Wattpad Original
There are 3 more free parts

Episode 5

6.6K 302 198
                                    

MATAPOS UMALIS NI George ay kumain na rin agad si Lola Love. Right now, she was munching the food as if it was her last meal. Hindi naman na nakakapagtaka kung bakit parang patay-gutom siya kung kumain, ang sarap ng pagkain niya, eh. Apricot chicken, pumpkin soup, peas, and mashed potato.

Minsan ko na ring tinikman iyang pagkain niya at masasabi kong fake news ang mga nagsasabing walang lasa ang pagkain sa hospital. Ang sarap kaya! Pangmalakasang 5-star restaurant ang lasa.

“Oh, ikaw. Kumain ka na riyan,” pag-aalok ni Lola habang punong-puno ang bibig.

Kinuha ko na ang bag ko mula sa side table. Doon ay inilabas ko ang tuna sandwich na ginawa ko kanina. I started to eat it while Lola was staring at me as if I grew another head.

“What?”

“Iyan lang ang kakainin mong timawa ka?” Her judgemental stare never changed.

“Why? What’s wrong with a tuna sandwich?” I munched.

“Gaano ba kaliit ang bituka mo para iyan lang ang kainin mo?”

“Diet, duh.” I rolled my eyes.

“Luh, may pa-diet diet ka pang nalalaman.” Tiningnan niya ako mula sa mukha pababa sa katawan ko. “Parang effective talaga, ano? Trip mo magutom nang wala lang?”

“Basher!” I rolled my eyes again and that rewarded me a smack on the head from her. Napakamot na lang talaga ako sa ulo ko. Isa na lang talaga, gaganti na ako. Isa na lang talaga!

Dahil nga kakapiraso lang naman iyong baon kong tuna sandwich ay agad ko iyong naubos. At dahil patay-gutom nga ang lola ko, halos sinabayan niya akong ubusin ang sa kanya.

“Going back to your story, what happened next after Stevan kissed you?” I tilted my head.

Doon ay umayos siya ng upo. Tapos ay tumingin siya sa akin.

“HOY IKAW NA lalaki ka! Lumabas ka rito, square-an tayo sa labas! Ano? Pumalag ka sa aking nademonyu ka!” Kinalampag ko ang pintuan niya.

Pero bigla akong napatalon nang bumukas nga ang pintuan. Bumungad doon si Stevan. He was . . . shirtless. His collarbone was sharp, and his chest was proudly broad. The moment my eyes raked down to the hard surface of his tummy, I swallowed hard.

“What?” he asked in his raspy and bored voice. Sa tono niya ay parang hindi tanong ang sinabi niya kung hindi isang simpleng salita lang.

I blinked and I mentally shook my head. Kumunot uli ang noo ko nang ibaling ko ito sa mukha niya. “Bakit mo ako hinalikan? Gusto mo bang mamatay nang maaga—”

“Yes,” he answered, and that froze me. “Wanna kill me now?” His bored expression turned harsh. “Go, kill me now.”

Patuloy akong natigilan. ‘Di gaya ng mga pinapatiklop kong tambay sa Pilipinas, para bang ako ang tumiklop dito kay Stevan.

Totoo nga, walang laban ang kung sino man sa taong malapit nang mamatay. Kasi sila, wala na silang takot. Hinihintay na lang nila ang wakas. Wala na silang pakialam kasi ano pa nga ba? Malapit ka na rin namang mawala so gawin mo na lahat ng gusto mo.

Nang patuloy kaming sinakop ng katahimikan ni Stevan, muli niya akong pinagbagsakan ng pinto. Sa lakas niyon ay para bang nag-echo ang tunog sa buong bahay. Napatalon na lang ako sa gulat.

Isang buntonghininga ang kumawala sa akin. Walangya, isang pasyente lang naman pala ang makakatalo sa akin. Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Nagpasya na lang akong pumasok sa kwarto at tikman ang pagkatalo ko sa unang pagkakataon!

“E DI STEVAN LANG malakas,” Lola mumbled while rolling her eyes.

Bahagya akong natawa. “Nasaan na iyong angas mo no’n, Lola? Parang biglang nawala yata?”

“Truly.” Lola yawned.

“Eh, teka nga, Lola. Hindi ba’t jowa mo na no’n si Lolo?” Bumusangot ako. “Cheater ka talaga.”

Hindi ako handang mainis nang bigla, nagkamot si Lola ng ulo habang tumatawa nang awkward. Gusto ko tuloy manakit ng senior citizen!

NANG PASALAMPAK AKONG humiga sa kama ay kinuha ko ang cellphone ko. Kailangan kong tawagan ang boyfriend ko. Kasi sa ginawang paghalik sa akin ng letseng si Stevan kanina, para ko na rin siyang niloko!

I was so quick to click my Messenger application. Dahil kauna-unahan lagi sa mga taong naka-online ang boyfriend ko, agad ko siyang nahanap. Matapos niyon ay pinindot ko na ang video call. At wala pa ngang ilang segundo ay sinagot na niya agad iyon. 

“Hello, babe! I fucking miss you so much,” bungad sa akin ni Fino.

I pouted. Sa buong buhay ko, si Fino lang ang kaisa-isang taong kaya kong pakitaan ng pabebe kong side. Everyone always sees me as that person with a stone heart except him. Para akong isang matigas na yelong natunaw nang mahalin niya ako.

“I miss you, too.” I sighed.

