VALORA'S POV
"Valora... Patay na si YELENA." nag call si CANDY na isa sa malapit na kaibigan ni YELENA. On the other hand, there is no one to blame pero bakit feel ko ako may kasalanan ng lahat? Nag end call na siya pagkatapos niya magbitaw ng masamang balita.
S-Should I start to find that 'HUSTISYA' that they wanted? Pero... Natatakot ako. Ano laban ko sa isang mamamatay tao? I remember that the other ghost that I encountered was named Satsujin.
Mas lalong dumami issue sa kumpanya. Ngayon nasa salas ako. Nakaupo sa maliit na couch habang yung dalawang mata ko nakatitig sa featured news.
"YELENA commits suicide from the known band called DI3." Nag init lalo ulo ko dahil I could feel that it was not suicide. Pero... Kung nasapian siya at yung sumapi sa kanya ang nag cause ng pagkamatay niya ay maco-consider talaga yun as suicide.
"Marion." tawag ko kay lamok.
"Yes kitty?" mabilis na sagot niya. May inaatupag sa laptop ko kaya medyo busy.
"Safe pa ba ako lumabas? Kung hindi sumama ka muna sakin. May kukunin lang ako sa kumpanya." Tumungo ako sa kwarto ko na bago. Kumuha ng maayos na peach silk dress at pinaresan ng black heels shoes. Pagkalabas ko ng kwarto, nakaayos na din siya ng pormal. White t-shirt lang saka maong pants with matching Nike white shoes.
"Yung Bass mo lang ba kukunin mo?"
"Yes." diko na inuuwi instrument ko sa bahay. Diko din naman nagagalaw dahil nawawalan ako ng focus tuwing umaaligid si Marion.
"Mag motor tayo, dahil di na tayo magko-kotse, ibinilin sakin ng mama mo na sundan kita kung aalis ka man o hindi." I nodded in response. Mas mabuti na safe kesa magmatigas ako. Baka kinabukasan talagang I am good as dead.
Ng makasakay na kami sa motor, mabilis kami nakapag travel ng maayos sa destinasyon na pupuntahan namin. Magkahawak kamay kami ni Marion na tinungo yung elevator.
I could feel the glances of some people. Holding hands lang naman ginagawa namin. Wala ba akong karapatan na hawakan ang kamay ng fake husband ko?
"Anong floor kitty?"
"Pakipindot ng 3. Nasa third floor yung practice room namin." I suggested. Dahil kaming dalawa lang nasa loob, he could freely kiss me on my cheek.
"Marion ano ba!" naiinis na saad ko. He pouted like a kid then give a small peck on my lips.
"Eh bakit? Gusto ko lang ng lambing. Di ka naman mamamatay sa halik." my heart felt like it's being smashed. Bakit bako nine-nerbyos? Hindi naman din ako ganito sa dati kong naka relasyon ah.
"May make-up ako. Baka masira ng saliva mo yung make-up ko." tinarayan ko siya. Pagkabukas ng elevator, lumabas kami at bumungad samin ang lalaki na mahaba ang buhok. His hair was tied into a low ponytail while he was wearing a black fitted jeans and white sando. May red jacket na nakapalibot sa maliit na bewang nito.
I greeted him, "Nice to meet you... CANDY."
Napaka unfair, boobs na lang ata need niya at magmumukha na talaga siyang babae. His femboy apperance is really attractive.
"CANDY?" tinawag ko ulit pangalan niya. Mukha siyang lutang na ewan dahil nakatitig lang yung asul na mata niya kay Marion.
"Hello? Miss? Lutang ka?" kumaway asawa ko sa harapan nito. Tinampal ko yung dibdib ni Marion sabay sinuway na – "He's a guy."
Tinitigan ko ulit sa mata si CANDY "Mukhang sobrang pagod ka na din. Don't overwork yourself and get enough sleep. By the way, this is my husband. His name is Marion. And Marion, this is CANDY... Ka trabaho ko." pinakilala ko sila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
『 GEMINI'S FIRST SMILE 』COMPLETED
Random❝ Hanggat kaya kitang pasayahin. Iyon ang mas importante Valora. Mahal kita ng sobra. ❞ - Marion Forge. Nagkaroon ng issue tungkol sa bandang pinapasukan ni Valora Reynard. Dahil sa pangit niya'ng ugali ay balak siyang siraan ng isang tao na ayaw s...