{Chapter 2}

1.7K 89 5
                                    


MADILIM ANG buong paligid at walang kahit anong liwanag ang bumabalot. Ramdam ko ang pagisa, dinig ko ang pag-tibok nang aking puso at dama ko ang bawat pakiramdam nito. Tila sinasakal ako sa subrang katahimikan na bumabalot.

“What did you do that?!” Napalingon-lingon ako sa paligid namay boses na nagsalita. Isang familiar na boses.

“Sino ka?” tanong ko sa taong hindi ko kilala na kasama ko ngayon sa madilim na lugar na ito.

“Wow, you're brave now huh,” pahayag nito at hindi pinansin ang aking tanong. Base sa boses nito alam kung malapit lang s'ya sa aking kinaroroonan. Subalit wala akong makitang anino o pigurya nang tao.

“Sino kaba talaga?!” inis kung sigaw at luminga-linga sa paligid upang makita s'ya.

Bumalot nang malutong na nakikilabot na tawa ang buong paligid.

“I never expected you would betrayed me! How dare you! You will pay for this!” sumunod ang malakas nitong sigaw. Bakas ang matinding galit sa kanyang boses.

Anong ibig nitong sabihin? Sa palagay ko hindi lang si Black ang likod nang kasamaan. Subalit sino? Wala namang nasabi sa kwento namay iba pang kaaway?

Napasinghap ako nang may isang kamay na itim na sumakal bigla sa akin.

“B-Bitiwan mo ako..” nahihirapan kung bigkas at kumawala sa hawak nito. Hinahawakan ko ang itim na kamay na sumasakal sa akin subalit tumagos lang ang kamay ko.

P-Paano? Ano ba s'ya? Bakit ganito?

Halos kinakapos na ako nang hininga nang lumutang ako nang bahagya sa ere. Tumirik ang mga mata ko at namumutla na ang aking mukha.

Hindi pwedeng mamatay nalang ako! Katawan ni Black ang ginagamit ko!

“Now, you're useless anyway. This is the right time to kill you, b*tch.”

Dinig kung sabi nito sa loob nang aking isip. Sa palagay ko hindi s'ya ordirnaryong tao lang sa kwento. Subalit sino ba s'yang? Ano ang halaga n'ya sa kwento?

Bago tuluyan akong nawalan nang malay buong lakas kung ginamit ang natitira kung lakas at pilit hindi marinig ang sinasabi nito sa aking isip. Alam kung may ginagamit s'yang mahika upang masakal ako na itim na kamay at pumasok ang kanyang salita sa aking isipan.

Wala ibang makakatalo sa mahika nito kundi ang sarili kung isipan at damdamin. Kailangan kung kumalma at inalis ang bumabalot na mahika nito sa aking sistema at katawan.

“H-How?” huling nadinig ko bago tuluyan lamunin ako nang subrang nakakasilaw na liwanag sa buong paligid.

HINGAL AKONG bumangon sa aking kinahihigaan. Pinagpawisan ang aking noo at mga kamay. Nanlalamig ang aking magkabilang tuhod. Ramdam ko ang pagnanakit nang aking leeg.

“You're awake.” Humarap ako sa taong nagsalita sa aking harapan.

“Thanks god, you're finally awake!” Lumingon naman ako sa taong nasa tabi nito. May malaking ngiti ito sa labi.

The main characters of the story. Aeus and Rosenia was infront of me.

Doon ko naalala ang nangyari sa hardin, kung paano ako pinagtanggol si Gemian at may biglang salita na pumasok sa isip ko. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto ang nangyari bago tuluyan akong nagising. Napahawak ako bigla sa aking leeg at doon ko naramdaman ang kirot.

I Reincarnated To The Most Hatred Character In My Favourite NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon