Special Chapter 2

6.7K 58 2
                                    

Dedicated to her :))) she voted lots of chapters here so this chapter is Dedicated to you :)) keep on reading and thank you so much ... God Bless .. <3

Kim’s POV

Maagang umalis kanina si Isaac dahil may trabaho siya, nagulat nga ako eh! Kasi sabado ngayon.

Kadalasan kasi hindi un pumapasok pag ganito ewan ko kung bakit an gaga umalis eh.

Ngayon ko gagawin yung surprise ko sakanya.

Maaga ako namalengke at magluluto ako ngayon ng lahat ng pagkain gusto niya.

Ininvite ko na rin ang tropa para dito na sila kumain.

Mamaya ko na aasikasuhin yung isa ko pang supresa para kay Isaac.

For sure magugulat yun dahil never pa niyang nalaman sa tala ng buhay niya na marunong ako nun.

Kinakabahan nga ako kasi ngayon ko nalang ulit gagawin yun eh, sana nga lang magustuhan niya.

--

Dumiretso nalang muna ako sa strawberry field para mamitas ng fresh strawberries.

Nang makasalubong ko si Manang Helena na namimitas rin.

“Magandang umaga iha, ang aga mo nagising ah”

“ahh, opo ipagluluto ko po kasi si Isaac eh, punta po pala kayo mamaya sa bahay ni Manong Ben”

“mukhang magiging busy ka ata iha ah,” nakangiting sabi ni Manang.

“opo manang eh, hehehehe”

“nakikita kong sobrang saya ni Isaac sayo, buti na lamang at ikaw ang naging asawa niya”

“salamat po Manang, maswerte rin naman po ako kay Isaac eh ang bait po niyang asawa atsaka inaalagaan niya po kami ni Zoe”

“mabuti naman iha kung ganun, pagpalain kayo ng Diyos” tinap ni Manang ang ulo ko at umalis na.

Enslavement Turns To Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon