


"Good morning, kumusta tulog mo?" Bati ko rito. Kinuha ko mula sa kawali ang itlog saka nilapag iyon sa plato.


"Ayos lang namiss ko lang ang anak ko." Sagot niya.


"Ako rin." Sagot ko. 


"Namiss mo rin anak mo?" Natatawang ani niya.


"Oo si Nico." Wala sa sariling sgaot ko. "Baby ko'yon eh."


"Ay!" Tili niya dahil sa sinabi ko.


Natapos ko na ang niluluto ko kaya kumain na kami. Good thing nakaligo na siya kaya pwede na kaming umalis.


Nakarating kami rito sa hospital, hindi gano'n katagal ang byahe since malapit lang ito sa tinitirhan namin. Kasama namin ang ilang naatasan din.


"Fighting!" Sigaw ko saka nag umpisang magtrabaho.


Sunod sunod ang pasyenteng nagsidatingan. May mga na food poison daw kasi mula sa karenderyang kinakain nila. Kaya halos tagaktak na ang pawis ko nang matapos namin silang bigyan ng lunas sa nararamdaman nila. Under monitoring pa rin ang ibang sobrang malala talaga ang epekto samantalang ang ibang gumaling ay binigyan na nang permisyong umuwi.


Pagod akong napasandal sa table ko, nanginginig ang buong katawan ko dahil sa gutom. Hindi ako nakakain kanina dahil maraming pasyente ang dumating kailangan mag double kayod upang magamot ka agad sila.


Isipin niyo, sobrang hirap ng ginagawa ng mga taong nasa medical field exposed sila sa mga iba't ibang uri ng sakit, tapos sobrang baba ng kinikita nila. Hindi makatarungan 'di ba? Pati ang  pagkain nalilimutan nila. Hindi ko sinasabing para kaming nagrereklamo pero parang gano'n na nga. Kidding aside we should consider also the effort of those people who worked hard para mapagaling tayo, mano manlang bigyan sila nang mataas na sweldo para masuklian ang hirap na ginagawa nila. Kaya maraming nurses or doctor na nag a-abroad mas malaki ang kinikita nila roon.

Affection's TourneyWhere stories live. Discover now