TWITP - 20

446 25 44
                                    

— TYPOS AHEAD!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

— TYPOS AHEAD!


"Sorry! Hindi ko na uulitin! Sa susunod isasama na kita! Azzy!!! Waahh!"

Wala nang pakealaman kung tumulo na luha ko sa damit niya, isama mo na ang sipon, kulangot at laway. Kahit pa maging basahan na ang polo niya. Basta iiyak ako!

Kung ano-ano na ang sinasabi ko na kahit ako hindi ko na maintindihan kasi humahalo sa pag-iyak ko.

Mukha namang naging tuod si Azriel. Ramdam kong nanigas siya at mukhang nagulat.

"Ah.... Hindi.... Hindi...ako makahinga...!"

Ay shocks! Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Naghihingalo niyang hinawakan ang leeg niya at hinahabol ang hininga. Napakamot naman ako sa ulo. Muntik ko na siyang mapatay!

"Azzy..."

Nag-pout ako at puppy eyes baka sakaling umepek sa kanya ang kagandahan ko. Kaso blangko niya lang akong tinignan nang makabawi na siya.

"Ang bigat mo." Gumalaw siya dahilan ng pagkalaglag ko sa sahig. Lumikha ito ng malakas na tunog na ikinaaray ko.

"Aray! Hoy! Bakit mo ko nilaglag!" Asik ko ng makabawi sa sakit at sinamaan siya ng tingin.

"Akala mo ba magaan ka para umupo sa hita ko?!"

"Hindi ko naman alam na nakaupo na ako sa'yo! At hindi naman ako ganoon kabigat!"

"Anong hindi? Pansinin mo ang mga kinakain mo. Parang panglabing-limang tao sa rami! Magsimula ka nang magbawas ng kinakain magiging katulad mo na ang anak ni Duke Fantalon sa taba!"

"Bawiin mo ang mga sinabi mo! Hindi ako mataba!"

"Ayoko! Mataba ka! Ang bigat mo! Kasing bigat mo na ang dalawang sako ng bigas!"

Natigilan kami pareho ng ilang segundo at nagkatitigan. Kasunod nito ay walang humpay na tawanan. Shuta ka, Azriel! Matapos ko mag-sorry at umiyak lalaitin mo ko ng ganito?!

"Hahahahaha!" Tawanan namin.

"Iiyak iyak ka pa diyan. Tapos..." He glance over his shoulder. "Kadiri ka! Pati ata muta at kulangot mo ipinunas mo na sa damit ko!"

"Kasalanan mo! Hindi mo sinasagot ang mga sulat ko!"

Inilahad niya ang kamay niya saka tinulungan ako tumayo. Pinagpagan niya pa ang damit ko.

"Mabuti iyon at nang matuto ka." Pinitik niya ang noo ko. "Napakatigas ng bungo mo."

Bumusangot ako. "Wala namang malambot na bungo."

"Huwag ka nang umangal."

Tumungo siya sa walk in closet niya habang umupo naman ako sa kama niya. Hinintay ko siyang lumabas doon habang pinasadahan ng tingin ang silid niya.

The World Inside The Pages (Resumed)Where stories live. Discover now