4-No Mercy

0 0 0
                                    

Ysha's pov.

Bored akong nakahilata sa sofa,nang maisipan kong gumala.Agad akong nagbihis,hoodie jacket at black jogger.

Bigbike ang dala ko,di na ako nagdala ng helmet.Agad kong pinaharurot ang motor ko papuntang park.

Sa malayo ko lang pinark ang bigbike ko,para di gaanong mapansin.Kita ko ang mga taong tumatambay sa park,may mag pamilya,mag jowa,at mag kakaibigan.Na miss ko tuloy ang parents ko.

Pagkababa ko,agad akong dinala ng mga paa ko papunta sa isang bench na may isang taong naka upo.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at lumapit pa sa kanya,sino kaya to.Napansin kong umiiyak siya,bakit siya umiiyak?Ke lalaking tao umiiyak!

Nang medyo malapit ako sa kanya,agad kong kinapa ang bulsa ko at kinuha ang panyo at binigay sa kanya.

Nagulat siya nang mapansin niya ang nilahad kong panyo,kumunot ang noo niya habang tinitignan niya ako.

Takte kilala ko pala to,si France to ah!Pero bakit siya umiiyak,anong problema niya?
Di ko nalang siya kinausap,baka sabihin niya pang fc ako,and besides wala akong time sa pakikipagkaibigan.

Pinagmasdan niya ang kamay ko hanggang mukha,buti nalang at naka hoodie ako kaya sigurado akong di niya maaninag ang mukha ko.

Binalik niya ang tingin sa panyong nakalahad at kinuha yun.

Pagkatanggap niya agad rin akong bumalik sa motor ko,pinagmasdan ko lang siya sa malayo na nagpalinga linga pa.Alam kong hinanap niya ako.

Naisipan kong umuwi nalang.
Habang nasa byahe ako,naisip ko kong bakit kaya yun umiiyak ke lalaking tao.

Tsk bat ko ba iniisip yun!
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor ko para maka uwi na agad.

Nang makarating na ako sa mansion,di nako kumain,dumoretso ako sa kwarto ko at tinawagan ang tauhan ko sa UG..

[Hello there miss A,what can I do for you?]

"Kilala mo ba,ang mga miyembro ng Dark Aces?

[Ah yun ba Miss A?Dont worry,I will get the information now]

" Okay,just email it to me!

[Sure Miss A,as you wish.Just give me a minute.]

Agad kong binaba ang tawag,at binuksan ang laptop ko.Saktong may na recieve akong email galing kay Hayes.

"Hm!Maaasahan talaga tong c Hayes,akalain mo ba naman info lang ng Dark Aces hiningi ko pero lahat ng files sa gangster world binigay sakin!

Napapailing na bulong ko sa sarili.
Uh huh,King Ace pala Mr.France Cal Allistair Fredeluces.

France as Ace
Devonne as Dark
Howie as Spade

The rank 1 at gangster world.
Ace,leave his position to Dark last 2 years ago.
For unknown reason,its confidential.

Ano kayang rason,bakit niya iniwan ang posisyon niya kay Dark!Hm,its for me to find out.Well di yun mahirap lalo pat magkaklase kami.

Pababalikin ko na rin si Shadow at Cobra.Bibigyan ko sila ng misyon,para naman may pagka abalahan sila.Ipapaalam ko nalang kay tito gary.

[Hello shaley,pamangkin napatawag ka?]

" Tito ipapaalam ko lang sana na pababalikin ko na sina Amara at Cobra sa UG,bibigyan ko sila ng misyon.

[Ah yun ba,maganda yan tutal andito narin naman sila sa pinas.Walang problema sakin yan pamangkin.]

"Thanks tito!

Agad kong pinatay ang tawag,sinara ko anh laptop ko at pumasok sa banyobpara maligo alas 7 na pala nang gabi.

Pagkatapos kong maligo nagbihis ako ng pantulog.Linggo bukas wala paring pasok malamang,may pupuntahan ako pala akong importante bukas.

