Chapter 2: Travel

8 4 0
                                    


Chapter 2: Travel

Nalibot ko na ata ang buong Pilipinas sa buong taon kong pagtravel-travel. May mga lugar na na-attach ako at ma6 mga lugar din naman na hindi ako nagtagal.

Marami akong taong nakilala. Nakilala, hindi kaibigan, hindi pamilya. Nakilala.

Pero bakit ganoon? Hindi ko pa rin magawang magsaya? Kailangan ko bang libutin ang buong mundo para sumaya ako?

Ano ba ang hinahanap ko sa paglalakbay kong ito?

Ano ba ang purpose nitong ginagawa ko?

Naubos lahat ng pinag-ipunan ko sa kakatravel ko. Ngayong back to work na naman uli, pakiramdam ko ay palaging mabigat ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang ba talaga, Anak?" Tanong ni Daddy sa kabilang linya. Kagat labi akong tumango.

Parang ang sarap magpakamatay kapag hindi mo mahanap ang purpose kung bakit ka pa nabubuhay. Pero hindi, ayaw kong isipin nila Mummy at Daddy na sila ang may kasalanan kung bakit ako nawala.

Ayaw kong malungkot ang mga kaibigan ko kapag nawala ako, ayaw kong malungkot si Lola sa langit dahil baka hindi kami magkita.

Hindi sa natatakot ako para sa sarili ko. It's just that, ang komplikado masyado.

"Okay lang ako, Dad,"

Hindi ako kailanman prine-ssure ng parents ko sa kahit anong bagay. Hindi nila ipinipilit na tumaas ang marka ko sa school pero nagsusumikap ako. Tuwang tuwa sila kahit sa simpleng achievements ko.

"Gusto mo ulit magtravel anak?"

Travel? Saan pang lugar? Natatakot ako sa foreign country dahil baka mapaano ako doon.

"Saan naman dad?"

"Sa Rome, Italy. . . " Sagot naman ni Daddy sa kabilang linya.

"Your mum and I were planning to visit vatican city. Naka-book na ang hotel and all. Pero hindi kami makakatuloy,"

Yeah, Nasabi nila sa akin na hindi nabigyan si Mummy ng clearance mula sa doctor na maaari na siyang makapagtravel through plane.

"Diba two way ticket naman siya dad? Tsaka dalawang ticket yon?"

Narinig ko ang pagsinghap ni Daddy sa kabilang linya.

Italy was one of my dream destination. Bukod sa Paris, France of course. And kung ibibigay iyon nila dad sa akin, Pupunta talaga ako!

"But we have condition,"

Halos malaglag ang balikat ko.

"Find someone who can accompany you on your trip to italy, kamo sagot mo na lahat,'

The heck? Sino isasama ko?

"Another one, 'nak. It has to be a guy,"

.

A Four-Day Trip To Rome, Italy [COMPLETED]Where stories live. Discover now