Prologue

3 0 0
                                    


Prologue

Excited kong nilabas mula sa supot ang mga pinamili ko sa tiange na lip tint, make-up at eyeliner para ipakita kay Martha. Pera ko sa unang sahod ang ginamit ko sa pagbili kaya labis ang tuwang nararamdaman ko.

"Hay naku, pinayagan ka naman ba ni Ruenzo?" Nakahalukipkip na tanong niya habang pinasasadahan ng tingin ang mga pinamili ko.

I rolled my eyes at her and continued trying the make-up's I bought.

"Porque boyfriend ko siya, e may karapatan na siyang pagbawalan ako sa mga kasiyahan ng pambabae. Besides, I used my own money to buy this. At bakit naman siya magagalit e hindi naman ako kekerengkeng dyan sa kanto," Aniya ko at umiling-iling.

Bumuntong-hininga siya at naupo sa kama dahilan ng paglubog nito. Kinuha niya ang liptint at sinubukan sa labi.

"Eh, alam mo naman kung gaano ka seloso 'yang boyfriend mo hindi ba?" Taas kilay na aniya at lumingon sa salamin.

"Ah basta, karapatan ko parin magpaganda. Ni hindi nga ako pinagbabawalan ni mama e, siya pa kaya. Though as a girlfriend of him, I respect his thought why he doesn't want me wearing make up." I said.

"Respect e bumili ka naman ng pagkarami-rami, may hindi ka pa naubos na foundation sa ibabaw ng drawer mo," Parang nanay na sermon niya.

"My god Martha, that's only foundation! To cover up my oily face whenever my face produce oil!" I exclaimed. Umiling-iling siya.

"Nako, 'pag kayo nag away nanaman dahil jan, h'wag mo akong icha-chat sa messenger ha," Aniya.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang sariling mukha sa salamin. Tumango-tango ako sa sinabi niya.

"Hindi talaga, kasi hindi ko na ibababa pride ko. Kailangan ko din magpaganda no, hindi para sa mga lalaki, self-love lang." Pagtukoy ko.

"Self-love, self love ka pang nalalaman jan, palusot mo lang naman 'yan." She said mockingly.

Matatanggal na yata ang mata ko sa lalagyanan niya kaka irap. Sumasakit ang bungo ko sa babaeng 'to.

"Kaibigan ba talaga kita Martha?" Pabiro na may halong seryosong tanong ko. Nalaglag ang panga niya at mahinang sinapok ang ulo ko.

"Aba s'yempre naman!"

"So dapat, naiintindihan mo 'yung nais kong ipahiwatig kasi pareho tayong babae." Kalmadong aniya ko.

"Naiintindihan ko naman, ang inaalala ko lang ay baka mag away nanaman kayo ni Ruenzo tas iiyak iyak ka nanaman mamaya!"

"Hindi na, ako ang bahala." I assured her.

Kinagabihan ay tinawag kami sa dining para kumain ng hapunan. Akala ko, pangkaraniwang hapunan lang iyon ngunit hindi. Auntie Dorothy just arrived from Manila together with Giovanni, my younger brother.

"Auntie!" I called her.

"Khrystell hija, kamusta ka na, ang laki laki mo na, dalagang dalaga ka na!" Malambing na aniya at marahan akong niyakap.

Auntie Dorothy is the most sweetest in the siblings. The oldest and modest. According to mama, he is Lolo's favorite daughter among them because she's so tough and stoic when it comes to business. She is wise that's why she easily earned money to help lolo provide for their family's good.

Tumutulong din naman si mama at ang mga kapatid niyang lalaki ngunit mas malaki parin ang naging parte ni Auntie. Sa sobrang pagpapahalaga niya ng pamilya nila'y nakalimutan niya ng mag hanap ng asawa.

"Heto po, tumutulong kay mama." Aniya ko at ngumiti. She smiled back.

"Kamusta naman kayo dito Kallista?" Tanong niya ibinaling ang tingin kay mama.

Life Of CinderellaWhere stories live. Discover now