Chapter 1

1 0 0
                                    

"Tasia gumising ka na." narinig kong sabi ni Callix.

Unti-unting nagmulat ang mga mata ko at nakita ko ang nakakabwisit na mukha ni Callix. Tss, pogi sana e bully naman.

"Ano ba! Inaantok pa ko e!" sigaw ko sa kanya

"Hoy Tasia! Baka nakakalimutan mong may lakad tayo ngayon no. Anong oras na! Ang usapan natin 8:00am. alas nuebe na hoy! bumangon ka na jan dahil isang oras na akong naghihintay."

Tss. Kahit kelan talaga napaka-ingay nya. Balak naming pumunta sa mall ngayon dahil mamimili kami ng mga gamit na gagamitin namin sa school. Bumangon na agad ako at tinalikuran sya. NAghanap na ko ng damit na isusuot ko at naligo na.

Pagkalabas ko ng cr Nakita kong naglalaro ng ml sa veranda si Callix.

"Hoy attack na! ano ba yan! wala na talo na naman!" sigaw na Callix.

"Hoy cancer ano ba! napaka-ingay mo naman e! dun ka na nga lang sa baba! magbibihis ako. hintayin mo nalang ako dun." sabi ko sa kanya. padabog syang tumayo sa inuupuan at sinamaan pa ako ng tingin bago sya lumabas. Sinamaan ko din sya ng tingin at mukhang natakot naman sya kaya nag"peace" sign sya.

tss, takot pala e. Pagkatapos ko nagbihis kinuha ko ang wallet ko at ang phone ko na nakacharge. Hindi ako nagdadala ng bag kapag mamimili kami ni Callix dahil ayoko ng masyadong madaming bitbit. May dala namang bag si Callix kaya ilalagay ko nalang sa bag nya.

"Hoy tara na bilisan mo" pagtataray ko kay Callix

"Aba'y ikaw pa ang ganyan madame e ako itong kanina pa naghihintay sayo." sabi nya. Tumayo agad sya sa inuupuan nya at pinatay ang tv bago sya sumunod sakin sa labas.

"Aling Cedes aalis po muna kami ni Calllix. Mamimili lang po ng mga gamit sa school" pagpapaalam ko kay aling cedes. Sya ang nag-alaga sakin simula bata ako. Sobrang close kami ni manang kaya pamilya na din ang turing ko sa kanya.

"Aba'y Mabuti pa nga Tasia at kanina pa naghihintay iyang si Callix. Sabi ko sa kanya'y hintayin ka nalang magising dahil baka kung ano ang magawa mo jan kapag ginising ka nya. Hindi ko na lamang alam kung ginising ka ba nyan o kusa kang nagising." mahabang sabi ni manang

"Manang nako isang oras na po akong naghihintay. alam nyo po yan. Umakyat na po ako sa kwarto nya at ginising sya. Sa sobrang sama nga po ng tingin nya parang binubugbog nya na ko sa isip nya." sabi ni Callix pagkalabas nya.

"Buti nga sa isip ko lang kita binugbog e. Kawawa ka kapag ginawa ko talaga sayo." sabi ko sa kanya ng may masama na tingin. Sumakay na agad ako sa driver's seat. Kotse ko ang ginamit ko. May dala namang sasakyan si Callix. Bahala sya dun mag-isa. Ayokong sumabay sa kanya.

"Hoy Tasia! Bakit jan ka? Dun ka na sa sasakyan ko!" sigaw nya habang kumakatok sa bintana ng sasakyan ko. "Hoy ano ba! Buksan mo nga to!"

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya "Sumakay ka mag-isa sa kotse mong bulok. Ayokong sumabay sayo badtrip ka. Masyadong masarap ang tulog ko para sumabay sayo Doramon." pang-aasar ko sa kanya. Nakita kong biglang sumama ang tingin nya. Kunot na kunot ang noo.

Ganyan nga Callix. Maasar ka lang HAHAHAHAH!

"Hoy babae hindi bulok ang sasakyan ko at mas lalong hindi ako si doramon!" sigaw nya na sobrang lakas ay nalayo ko pa ang telepono ko sa tenga ko.

"Lumayas ka na jan at aalis na ko. Sumunod ka nalang kung kaya mo kong habulin" pagyayabang ko sa kanya. Pinaharurot ko bigla ang sasakyan ko. Tumingin ako sa salamin si Callix na mabilisang sumakay sa sasakyan nya at pinaharurot ito.

