Kabanata-9

735 36 0
                                    

Kevin

"Uwi na tayo Kevin." Napamaang si Kevin ng ngitian siya ni Mina saka hinila palabas ng bahay ni Lola Mela. Tapos na nilang isaayos ang lahat, bumalik sila doon para asikasuhin ang isang bagay, ang mga naiwang gamit ng matanda ay napagpasyahan nilang idonate.

"Mina." Tawag niya sa asawa na hila-hila pa din ang kamay niya. Huminto ito at humarap sa kanya.

"Nagtataka ka ba kung bakit hindi ko na kinausap si Jocas?" Nagtataka nga siya, kanina ng dumating si Jocas at Kresela, hindi pinansin ni Mina ang dati nitong nobyo. Bumalik sila sa tahanan ng lola nito para isaayos lang ang mga gamit ng matanda. Saglit lang na nanatili ang kapatid ni Mina. Nagpaalam na ang mga ito kaya sila na lamang ang naiwan doon.

Lumapit sa kanya si Mina at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Doon siya napakurap.

Napatitig siya sa maganda nitong mga mata. "Bakit nga ba hindi mo sya kinausap?" Ngumuso ang asawa.

"Alam ko naman na ang tungkol sa mga sinabi nya. Nabanggit mo na at naibulong na ni Lola ang paghingi ng tawad dahil sa paglilihim sakin ng totoo. Gaya nga ng sinabi ko. Hindi kita iiwan kahit nalaman ko pa ang totoo. Wala na akong pakialam kay Jocas. Dahil ikaw na ang nag mamay ari ng puso ko. At ikaw lang ang lalaki na gusto kong makasama habang buhay. Bumuo tayo ng panibagong mga alalaa na para lang sa ating dalawa. Alam kong matatagalan bago ko maalala ang lahat ng pag aalaga mo sakin sa nakalipas na tatlong taon. Pero pwede naman tayong bumuo ng panibagong mga alaala hindi ba?" Mahigpit niyang niyakap ang asawa saka ilang ulit na hinalikan sa labi.

"Mahal na mahal kita Mina."

"Mahal na mahal din kita Kevin."

At iyon ang simula ng masayang alaala ni Mina..












Memorya

"Doktor, sa tingin nyo kailan po sya magigising?"

"Hindi ko masasabi sa ngayon Mr. Santillan. Pero ipagpatuloy nyo lang ang pakikipag usap sa pasiyente. Gaya nga ng sabi ng lola nya, may awa ang Diyos, gigising sya at lalaban para mabuhay." Tinapik ng doktor ang balikat ni Kevin. Nagpalaam na itong lalabas ng silid.

Nang mawala ang doktor, muling pinakatitigan ng binata ang babae.

"Armina," humakbang siya palapit sa dalaga. "Bukas na ang kasal natin. At kahit labag man iyon sa loob mo, ipinapangako kong aalagaan kita. Sana lang pagdating ng araw mapatawad mo ako." Marahang hinimas ni Kevin ang pisngi ni Armina. Ayon sa doktor, posibleng mawalan ng memorya ang dalaga.

Kaya nakiusap siya sa lola ng dalaga na iuuwi niya ang apo nito para alagaan. Walang pagtutol ang matanda, binigyan din siya nito ng basbas para pakasalan ang apo nito.

Inaayos na ng abogado niya ang lahat. Mag aanim na buwan na ang dalaga sa ospital. Malaki ang kasalanan niya dahil siya ang dahilan kung bakit nakaratay ngayon sa hospital bed ang babae.

Hindi siya ipinakulong o ipinahuli ni Lola Mela sa mga pulis. Natatandaan pa niya ang huling mga salitang binigkas ng matanda ng mag usap sila.

"Wala akong sapat na pera para sa hospital bill ng apo ko. Isa pa, alam kong hindi mo sinasadyang masaktan ang apo ko. Ang gusto ko lang bumuti ang lagay nya. Kaya pumapayag ako sa suhestiyon mo. Alagaan mo sana sya."

Dahil sa pahayag na iyon ng matanda kaya sinikap niyang maibigay ang lahat ng kailangan para maalagaan ng husto si Armina. Handa siyang alagaan ang apo nito. Alam niya na panghabang buhay na responsibilidad ang papasanin niya sa kanyang balikat. Pero wala siyang pagsisisi. Nang makita niya si Armina, at maalala ang ngiti nito para sa kanya sa kabila ng pag aagaw buhay. Alam niyang nakuha ng babae ang atensyon niya.

Nang ganap na maikasal si Kevin sa walang malay na si Armina. Saka naman naganap ang mga bagay na parehong magpapabago sa buhay nilang dalawa.

"Nagustuhan mo ba Mina?" Tumingin si Armina sa lalaking nasa tabi niya. Magmula ng magising siya sa ospital mula sa aksidente na hindi niya natatandaan. Hindi na mapanatag ang loob niya.

Ang lalaki ay nagpakilalang asawa niya, may isang matandang babae rin na nagpakilala sa kanya bilang kanyang lola. Meron din siyang nakababatang kapatid na babae. Pero isa man sa mga ito ay wala siyang maalala. Ni pangalan niya hindi niya matandaan. Siya daw si Armina, ang lalaki ay Mina naman ang tawag sa kanya. Maganda sa pandinig ngunit hindi niya mahalukay sa kanyang isip ang pangalang iyon.

Marahil dahil iyon sa mga nawala niyang memorya. At ayon sa kwento ng kapatid niya, kahapon ang kasal nila ng binatang nasa tabi niya.

Inalis niya ang tingin sa lalaki. Inilibot niya ang tingin sa magarang silid na pinagdalhan nito sa kanya. Maliban sa maliit na cabinet, isang vanity mirror, Queen size bed katabi ang maliit na table, wala ng iba pang makikita sa silid na iyon.

Kahit nga isang litrato ay wala.

"Mina, may problema ba?" Marahas ang naging paglingon niya sa lalaki. Nakatitig ang malamlam nitong mga mata sa kanya. Mabilis siyang nag iwas ng tingin ng tumibok ng mabilis ang puso niya.

Naglakad siya palayo sa lalaki.

"P-pwede mo na akong iwan."

Bumuga ng hininga si Armina, nang sa wakas ay marinig ang papalayong yabag ng lalaki. Dahil walang gaanong detalye siyang naririnig o nakikita patungkol sa sinasabing relasyon niya kay Kevin.

Nanatili ang kaba sa dibdib ni Armina. At sa bawat araw na nakikita o naririnig niya ang tinig ng lalaking nagpakilalang asawa niya. Mas lalo lang siyang nakakaramdam ng matinding kaba.

Alam niyang mali na ganoon ang maging akto niya sa lalaki, lalo pa at wala itong ibang ginawa kundi ang alagaan siya.

Pag aalagang hindi niya akalaing tatagal ng tatlong taon.

"Bakit ang tagal mong nakatitig sa litrato natin?" Napalingon si Mina sa asawa. Napangiti siya matapos sumagi sa isip ang isa sa mga nawala niyang alaala.

"Ito kasi ang unang beses na nagkaroon tayo ng litrato na magkasama."

Yumapos si Kevin sa baywang ng asawa.

Iyon nga ang una nilang litratong dalawa. At magkakaroon pa sila ng marami niyon sa darating na mga taon.

Maraming marami at baka may makasama pa sila sa mga litratong iyon.

Hmm...















saharazina

TSM-1 Kevin Santillan (Completed)Where stories live. Discover now