Chapter 8

1.7K 74 63
                                    

I cannot remember how many times this guy made me feel bewildered and shocked. Dapat yata ay masanay na ako sa mga biglaang aksyon niya. Although, I must also learn not to put any meaning in all those.

Inabot ko ang nakalahad niyang telepono. Dahan-dahan kong itinipa ang aking numero bago ito ibinalik sa kanya. Pinagmasdan ko siyang kalikutin 'yon bago ibinulsang muli. I cleared my throat before speaking.

"Uhm, kumusta na nga pala ang kapatid mo?" I asked. Sinakop ko gamit ng mga kamay ang aking buhok at hinayaan iyon sa likod.

"She's fine already, nakauwi na. How about your brother?"

"Nakalabas na rin. Nagpapagaling na lang ng mga sugat ngayon," sagot ko.

The doctor already permitted Kuya Joseffe to go out of the hospital yesterday. However, he is currently staying at his condo with Ate Zyrille I think, hindi sa mansion. They probably want to spend some time together habang mas nagpapagaling pa si Kuya.

Napangiti naman si Lycus at inayos ang pagkakasakay sa kanyang motor. Lumingon ako sa paligid at napansin ang panaka-nakang tingin ng ilang estudyante sa kinaroroonan namin. Ibinalik ko ang titig sa lalaking nasa harap at napagdesisyunan nang magpaalam.

"Lycus, aalis na ako. Tingin ko ay mas mabuti pang sumabay ka na rin para hindi ka na gabihin sa daan," paalam ko.

"Yeah, sure," simpleng tugon niya bago kinuha ang kanyang helmet at isinuot iyon.

Akmang tatalikod na ako pasakay ng aking sasakyan nang muli siyang magsalita.

"Fern," pagtawag niya. Inangat ko ang aking mga kilay at kuryosong tumingin kay Lycus. "I'll message you. Mag-ingat ka sa pagmamaneho."

Napatigil ako. What? He'll message me?

Malamang Maia! Kaya nga kinuha ang number mo e. Pero tungkol saan naman?

Maybe about our terms regarding the piano lesson.

Tumango na lamang ako at ngumiti bago pumihit paalis. Tinapik ko ang aking ulo nang maisip na hindi ko man lamang siya nasagot pabalik. Medyo kinabahan kasi ako kaya hindi nakasagot! Bumuntonghininga ako at nag-focus nalang sa daan.

Agad akong umakyat ng kwarto pag-kauwi. Ibinaba ko ang aking mga gamit sa bedside table bago nagpalit ng mas kumportableng damit. Pagod akong humilata sa kama upang magpahinga ng kaunting oras.

Naramdaman kong tumunog ang aking telepono kaya bumangon ako upang tignan iyon. It's a message notification. Kuryosong binuklat ko ito.

Unknown Number:

I'm looking forward to learning piano from you.

Unknown Number:

Please accept my request :>

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit walang pangalan ay sigurado na ako kung sino ang nagmamay-ari ng numerong ito. I did not expect that he'll message me immediately.

You're really surprising me, Lycus.

Hindi ako kaagad nag-reply. Instead, I opened my Instagram application and went to the follow requests. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang accept button. Ni-followback kona rin ang account niya.

Bahala na kung ano man ang isipin ng ibang makakakita. Ang importante ay malinis ang konsensya ko dahil wala namang kahit ano sa amin ni Lycus. I'm just his... well, piano teacher I guess.

Ako:

I already did.

Simple lamang ang ni-reply ko dahil wala akong maisip na ibang sabihin bukod do'n. Ni-save ko muna ang number niya bago ibinaba ang aking telepono.

Wilted Galad (Cornelia Series #1)Where stories live. Discover now