Flames<3 [ONE SHOT STORY]

3K 128 93
                                    

Ako si Kellie, Kellie Ann Montes isang 3rd year student. :) Section B

Sa ngayon nag F-Flames ako. Nasa school naka upo, walang teacher at walang ginagawa.

Isa lang naman ang fine-FLAMES ko eh. Kundi si Keddrick. Keddrick Duane Adamson ng Section A.

Ang kaisa isa kong Crush. :") Tuloy parin ang pag f-flames ko

Kaso ng makita ko ang resulta na ASAR ako. >:/ Oo tama ka, NAASAR AKO. Alam mo kung bakit?

Keddrick Duane Adamson- 13-  FLAMES - F- FRIEND

Kellie Ann Montes- 12 - FLAMES - S -SWEETHEART

TOTAL: 25 FRIENDS LANG.

HA?! FRIENDS LANG?! Sakit naman nun? Hindi ba pwedeng kahit dito manlang sa Flames eh mag kagusto siya sakin? SAKLAP!

Hindi ko siya kina kausap dahil isa akong malaking TORPE. XD Babae ako pero may pag ka TORPE and Dishonest pagdating sakanya.

Naalala ko nga nun nung tinanung kami nung valentines nung teacher namin kung sinong gusto namin sinabi ko. "Wala po dito nasa ibang school" Oh diba? An sinungaling. Ayts!

Yung natapusan kong papel na pinagsulatan ng Flames inilagay ko sa Cellphone ko sa likod. May Jelly Case kasi ako. Nandun nakalagay sa jelly case yung phone ko kasama na rin yung papel. :)

Baka kase may makakita sa basurahan eh nag sesegregate ang school namin. Nilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko.

Pumunta na kami ng bestfriend ko sa Canteen dahil Lunch na. Pag katapos namin kumain. Pumunta kami sa Stage at dun muna nag kwentuhan.

Pabalik na kami sa room ng bigla kong narinig ang pangalan ko

"Calling the attention of Ms. Kellie Montes. Please come to the Office"

"Calling the attention of Ms. Kellie Montes. Please come to the Office"

"Kellie, ikaw yun diba? Yung kellie Montes?" sabi ng bestfriend ko

Tinignan ko ang I.D. ko at nakita ko. Ako nga! Natakot ako bigla. Anung bang nagawa ko? Bumalik na ang Bestfriend ko sa room at ako naman dumiretso sa Office.

"EXCUSE ME, MAAM. P-Pinapatawag n-niyo p-po a-ako?" Takot kong sabi.

"Yes Ms. Montes." sabi nung teacher.

"B-Bakit po?" Nasa loob na ko ngayon ng office.

"Is this your phone?" sabi nung teacher

Nagulat ako dun sa ipinakita niya. Tinignan ko sa bulsa ko at WALA NGA YUNG PHONE KO. Mababaw lang kasi ang bulsa ko kaya siguro dumulas yung phone ko.

"Yes maam sakin po yan."

"Oh eto." ibinigay niya sa akin habang nakangiti. "Nakita yan sa stage."

"Thank you po maam." Umismile din ako.

"Wag ka saakin mag pasalamat. Sakanila" Itinuro niya ang dalawang lalaki. Pagkatapos niyang ituro umalis na rin si Maam.

Laking gulat ko ng makita ko ang Dalawang lalaki.

Si Kurt na bestfriend ni Keddrick at syempre si

Keddrick.

Bigla kong naalala yung ginawa kong FLAMES. Hinanap ko ito sa phone ko at jelly case.

.....

......

........

..........

............

.............

"Eto ba ang hinahanap mo?" nakatawang sabi ni Keddrick.

Napatingin ako at nagulat ako dahil hawak niya yung papel na naglalaman nung FLAMES. O.o

"A-Akin n-na y-yan!" sabi ko sakanya.

Ibinigay niya ito sa akin. Tinitigan ko lang yung papel na naglalaman nung Flames. Nakakahiya Grabe!

Aalis na sila ng biglang nag salita si Keddrick

....

........

..........

.............

.................

....................

........................

...........................

"Mali ang nakasulat diyan. Hindi lang kita gusto bilang FRIEND.

GUSTO KITA BILANG LOVER<3"

-----------------------------

Thanks for reading guys! :) Hope you like it. 

Flames&lt;3 [ONE SHOT STORY]Where stories live. Discover now