Agad akong humiga sa kisame,at kalaunan ay nilamon rin ng kadiliman.

(Kinabukasan)

Nagising ako,ng maaga alas 5 palang ay bumangon na ako.Nagtungo na akong banyo para maligo.

After 25 mins lumabas na ako ng banyo,agad akong pumasok sa walk in closet ko at nag hanap ng masusuot.

Pinili ko lang ang isang white oversized t'shirt na may naka sulat na NOBODY
,pinarisan ko naman ng isang denim na jeans at white vans na sapatos.

Tinali ko ang buhok ko into ponytail,agad kong kinuha ang susi ng kotse ko wallet.

Pagkababa ko saktong nakapagluto na ang isa naming katulong.Nag agahan muna ako bago aalis.

Agad rin akong natapos kumain,nagpaalam na ako kay nanay sisa at tatay franco baka kasi hanapin nila ako.

Pagkapasok ko sa kotse kong ferarri na kulay blue.Agad kong binuhay ang makina,binuksan agad ng guard yung gate para maka labas ako.

Habang nasa byahe ako,biglang nag ring ang phone ko.Si Kara pala tumawag,siya ang oraganizer ko sa UG isa rin sa mga tauhan ko sa loob.

[Hello Miss A?]

"May problema Kara?

[Wala naman Miss A tumawag po ako kasi yung grupo ni Jason ang Strange Phantom ay naghahamon sa No mercy e diba ikaw nalang yung nandito sa pinas Miss A,diba nasa ibang bansa ang dalawa mong kasama?]

" ok,got it.anong oras ba sabi nila?

[4 daw po Miss A!I se settle ko na po ba?]

"Ok then,we'll be there!

Pagkatapos ng pakikipag usap ko kay Kara binilisan ko na ang pagmamaneho.Hanggang sa marating ko na ang destinasyon ko.

Tinggg
Tinggg
Tinggg

Nakatayo ako sa harap ng malaking simbahan dito Quezon.Magsisimba ako,sa mga di pa nakakaalam nagsisimba ako every sunday.Bago pumunta sa hideout o sa UG.

-----FASTFORWARD-----

Nang matapos ang mesa,umuwi na ako.
Quarter to 12 na,wala pa akong kain.
Huminto ako sa pinakamalapit na restaurant para kumain.

Nang matapos akong kumain,wala akong sinayang na oras agad akong umuwi.

Pumasok ako sa kwarto ko,kinuha ko ang maliit na remote na naka lagay sa ilalim ng side table ko at tinutok yun sa nka andar na aircon.

Agad naman namatay ang aircon at bumukas ang dingding sa gilid ng walk in closet ko.Pumasok ako dun pagkarating ko sa loob agad rin namang nagsara ang pinto.

Dito ako madalas nagpapalipas ng oras o kayay naglalabas ng sama ng loob.Kinuha ko ang isang Riffle at pinutok sa nakatayong manikin,bullseye.Kumuha rin ako ng twin dagger at sabay na binto sa target board sa dalawang magkabilaan,50 meters center point,walang palpak.

Kahit na anong pagpapaputok ko ng baril dito ay walang makakarinig dahil sound proff ang mga hidden room ko dito sa mansion,lalo na itong training room ko na naglalaman rin ng ibat ibang klaseng armas.

Walang ibang nakakaalam sa mga hidden rooms dito sa loob ng mansion maliban sakin.Magmula nung mag isa nalang ako,Hays nakakamiss sina daddy.

Matawagan nga pala si amara at cobra para mamaya.....
Agad kong dinail ang pangalan ni amara naka isang ring palang sinagot na niya agad.

[Hey ins-]
Pinutol ko na ang sasabihin niya

"Shut up,now tell cobra that you two will be back at UG ready yourselves you have a fight at 4 pm sharp!

Pagkababa ko ng tawag lumabas na ako para maka pag bihis its already 3 in the afternoon.Nagdala lang ako ng twin dagger ko at dalawang magnum calliber 45.

Stealing his heartWhere stories live. Discover now