Room 245 | a one shot story

32 2 0
                                    

"Holanie, lumabas ka naman dyan ng kwarto mo. 'Wag kang palaging magmukmok lang dyan kapag day off ng trabaho mo, magpa-araw ka! Gumala ka sa labas. O hindi kaya'y mag-out of town. Naiintidihan mo ako, anak?"

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni mama 'dun. Napasinghal nalang ako sa narinig ko.

'Lumabas? Ano namang gagawin ko sa labas? Wala namang magandang gagawin 'dun.'

"Holanie? Nakikinig ka ba sakin? Lumabas ka dyan ng kwarto mo." Muling sabi ni mama. Pinihit-pihit niya pa 'yung doorknob pero dahil nga naka-lock 'yon ay hindi niya mabuksan. "Buksan mo 'to, anak! Ano ba? Lumabas ka dyan!"

Napairap nalang ako bago tumayo at pinuntahan ang pinto, binuksan ko 'yun kaya naman tumambad sakin si mama na nakabusangot ang mukha.

"Bakit po?" Matamlay kong sabi.

"Jusko namang bata ka, oh! Tignan mo nga 'yang sarili mo, ang putla-putla! Para ka ng tinakasan ng dugo sa katawan... Magpa-araw ka 'dun!"

Napakunot ang noo ko.

'Tinakasan ng dugo sa katawan? Eh, kung tinakasan nga ako ng dugo sa katawan--bakit buhay pa ako hanggang nga--'

"I know what you're thinking, Holanie. 'Wag mo 'kong pinipilosopo dyan sa isip mo."

Napabuntong hininga ako. "Eh, mama, ano naman pong gagawin ko sa labas? Hindi naman po ako mag-eenjoy kung lalabas ako eh, mas okay na dito nalang po ako sa kwarto ko. Mas makakapagpahinga ako sa isang buwang trabaho."

Biglang nagtagpo ang mga kilay ni mama. "Pagpapahinga? Eh, hindi naman 'yan pagpapahinga, anak! Pagmumukmok 'yan!"

"Ito ang style ng pagpapahinga ko, mama. Doing the things that I want can make me relax, okay?"

"Ahh, basta! Lumabas ka, gumala kasama ang mga kaibigan---"

"Ma, wala po akong mga kaibigan." Pagpuputol ko sa sinasabi ni mama. "Dati pa po. Alam niyo na naman po diba 'yun?"

Kumunot ang noo ni mama. "Anong wala?"

"Wala nga po..." Bored kong sabi.

'Friends? Oh, no thanks!'

'Yung kaninang pangungunot ng noo ni mama ay napalitan ng pagtaas niya ng kilay sakin. "Oh? Really? Eh, how about her?"

Ako na naman ngayon ang napakunot ang noo.

'Sinong 'her' ang tinutukoy niya?'

"Sino po bang 'her' 'yan, mama ha?"

"Her... Alyana."

'Alyana? As in... si Alyana Mentes---'

Before I can ask my mom kung sinong Alyana ang tinutukoy niya ay nahagip ng mga mata ko ang presensya ng isang babaeng naglalakad papalapit samin. A sweet smile is flashed on her face while looking at me. Nang tuluyan siyang makalapit samin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"I miss you, bes..." Sabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako. 'Anong ginagawa niya dito?'

Kumalas na siya mula sa pagkakayakap sakin, nanatili parin ang ngiti sa mga labi niya.

"Isn't she's an old friend of yours, anak? Bestfriend mo siya noon diba?"

Tinignan ko si mama dahil sa sinabi niya. Binalik ko 'rin ulit ang paningin ko kay Alyana, my ONCE best of friends.

Oo, bestfriend ko siya... noon. Noon 'yun kung saan normal pa ang lahat. Noon 'yun kung saan hindi pa nangyari ang bagay na 'yun na naging dahilan kung bakit nagbago ang lahat... pati ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Room 245Where stories live. Discover now