Habang nagb'byahe hindi ko na Makita sa likod ko si Callix kaya tinawagan ko sya. "Oh ano na? Nasaan ka na?" pang-aasar ko sa kanya.

"Tss ode ikaw na magaling. Pasalamat ka kaibigan kita Tasia kung hindi, hindi talaga kita pagbibigyan" sabi nya. Naasar na ngang talaga.

"woookeeeeyyy. Bilisan mo nalang. Kita nalang tayo sa parking lot sa mall." pinatay ko agad ang tawag at mabilisang nagdrive papunta sa mall. Pagkarating sa mall nagpark na agad ako sa parking lot. Saktong pagkababa ko ay dumating si Callix. Hinintay ko syang makababa at nang makababa na sya ay nagpaumuna na akong maglakas papasok sa mall.

"Bakit ba nagmamadali ka?" pagrereklamo ni Callix

"Bakit ba nagrereklamo ka?" sabi ko sa kanya. Balak ko kasing pumunta kay mommy mamaya. Kaya nagmamadali ako. Hindi ko pa nasasabi kay Callix na pupunta ako dun. Wala akong balak sabihin sa kanya yun dahil hindi naman sya nagtatanong. "Bilisan mo nalang maglakad dahil nauubos na pasensya ko" pagtataray ko sa kanya

"Tara" sabi ni Callix at bigla nyang hinablot ang kamay ko at hinila ako papasok sa isang restaurant. "Kumain ka na muna. Alam kong gutom ka. Masyado ka nang masungit e, hindi ka pa naman kumain kanina bago tayo umalis."

Pinaupo ako ni Callix at nag-order na sya ng pagkain. Sinabi ko sa kanyang bilisan nya dahil gutom na ko. Pagkabalik ni Callix ay bitbit nya na ang pagkain. Isang meal lang ang in-order nya. Tinanong ko sya kung bakit di sya nag-order ng sa kanya, sabi nya ay kumain na daw sya kanina pa.

Pagkatapos kong kumain ay niyaya ko na agad si Callix na mamili ng mga gamit. Pagkarating namin sa isang shop ay kumuha agad ng basket si Callix para paglagyan ng mga gamit na bibilhin namin. "Tara dun. Kailangan ko ng mga ballpen" yaya ko sa kanya

Pagkatapos naming mamili ng ballpen ay namili na kami ng iba pa naming mga kailangan. Dahil lunch time na ay kumain muna kami ni Callix bago kami umuwi. Magyayaya pa sana syang manood ng cine pero tumanggi ako. Sabi ko sa kanya ay may pupuntahan ako.

"Saan ka naman pupunta?" nagtatakang tanong ni Callix.

"Sumunod ka kung gusto mong malaman" sabi ko

"Wag ka kasing mabilis magdrive para masundan kita" pagrereklamo nya

"Iwan mo nalang kotse mo jan, sumabay ka na sakin. Balikan nalang natin mamaya yang sasakyan mo" sabi ko sa kanya at nagmadaling ipasok ang mga pinamili ko sa sasakyan at nagmadaling sumakay sa drivers seat. Pagkapasok ko sa sasakyan ay pumasok na din si Callix sa passenger's seat.

"San ba tayo pupunta? Malayo ba?" nagseatbelt sya at umayos ng upo. Humarap sya sakin habang ini-start ko ang sasakyan. Hindi ako nagsalita hanggang sa nagsalita ulit sya.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" naiinis na talagang tanong nya

"basta. wag ka nang tanong ng tanong at baka pababain kita dito. Medyo malayo ang pupuntahan natin kaya matulog ka na muna kung gusto mo" sabi ko kay Callix. Natulog nga sya. Himbing na himbing sya sa pagtulog.

"Callix gising na." tinapik tapik ko na sya hindi pa din sya nagigising kaya binatukan ko sya.

"Aray! Ano ba! pwede naming gisingin ng maayos e!" sigaw nya

"Hoy kanina pa kita ginigising hindi ka man magising!" sigaw ko din sa kanya at sinamaan sya ng tingin. "Bumaba ka na jan at nandito na tayo"

"San ba to?" Lumingon sya sa labas. "What the-" Gulat na gulat sya. Kala mo naman ngayon lang nakapunta dito. Tss.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

:))

Thank youuu! See you sa next chapter!

Love you all! God bless!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Heart Full of LoveWhere stories live. Discover now