Chapter 23

106 6 0
                                    


"Sis, baka mamatay sila sa tingin mo haha", usal ni angel sa akin. Masamang nakatitig kasi ako kina Ken at chill na naghaharutan sa may Sala nila Jen.

Nandito lang naman kasi kami sa kusina nila Kaya kitang-kita ko ang kanilang kaharutan.

"Liz, payong kaibigan lang ito ha."Napabaling ako Kay Jen.

" Kung ako sa iyo ipagtapat mo na Kay Ken 'yang nararamdaman mo. Malay mo magbago ang lahat pag nasabi mo na ang pagmamahal mo sa kanya",Napangiwi ako sa sinabi nito. Parang hindi ko naman kayang sabihin ngayon lalo na' t nandito ang maharot Kong kapatid.

"Kaya nga! Mas bagay Kaya kayo ni Ken kaysa 'yang si chill. Tignan mo nga oh! Parang ahas Kung makapulupot Kay Ken. Parang may biglang mang-aagaw naman Kay Ken sa kanya tsk!."Segunda commento naman ni Janice. Minsan talaga nahihiwagaan ako kay Janice, bihira lang kasi itong magsalita at parang lahat ng galaw nito ay tantyado.

" Salamat sa payo niyo ha. Kaya lang hindi ko Kaya eh! lalo't nandito si chill. Ni hindi nga ako matapunan ng tingin ni Ken oh. Ano namang laban ko sa taong mahal nito." Nakasimangot Kong Sabi sa kanila. Napasinghap naman sila ng sabay-sabay. Apektado din talaga sila sa nangyayari sa akin.

Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na may kaibigan akong concern sa akin.

Tanggap nila ako kahit na anong nangyari sa nakaraan ko.

May magmamahal pa ba sa akin?. Sa kabila ng nangyari sa akin. I don't think so tho!.bulong ko nalang ulit.

"Sige na, Tama na ang emot natin. Maghain na tayo upang makakain na tayo."Biglang Sabi naman ni Jen sa amin.

Sinunod naman namin siya at ako ang  nag voluntaryo sa lamesa. Parang nababahuan kasi ako sa mga niluto namin. Hindi ko lang masabi sa mga kasama ko, baka kasi ma offend sila sa akin.

Baka sabihin pa nilang napaka arte ko naman eh pagkain Filipino naman ang mga yun.

AKO ang nag lagay ng mga utensils sa lamesa at nag lagay narin ng mga maiinom. Tinulungan ko rin si Janice na nag lagay narin ng ibang pagkain namin.

Kahit na ayaw ko sa amoy nito ay tinitiis ko nalang.

"Liz, OK ka lang ba? Ba't parang namumutla ka?",napabaling naman sila agad sa gawi ko. Nginitian ko nalang  sila at sinabing hindi lang maganda ang pakiramdam ko.

Parang kanina pa kasi ako nahihilo at nasusuka. Nang hindi ko na makayanan ay nagpaalam akong umihi na muna.

Ramdam ko ang mga titig nila pagka tayo ko sa kinauupuan ko. Mabilis akong pumasok sa banyo nila Jen at Pagkapasok na Pagkapasok ko ay nagsuka ako.

Ilang beses ito at Para bang hindi ko na Kaya ang patuloy na pagsuka ko. Feeling ko tuloy lumabas na ang kaluluwa ko sa katawan ko sa nangyayari.

Nakakahiya tuloy Kung naririnig nila ako sa labas.

Nang medyo humupa na ang pakiramdam ko ay naghilamos na ako. Napatitig ako sa salamin at talaga nga namang namumutla ako.

Parang hindi ko na kayang bumalik doon dahil sa amoy ng mga nakahain, Kaya dumeretso ako sa kusina at tumingin ng ibang makakain.

Fortunately, may nakita akong pipino, Kaya hinugasan ko ito at saka gumawa ng sawsawan. Naririnig ko ang munting mga boses nila sa labas at hindi na nga ako bumalik doon.

Sumusubo ako ng pipino nang bigla ng may marinig akong yapak sa likuran ko. Nakaharap kasi ako sa may kabinet. At doon ako nakatayong kumakain. ANG sarap nga eh!.

"Liz, Are you OK?", Tanong ng nasa likuran ko at si Ken ito. Kahit hindi ko lingunin ay alam Kong siya iyan.

Pero dahil gusto ko rin siyang makita ay nilingon ko siya.
"I'm OK,Balik kana doon. Mamaya na ako babalik doon,Im enjoying eating pipino here. So, don't worry about me, ken."Nanatili itong nakatingin sa akin ng deretso. Parang nagtatanong ang mga mata nito sa akin, Kaya humarap ulit ako sa kinakain ko.

Narinig ko ang yapak nito paalis at hindi ko na lang ulit siya nilingon.

Patanong-tanong pa kasi! Kainis!.

Naiinis talaga ako sa kanya.Alam naman niyang kasama niya ang gf nito.

Papunta-punta pa dito. Napapapikit ako bawat kagat ko sa pipino, at hindi ako tumigil hanggang Sa hindi ko din nahigop lahat ng sawsawan ko.

Ang sarap kasi sa pakiramdam.

Nang matapos akong kumain ng pipino ay lumabas na ako. Naabutan ko silang nagkwekwentuhan sa hapagkainan.

"Ayaw mo bang kumain  Liz? Wala ka pang nakakain ha." Napangiti naman akong napatingin Kay stell. Masaya kasi ako kasi na satisfied ako sa kinain ko.

"I'm OK lang stell, kumain ako sa kusina."Ramdam ko na nakatingin sa akin si Ken Kaya napatingin din ako sa kanya.

Ang expression ng mga mata niya kaninang nakita ko ang muling bumungad sa akin.

Ibinaling ko sa iba ng tingin ko at lumapit ako kina Jen na nagliligpit na.

Tumulong naman ako sa kanila at maski sa pag hugas narin.

Nang matapos kami ay may palaro sila. Hindi ako sumali dahil wala naman akong kapareha.

Ang Ginawa ko ay inilabas ko ang cp ko at naglaro.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ko nang biglang may tumawag. Si Jordan ito! Kaya inangat ko naman.

"Hello!", Sabi ko sa kabilang linya.

"Liz, musta kana? Darating ako diyan sa Pinas bukas ng Gabi. 'Wag mo na akong sunduin, ako nalang ang pupunta sa bahay ninyo." napangiti naman ako dahil makakasama ko na ulit siya.

Mag isang buwan din kasi itong hindi nagparamdam. Alam ko naman na' pag gano'n. May mission ito 'pag hindi na siya nagparamdam sa akin.

" sige, OK! I miss you too! ", sagot ko sa kanya. At narinig pala ng mga kasama ko Kaya Napa ayiehh!! sila sa akin.

Mga timang din kasi sila haha.

Si Ken naman ay busy na nakikipaglampungan sa gf niyang ahas.

Mapapa Sana all kana lang talaga sa kanila. Hirap naman kasing maging single.bahala sila diyan, kung hindi ako kayang mahalin ni Ken ay maghihintay nalang ako ng ka forever ko.Malay mo, may Tao talagang naghihintay Para sa akin in the future.

I LOVE YOU, BEST FRIEND. Where stories live. Discover now