Tumayo siya at naglakad. The violet light illuminating his face faded when he went outside that room.

“Teka nga, nasaan ka ba?” I asked.

“Sa studio, babe. May photoshoot ako.”

He was a freelance model. I met him through a friend. At first, akala ko hindi ko siya magugustuhan. Hindi kami fit, eh. Matigas ako samantalang malambot siya. Wala akong pakialam sa hitsura ko pero siya? He cared a lot when it comes to his skin. Hindi mabibilang sa isang kamay ang dami ng skin care products na ginagamit niya araw-araw.

Pero, ayon. Nagkatagpo kami sa iisang ugali—pareho kaming tarantado. Pareho kami ng bisyo. Alak, sigarilyo, at minsan—minsan lang, ha? Minsan, droga.

“Why did you call? May problema ba?” he asked. His eyes were moving as he examined my face through his cellphone screen.

“Uhm…” Lumunok ako ng laway. “Yeah.”

“Oh, what is it? Homesick ka na? Gusto mo nang umuwi—”

“Someone kissed me,” pagputol ko sa kanya.

He blinked and froze for a moment. He was there, staring at me with a confused look. Hindi ko matantiya kung nagagalit ba siya o ano. Basta ang alam ko lang, malaki ang tiwala niya sa akin. Na masyado niya akong mahal para mag-isip ng kung ano-ano.

“Did you love it?” he asked, almost stuttering.

“Loved what?”

“The kiss . . . did you enjoy it?” Right now, he looked like a puppy. With those innocent eyes of his, I saw nothing but the hope for me to just scream no.

Umiling ako at ngumiti. “Never. I will never enjoy kissing someone unless it’s you.”

“That’s my girl.” Ngumiti siya nang matamis. His smile was always bright. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang ngumiti nang ganiyan sa ibang babae. Kaya mahal na mahal ko ‘yang ungas na ‘yan, eh.

“Babe, as long as you don’t mean it, okay lang sa akin. But it’s nice of you to disclose it to me. At least ngayon, aware na ako na kahit anong mangyari, kahit may gago sa paligid mo, hindi mo ako magagawang lokohin. At dahil diyan, lalong lumaki ang tiwala ko sa ‘yo.” He continued his bright smile.

“Wait, hindi ka man lang ba curious kung sino iyong tinutukoy ko na nanghalik sa akin?”

Umiling siya. “It doesn’t matter anymore. That son of a bitch is just trash. What matters the most to me is that you love me and that you will never cheat on me. Iyon lang.”

Napairap tuloy ako nang maramdaman kong tumibok nang malakas ang puso ko. Gusto ko tuloy kumanta bigla ng sha-ram-da-ram-sha-ra-ram. Letse siya!

“You are smiling,” he teased me, and then he bit his lip. “I fucking love that smile.”

“Prung shiraulo.” Umirap pa akong lalo.

“Fino, simula na uli ng photoshoot!” Ang sigaw ng isang babae. Doon ay hindi ko maiwasan ang biglang malungkot.

Ano ba ‘yan, panira naman!

“Babe, I have to go. Tinatawag na uli ako ng photographer.”

I pouted.

“Babawi ako tomorrow, promise.” He was smiling with all of his perfect teeth. “H’wag na ma-sad.”

“Okay.” I continued pouting. “Mag-chat ka kapag nakauwi ka na, ha? Tapos matulog ka agad.”

“Noted, Ma’am.”

“Good, student.” I pouted more.

Doon ay humalakhak siya. I really love it when he throws his head back as he laughs. Nakaka-miss tuloy makita iyon nang personal.

“Bye, babe. I love you!” Ang pagkaway niya sa akin.

“I love you.” I forced a smile as I ended the video call.

Natulala na lang ako sa puting kisame. Hindi ko inakalang mami-miss ko sila nang ganito. Akala ko kasi, okay lang. Na hindi ko iindahin lahat kasi nga, may pangarap akong gusto tuparin dito sa Brooklyn.

Pero, bakit gano’n?

Yes, I wanted to be more . . . but what if the things that I wanted more could only be found on my way back to the Philippines?

Shet.

Bushet.

Bumangon na lang ako. Huminga ako nang malalim at pinilit na itulak ang ideyang gusto ko nang umuwi sa Pinas. Nagtungo ako sa closet ko. Ililigo ko na lang ang pagka-homesick ko! Punyawa!

Dali-dali na akong nagpunta sa banyo. Kahapon pa talaga ako naa-amaze dito. Kumpleto, eh. May TV, may table, may closet, may lababo, may shower, at bathtub. Nandito na halos lahat. Pakiramdam ko nga ay kaya kong tumira dito habambuhay.

Iyong malawak na bathtub ang pinuntirya ko. Binuksan ko ang gripo at nang mapuno iyon ng tubig ay saka ko iyon pinabula. Doon lang ako naghubad at prenteng in-enjoy ang nakaka-relax na vibe na dulot ng maligamgam na tubig. Sinamahan ko pa iyon ng pag-sound trip sa mga kanta ni Ariana Grande. The song that was playing right now was God Is a Woman.

I was in the middle of enjoying this bathtub when, all of a sudden, someone opened the door.

Teka nga, hindi ko na-lock?!

But more importantly . . . shit. Fucking shit! It’s Stevan! He was only wearing a towel that was tightly hanging on his waist, making him flash his godly v-line.

Most Notorious JerkWhere stories live. Discover now